Hingang malalim, pikit mata, hingang malalim ulit pagkatapos ay buga.
Whew! Kaya mo to Jhola! Matapang ka Jhola!
Iyan ang kanina ko pa sinasabi sa isipan ko habang palakad ako papunta sa pintuan ng mga Bretes.
Oo. Nandito ako ngayon sa bahay nila Jerome para makausap siya ng maayos tungkol sa amin.
Naka-dalawang doorbell muna ako bago may nagbukas ng pintuan.
Niyakap agad ako ni aling Mia at niyakap ko din siya dahil talaga namang miss na miss ko na siya.
"Saglit nga? Ikaw na nga ba talaga yan Jhola!? Lalo kang gumanda ah!"biro niya sa akin ng maghiwalay kami sa pagkaka-yakap sa isa't-isa.
"Ikaw talaga manang! Haha. Kumusta naman na dito?" Tanong ko habang papasok kami sa kusina.
"Eto mabuti naman pero wala ngayon si Unday, pumunta sa pinsan niya sa Canada dahil may reunion yata silang magkakapatid at ang paalam naman niya sa ami'y isang buwan daw siya doon kaya kami-kami lang ngayon dito. Nandito naman ang magkapatid."sagot niya at malamang na si Jerome at kuya niya ang tinutukoy niya.
Nadismaya naman ako. Akala ko ay nandito si Tita.
"Oh? Bakit ka na naman nandito?"mataray na salita ng babae sa likuran ko at kahit hindi ko lingunin ay alam ko ng siya si Bibay.
Ngunit hindi ko lang pinansin gaya ng dati na wala lang akong pakialam sakanya.
Nagpatuloy lang ako sa pakikipagdaldalan kay Aling Mia.
"Hay nako Jhola, kung ako sayo ay umuwi ka na dahil mamaya ay darating na si Jerome kasama ang nobya niya."patuloy pa rin sa pagpaparinig si Bibay ngunit natigilan ako sa sinabi niya at napatitig naman kay manang Mia at nagtatanong ang mga mata ko kung totoo ba o hindi ang sinabi ni Bibay.
"Ay! Oo pala Jhola ngayon nga raw pala ang dating ng nobya ni Jerome. Sinabi lang din sa akin ni Bibay at maaga ngang umalis si Jerome kanina kasi may susunduin daw siya kaya naniwala na ako kay Bibay."masayang saad ni Manang Mia at ako naman ay pakiramdam ko, nabibiyak na ng literal ang puso ko sa sobrang sakit sa mga naririnig ko.
Pero pilit ko pa ring pinipigilan ang sarili ko. Hihintayin ko siya para malaman ko kung totoo o hindi ang mga sinasabi nila.
Habang wala pa si Jerome ay tumulong na din ako sa paghaha da ng mga pagkain na inihahanda nila.
Panay lang ang parinig ni Bibay at kanina pa ako nagtitimpi sakanya.
"Manang may bisita pala tayo. Bakit niyo hinahayaang gawin niya ang mga gawain niyo dito sa kusina?"nagulat ako sa nagsalita akala ko ay si Jerome na pero ng sulyapan ko ito ay si Chedler pala.
"Oh Chedler! Gising ka na pala. Sakto ay sumabay ka ba mamaya sa kapatid mo at bisita niya na kumain. Siguro ay malapit na ang mga iyon. Halika na dito ay maupo na. Ikaw din Jhola,maupo ka na rin. Teka, kilala mo na ba itong si Chelder?"baling sa akin ni Manang Mia habang si Chedler naman ay naupo na nga pero nakatingin pa rin sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot at umupo na rin ako sa may tapat niya.
Maya't-maya pa ay nakarinig na ako ng ugong ng sasakyan at alam kong si Jerome na ang dumating.
"Bro! Saan ka galing? Kain na. Oh? Sino yang kasama mo?"Si Chedler na tumayo para salubungin ang kapatid niya.
Pagtingin ko naman sakanila ay nakatingin na dati sa akin si Jerome at masama ang mga titig na ipinupukol niya sa atin.
"By the way, this is Charati, kaibigan ko."pagpapakilala niya at malandi namang ngumiti ang babae at nakipagkamay kay Chedler."mukhang may bisita din tayo. Sino ang nag-imbita sakanya?"dagdag niya na nakatingin pa rin sa akin kaya naman napayuko na lamang ako sa hiya.
"Ah-ah...bumisita lang siya. Akala niya ay nandito ang Mommy niyo. Kaya kesa naman umuwi agad ay niyaya kong kumain nalang din muna."sabat ni Mang Mia.
"Ma-mauna nalang po ako."nauutal na tayo ko.
"No, please stay. Wala si Mommy dito ngayon kaya let us consider nalang that you're my visitor."pigil sa akin ni Chedler kaya naman umupo nalang ulit ako at ngayon nga ay umupo na din siya sa tabi ko habang sila Jerome at kasama niyang babae ay umupo din sa harapan namin.
Habang kumakain ay tahimik lang kami ngunit palihim akong naiinis dahil sa mga tao sa harapan ko na kulang nalang ay tuluyan na silang magharutan.
Sinusubuan ni chararat si Jerome pagkatapos ay kukurutin niya ito sa pisngi.
Ang landi! Psh! -_-
At itong si Chedler naman ay panay ang abot sa akin ng pagkain at sa sobrang inis ko ay tanggap lang din ako ng tanggap at kain ng kain.
Ng matapos kaming kumain ay nagyaya ang magkapatid sa may veranda.
Ang awkward lang naming tignang apat dahil para lang kaming nagdo-double date dahil panay ang dikit sa akin ni Chedler.
"Jhola, can we talk?"may't-maya'y sabi ni Chedler na ikina-gulat ko at ikina-tingin sa amin ni Jerome. Gaya kanina ay masama na naman ang tingin sa akin.
Kaya naman sa katarantahan ko ay napatango ako at sinundan ko siyang binabagtas ang daan papuntang swimming pool area.
"Let's go direct to the point. I know that you love my brother and you can't hide it. At kahit na wala man akong alam ay napapansin kong mukhang may problema kayong dalawa." Diretsahang saad niya na ikina-gulat ko.
"Ha?"yan lang ang tanging naging tugon ko sa sinabi niya.
"Why are you doing this Jhola? Why chase him kung pinapakita niyang ayaw na niya sayo at worst ay pinapakitaan ka niya ng ganyan na may kasamang ibang babae pa? You know, may itsura ka kaya nagugulat lang ako. Mommy told a lot of things about at ngayon nga ay parang hindi tugma ang sinabi niya sa ginagawa mo."saad niya ulit at lalo lang akong walang maintindihan.
Ang ba anh gusto niyang puntuhin?
"Ha? A-ano bang ibig mong sabihin?"lakas loob na tanong ko.
"C'mon! Wag ka ng magmaang-maangan pa. You love him right?"prangkang tanong niya.
At tumango naman ako.
"That's it! Pero bakit ka niya ginaganyan?"hindi ko alam kung tsismoso siya o hindi pero namamalayan ko nalang ang sarili kong inukwento sakanya ang kung anong meron sa amin sa aming nakaraan.
"But why are you chasing him?"muling tanong niya sa akin.
"Dahil ma-mahal ko siya."ng sa wakas ay masagot ko siya at kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Nagulat ako sa ginawa niya dahil niyakap niya ako.
At pagdilat ko ng mga mata ko, sa di kalayuan ay nakita kong nakatingin sa amin si Jerome na masamang-masama ang tingin sa amin.
Sa sobrang kaba ko ay naitulak ko si Chedler at pagsulyap ko ulit doon kung saan siya nakatayo kanina ay wala na siya.
"I-I'm sorry. I-I just want to comfort you. Ayaw ko lang kasing nakakakita ng babae na umiiyak sa harapan ko."sinserong paghing niya ng paumanhin at naiintindihan ko naman iyon.
"Sa-salamat."saad ko at saka siya tinalikuran dahil nahihiya ako.
Lalo na naman siguro akong napasama dahil sa nasaksihan niya. T____T

BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...