20

140 10 0
                                    

Ng matapos akong kumain ay naghugas muna ako ng pinagkainan ko at sumunod na ako sakanila sa sala.

Sakto namang tapos na si Junior sa kanyang ginagawa at nagpaalam na din itong matutulog na.

"Oh? Anong sasabihin mo? At hindi ka pwede matulog dito no?! Kailangan mong umuwi sainyo. Mamaya patsismisan pa tayo ng mga tsismosa naming mga kapitbahay!" Sabi ko sakanya na nakatayo sa harapan niya dahil kasalukuyan itong nakaupo.

"Ang sungit mo naman buy. Sorry na nga sa nasabi ko kanina. At iyong sasabihin ko pala, next next week ay balik na ako sa barko." Sabi nito na ikinatitig ko sakanya.

"Ah..eh di mabuti kung ganon balik trabaho kana pala."pilit ang sayang sagot ko sakanya.

Dahil ang totoo ay nalungkot ang buong sistema ko. Aalis na pala siya. Babalik na siya sa trabaho niya. Akala ko dito na siya mamamalagi pero iyon pala'y babalik na.

Pero bakit ba ako malulungkot? Eh career niya ang babalikan niya.

"Hindi ka man lang ba malulungkot na aalis na ako? Grabe buy, hindi ba ako mahalaga sa iyo?" Pabirong saad nito sa akin.

Kaya naman itinago ko na lamang ang kalungkutan ko.

"Malulungkot siyempre! Wala ng manlilibre at wala na akong buy na kasa-kasama na mamasyal. Pero maraming salamat buy sainyo ng Mommy mo sa naitulong ninyo sa amin. Pero bakit parang biglaan naman yata ang pag-alis mo?" Saad ko sakanya.

"Walang anuman at deserving ka naman sa lahat ng iyon. Tinawagan kasi ako bigla at may aasikasuhin lang kami. Kailangan kong bumalik dito dahil natagpuan ko na ang buhay ko. At nandito ang kasiyahan ko." Sabi nito habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

Heto na naman ang kakaibang kabog ng dibdib ko sa tuwing nagsasalita siya na tinititigan ako sa mga mata.

"Aba! Syempre, masaya kasi dito no? At paano nalang ang Isla mo diba? Hehe! " pag-iwas ko sakanyang titig.

"Pero sigurado talaga ako na babalik ako dahil may babalikan ako." Seryoso pa rin na tugon nito.

Hindi ako nakaimik ng ilang segundo. Dahil naaasiwa na naman ako sa aming sitwasyon.

"Ah..si-sige saglit lang at kukuha lang ako ng mahihigaan mo pati na rin unan at kumot." Sabi ko at nagmamadali akong pumasok sa kwarto. Bakit ba parang may laman ang mga pinagsasabi niya. Tsk!

Nakaupo lang siya habang ako ay inaayos ang sala na hihigaan niya. Dahil kahit na anong pilit ko ay ayaw daw niya talagang umuwi dahil tinatamad na itong magmaneho sa lakas ng ulan.

Naglatag ako ng banig at saka ko inayos ang mga unan at kumot.

"Pagtayagaan mo itong sala namin. Hindi ito malambot gaya ng kama mo dahil semento ang sahig namin." Biro ko sakanya ng papunta na ito upang humiga.

"Sanay ako sa ganito. Minsan nga ay sa upuan pa ako natutulog. Goodnight buy. Pahinga kana dahil may pasok kapa bukas. At ihahatid kita sa opisina bukas bago ako umuwi." Ani nito at tuluyan ng humiga.

Hindi ko na siya sinagot at iniwan ko na para naman makapag-pahinga na siya.

Kung kanina ay ulan lang, ngayon nama'y may kasama ng kulog at kidlat. Pagtingin ko kay Junior ay mahimbing na ang tulog nito.

Isa sa kinatatakutan ko ang kulog at kidlat. Kaya naman umupo ako na yakap ang aking mga tuhod.

Sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. Malungkot dahil aalis na ang kaisa-isang kaibigan na maituturing ko.

Ngunit sabi naman niya'y babalik siya.

Pero,bakit ba sobra nalang akong nalulungkot!

Hays! Siguro ay iisipin ko palang na nakaalis na siya'y sobra na akong maninibago at mangungulila sa presensya niya.

Gaya ng ginagawa niya ngayon. Pasulpot-sulpot siya dito sa bahay. Hindi mo namamalayan dahil maya't-maya'y nandiyan na siya sa pintuan.

"Aaaaaaaaaaay!" 0_0 tili ko at sobrang nanginig ako sa takot dahil sa sobrang lakas ng kulog at sinabayan pa ng napaka-liwanag na kidlat! Huhu! King ina naman oh!

"Hey! Buy what happened?! Bakit ka sumigaw?" Nagmamadaling pumasok si Jerome dito sa kwarto at sobrang nag-aalala ang boses niya.

"Eh-eh..kasi ta-takot ako sa kulog at kidlat eh!" Nanginginig ang boses kong sagot sakanya.

Namalayan ko nalang na bigla siyang umupo sa aking tabi at bigla na namang kumulog at kumidlat kaya naman napayakap ako sakanya dahil sa matinding takot!

"Ssshhhh...it's okay buy. I'm here. Humiga ka na at dito lang ako babantayan kita hanggang sa makatulog ka."pagpapakalma niya sa akin.

Nag-alangan pa ako ngunit talagang natatakot ako kaya nakinig na lamang ako sakanya.

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata at pinilit ko ding makatulog upang hindi niya mahalata ang aking hiya dahil na naman sa ka-duwagan kong nakita niya.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon