"Para kang bulaklak na kay sarap titigan Jhola."si Chaze.
Dalawang buwan ng nanliligaw at siya ang unang nakilala ko dito sa Canada. Pinoy siya at magkapit-bahay lang kami.
"Haha! Oo na Chaze! Gusto mong kape?"alok ko.
Kasalukuyan kasi akong nag-aayos sa mga halaman konat siya naman ay nakatambay sa teresa ng bahay niya.
Mabait si Chaze. Matangakad, matangos ang ilong, maputi,manipis ang kanyang mga labi, hindi kakapalan ang kilay at parang bombay ang kanyang mga mata.
Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon at isa siyang businessman. Purong Pinoy siya na nag-migrate dito sa Canada dahil kinuha siya ng kamag-anak niya.
"Sige, pero mas gusto pa rin kita Jhola."banat ulit niya. Haha! Isa pa yan eh, ang galing niyang bumanat.
Pinapasok ko nga siya sa may terrace at iniwan ko muna ang mga halaman ko at pumasok sa loob para magtimpla ng kape para sa aming dalawa.
Kumuha din ako ng chocolate cookies na ginawa ko kagabi.
It's been 3 months simula ng umali ako ng Pinas at namalagi na dito. Si Tatay ang umasikaso ng lahat at pinayagan niya akong huwag na munang pumasok sa kompanya.
At sa dalawang buwan palang na pag-stay ko dito ay kung anu-ano lang ang pinagkakaabalahan ko upang wag akong ma-boring at maiwasan ko ang mag-isip-isip ng kung anu-ano.
"Jhola, alam mo? Ayos lang sa akin na hindi ako makahuli ng pokemon basta sana mahuli kita at maitago na ng tuluyan dito sa puso ko."kindat niya sa akin sabay higop sa kape niya.
Somewhat, kinikilig talaga ako sa mga banat niya pero kadalasan ay natatawa ako dahil napaka-kengkoy niya.
"Ikaw talaga Chaze! Kainis ka ha? Hahaha! Banat ka ng banat dyan, mamaya ikaw ang banatan ko."irap ko kunwari sakanya.
"Pffft! You're blushing! Hahaha! I just want to make you happy and also, I want you to be mine."na naman! >3<
"Hahaha! Asar ka. Wala kang pasok sa opisina? Tanghali na kaya. Heps! Wag kang babanat,matinong sagot ang gusto ko."warning ko sakanya.
"I just want to take a short break. Toxic ang opisina pero kaya naman ng i-handle ng secretary ko yon. Hindi ba pupunta ngayon si Chedler?"
Pag-iiba niya sa usapan.Actually, sumunod si Chedler sa akin dito sa Canada. Sakanya ko unang sinabi na dito ang pupuntahan ko. At wala pang isang linggo ay nakasunod na siya sa akin.
Bale, dito na din siya nagta-trabaho as fashion designer na tanging Mommy lang nila ang nakaka-alam.
Nalaman ko din mula sakanya na bihira lang pala talaga siyang umuwi sakanila dahil nga sa itinatago niyang kasarian niya. Takot siyang mabuko ng mga kapatid niya.
"Hindi e. Busy daw siya sa shop niya ngayon. Balak ko nga siyang puntahan doon mamaya. Bibigyan ko nitong ginawa kong cookies."sagot ko.
"Good! Sasamahan kita then after that, let's have a lunch date."kindat niya at hindi maiwasang mag-init ng magkabilaang pisngi ko.
Tumango nalang ako bilang sagot.
Agad din naman siyang nagpaalam dahil may gagawin pa raw siya sa loob ng bahay niya. At ako naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa ko sa labas.
Pagkatapos kong ayusin ang halamanan ko ay agad na akong nagbihis at hinintay na lang na katokin ako ni Chaze.
Naka-rugged jeans at hanging shirt lang ako na pinarisan ko ng white na converse shoes.
"Let's go?"nakangiting dungaw niya.
"Yeah."ganting ngiti ko rin sakanya at isinarado ko na ang bahay.
Mabait talaga si Chaze sa akin. Kahit na nanliligaw siya ay parang magkaibigan pa rin kami. No pressure kumbaga pero hindi maiiwasan ang sobrang sweetness niya minsan. Lalo na ang pag-aalaga at pagiging protective niya sa akin na kinabibiliban ko.
"Ayyyy! Hi Papa Chaze! Na-miss mo na naman siguro ako no!?"salubong sa amin ni Chedler at kunwaring yayakap kay Chaze pero tunatawang umilag naman ito.
"Hands-off Chedz! Nandito girlfriend ko oh?"nguso niya sa akin at inirapan lang siya ni Chedler.
"Girlfriend daw! Hipag ko na yan oy! Wag mo ng pangarapin. Oh? Bakit nga pala kayo andito? Nasaan yung cookies na sinasabi mo? Dapat si Chaze nalang kasi ang ibalot mo next time para siya naman ang makain ko. Aaaammmmp!"ang landi-landi talaga ng baklang to. Haha!
Ngumingiwi naman si Chaze sa sinabi niya.
"Oh ayan! Bawal ka bang dalawin? Yong damit ko pala? Tapos na ba?"pag-iiba ko ng usapan habang papasok na sa shop niya. Dahil last week ay nagpagawa ako ng cocktail dress sakanya. At kahit naman hindi ako nagpapagawa ay weekly niya akong binibigyan ng dress at kung anu-ano pa.
"Yes, of course dear! Pinakuha ko na kaya hintayin niyo nalang. Want some drink?"alok niya sa amin.
"Coffee please."-Chaze
"Juice ang akin."-ako.
"See Chaze? Sa drinks palang, hindi na kayo match kaya akin ka nalang."puppy eyes pa niya.
Napatawa tuloy ako ng di oras.
Ayos lang sa akin na ginaganyan-ganyan ako ni Chedler basta ba wag lang siyang magbabanggit ng pangalan dahil kahit na lumipas na ang tatlong buwan ay masakit pa rin kapag naririnig ko ang kanyang pangalan.Sanay naman na si Chaze sa kalandian niya pero itong si Chedler talaga ay paiba-iba ang level ng kalandian niya. Haha!
Pagkatapos nga namin sa shop ni Chedler ay dinala ako ni Chaze sa isang restaurant. Niyaya namin si Chedler pero tumanggi naman dahil madami daw talaga siyang aasikasuhin.
"Anong sayo?"tanong niya nang makaupo na kami.
"Baked mac nalang. Busog pa ako kanina sa shop ni Chedz e."sagot ko at umorder na din siya ng sakanya.
"So, how's your family in the Philippines?"simula niya habang hinihintay ang mga order namin.
"Ayon, ayos lang naman daw sila. Every night ko naman silang nakaka-videocall and you? How about your family?"ganting tanong ko at sakto namang sinerve na ang mga order namin pero habang kumakain ay patuloy pa rin kami sa topic namin.
"Ayos lang din naman pero kinukulit nila akong magbakasyon this next month dahil may reunion daw ang batch namin noong highschool. Ilang years din akong wala sa reunion kaya pagbibigyan ko sila this time. You want to come? Tutal, ayos lang naman daw magsama ng kasama. Ipapakilala nalang kita as girlfriend ko."excited na saad niya.
Actually, lagi na kaming ganito for example, kapag may party siyang dadaluhan ay para wag daw akong mabastos ng ibang kalalakihan ay ipinapakilala niya akong girlfriend niya.
Kaya normal nalang kung humingi siya sa akin ng favor.
"Siguro ay pag-iisipan ko pa yang alok mo. Alam mo na?"kibit-balikat ko.
"Tsss. Him again and again? Haha! I thought, you're ready to forget him? Hay, mga babae talaga oh. Ang gugulo ng mga isip nyo."umiiling na saad niya.
Naikwento ko na kasi sakanya ang dahilan ng paglipat ko dito kaya alam na din niya ang tungkol doon.
Nagvibrate ang phone ko at pagtingin ko'y may message si Chedler.
Dear! You're not safe here. Brother Jerome will be here next month dahil bibisitahin niya ang tita namin.
So?I guess may desisyon na agad ako.
Uuwi ako ng Pinas next month.
"Ah..Chaze, sige pumapayag na ako. Sasama ako sa reunion niyo."sabi ko at saka nagpakawala ng malalim na hininga.
"See? Ang gulo talaga diba? Haha! But, thanks for accepting my invitation. Girlfriend na naman kita for 1 week I guess? Haha!"siya ay napatawa nalang din ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...