Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"Bakit hindi mo man lang sana pinababa para nakilala ko sana siya. At para malaman ko kung karapat-dapat siya sayo." Naka-ngiting saad niya na may kasamang pang-iinsulto sa tinig niya at ewan ko pero parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya.
"Ah..si Alyana ang naghatid sa akin. Ka-officemate ko. Nagmagandang loob na ihatid ako kasi nahirapan akong sumakay kanina." Paliwanag ko sakanya at nag-iba ang reaksyon niya. "Si Junior nalang muna ang aasikaso sayo. Medyo masakit kasi ang ulo ko. Halika pasok ka." Yaya ko sakanya at nauna na akong pumasok.
Masama ang loob ko.
Ng makapasok ako sa kwarto ay agad akong umupon sa kama. Hinilot ko ang aking noo dahil siguro to sa pagod at init sa labas. Lalo na't bumyahe pa kami kanina papunta sa kasalan.
----------------------
Pagmulat ko ng mata ko ay gabi na pala.
Pagtingin ko sa maliit na orasan sa kwarto ay alas-otso na pala ng gabi. Kaya naman bumangon ako agad para tignan si Junior at tanungin kung inasikaso ba niya ng maayos si Jerome kanina o hindi.
"Wag kang mag-alala sa pag-aaral mo. May ibibigay na sa iyong scholarship diba?" Si Jerome. Nandito pa pala siya. At ano pang ginagawa niya dito eh gabing-gabi na?
Nasa kusina silang dalawa ni Junior na nagkakape pa yata.
Kasalukuyan paring umuulan kaya medyo malamig ang panahon.
"Sana yung full scholarship kuya. Para hindi na gumastos si Ate sa pagpapa-aral sa akin. Siyanga pala kuya sa susunod na linggo na ang graduation namin. Wag sana kayong mawawala ni Madam..ay ni tita pala. Haha! Ako po kasi ang valedictorian." Saad naman sakanya ng kapatid ko.
Kung close kami ay mas close pa sila. Nakakausap siyang ganyan ni Jerome pero ako hindi dahil alam niya kung gaano ako kasungit. Kaya habang pinapanuod at pinapakinggan ko sila ay hindi ko maiwasan ang wag mainggit.
Ng hindi ko na matagalan ay nameke ako ng ubo upang mapansin nila ang presensya ko.
"Ate! Gising kana pala. Kain kana. Saglit at ipaghahain kita." Masiglang baling sa akin ng kapatid ko habang si Jerome ay nanatiling nakatitig lamang sa akin na ikinaaasiwa ko.
Umupo ako sa tapat niya habang si Junior ay ipinaghahain ako ng makakain.
Iniiwasan kong mapatingin sakanya dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. At medyo naiinis parin ako sa sinabi niya sa akin kanina.
Hindi pa nga niya kilala kung sino ang naghatid sa akin ay nobyo na agad ang sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Trabaho ang hanap ko at hindi nobyo.
"I'm sorry sa nasabi ko kanina." Biglang saad niya kaya naman napatingin ako sakanya.
"Ayos lang."walang ganang sagot ko. "Bakit nga pala andito kapa? Gabing-gabi na ah, baka hinahanap kana sainyo." Dagdag ko pa.
"Hinintay kitang magising para makahingi ng tawad sa maling nasabi ko kanina. At hindi na ako batang paslit na kapag nawawala ay hinahanap. Nagpaalam ako kay Mommy na dito ako sainyo pupunta." Mahabang paliwanag niya. Ngunit hindi na ako tumugon pa.
Habang kumakain ako ay nakabantay siya kaya lalo akong naaasiwa. Si Junior naman ay lumipat sa sala upang gumawa ng mga requirements niya.
"Wag mo nga akong titigan!"pagsusungit ko sakanya.
"Wala sa batas na bawal tumitig buy." Pang aasar pa niya.
"Buy mo muka mo! Wag mo sabi ako titigan! Naaasiwa ako.!" Irap ko.
Ngunit tumawa lang siya.
"Sige hindi nalang ako kakain." Naiinis na saad ko.
"Oo na. Eto na . Pupuntahan ko nalang muna si Junior. Pagkatapos mo dyan ay mag-uusap pa tayong dalawa. At nga pala, dahil malakas parin ang ulan ay dito muna ako makikitulog " sabi niya at saka ako iniwan mag-isa.
Anong sinabi niya!!!?? Makikitulog dito? Sa amin??
Tsss!!! Inuubos talaga ng lalaking to ang dugo ko!
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...