Ate_Yhannie
Wala akong pasok ngayon sa palengke kaya naman maaga parin akong nagising para magtrabaho dito sa loob ng bahay. Dahil maya-maya ay aayusin ko ang mga halamanan ko sa labas. Napapabayaan na sila dahil halos gabi nalang ako nag-lalagi dito sa bahay kapag may pasok ako sa palengke at naglalabada kina Madam Unday."Junior! Mauna ka ng magbunot ng mga damo sa labas! Tutulungan kita pagkatapos ko dito sa loob!" Sigaw ko kay Junior dahil nagtitiklop pa ito ng higaan namin.
Si Nanay naman ay ang aga ding umalis dahil may pupuntahan daw silang kasalan sa kabilang bayan.
"Oo ate! Ate nagiging wild na yung mga rose! Iti-trim ko na din." Sigaw din niya.
Mahilig din siya sa mga halaman. Siya ang taga-hingi sa mga kapit-bahay ng iba't ibang uri ng halamang namumulaklak.
Habang palapit na ng palapit ang graduation nila ay natutuliro ako. Nagtatalo ang isipan at puso ko kung pupunta ba ako o hindi.
Sa tuwing naiinis ako sakanya ay ayaw kong pumunta pero sa tuwing ganyan naman siyang nagsisipag at nakikita kong nagpupursige ay parang gusto ko ding pumunta. Hahay! Bahala na talaga.
Ng matapos nga ako sa paglilinis sa loob ay nag-saing muna ako bago lumabas. Hindi naman na kailangang bantayan pa yon dahil sa de-uling lang naman kami nagluluto dahil wala kaming pambili ng gasul.
Ng makalabas nga ako ay kasalukuyan ng nag-titrim sa mga rose si Junior at medyo malinis na ang nasa paligid nito.
Uupo na sana ako para ayusin ang mga batong nagkalat ng may biglang bumusina ng pagkalakas sa tapat ng bahay namin.
"Peste!!!!!" Sigaw ko dahil sa gulat.
"Ayyyyyyyy!!!! Si kuyang pogi ateeeee!" Tili naman ni Junior. Kaya naman bigla akong napalingon sa may sasakyan.
At ganun nalang napataas ang kilay ko ng makita ko kung sino ang bumaba mula sa sasakyan.
Pagtingin ko din sa paligid ay nandito na ang mga kapitbahay naming nakikiusyoso sa taong dumating.
"Anong ginagawa mo dito ha! At grabe no? Talagang nilakasan mo pa ang pagbubusina sa tapat talaga ng bahay namin?" Supladang salubong ko sakanya. Pero hindi siya sa akin nakatingin.
"Oy pare! Hindi ko kasi alam ang bahay nyo e. Kaya dito nalang ako nagparada ng sasakyan. Tara na sainyo! Nandon na ba sila Bertong at Ando?" Masayang bati niya sa kaharap niya ngayon na si Tonyong na kapitbahay namin at kababata ko na barkada ko na din.
Napataas ang isang kilay ko. Dahil sobrang napahiya ako. Lalo na sa mga taong nakakita kung gaano ako kasuplada sa pesteng tao na to na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Pati si Junior ay hindi din niya pinansin. Arogante talaga tong lalaking to!
Sa sobrang inis ko ay papasok na sana ako sa bahay ng magsalita si Tonyong.
"Jhola! Kaibigan ko, si Jerome." Sigaw niya sa akin.
Lumingon naman ako sakanila at tumambad ang nakakabwisit na ngiti ng lalaking kasama niya.
"Ganon ba Tonyong? Pakisabi dyan sa hambog na bisita mo na kaibigan mo, na sa susunod, alamin niya muna ang bahay na pupuntahan niya para doon siya mismo pumarada. At pakisabi din sakanya na hindi na niya kailangan pang bumusina ng malakas dahil hindi naman kami bingi at bulag para hindi makita at marinig ang sasakyan niya!" Yun lang at tinalikuran ko na sila dahil pumasok na ako sa loob. Sinabihan ko nalang si Junior na siya nalang ang magtatapos sa ginagawa namin sa labas dahil wala na akong gana. Magluluto nalang ako ng uulamin namin para sa tanghalian.
Mabilis ko namang nalibang ang sarili ko. Matapos akong magluto ay nag ayos ako sa kwarto ko.
"Ate!"
"Ay! Peste! Ano ba Junior! Wag mo nga akong ginugulat!" Hampas ko sakanya dahil talagang masama ako magulat.
"Hahahaha! Sobra talaga yang pagka-magugulatin mo te! " tawa siya ng tawa habang hawak ang tiyan niya.
May nagbago na din sa amin ni Junior. Dati ay hindi niya ako nabibiro ng ganito dahil takot siya sa akin na baka kung anong gawin ko sakanya.
Dati kasi ay mas pinapa-iral ko yung hindi kami buong magkapatid. Pero ngayon ay para bang,pakiramdam ko ay iisa lang ang ama naming dalawa. Mas masaya pala ang ganon. Ang tanggapin nalang ang katotohanan. Mas magaan sa pakiramdam.
"Ano ba! Sinabi na sayong wag mo akong gugulatin! Bakit ka ba nandito na? Tapos mo na ba yung ginagawa mo sa labas?" Iritang tanong ko sakanya habang pulot ang walis na nabitawan ko kanina.
"Yes of course ate! Pero pwede bang kumain na muna tayo? Kasi gutom na talaga ako e. Gusto ko din sanang magkaroon ng mga fats sa katawan. Para naman magka-laman laman ang beauty body ko.!" Nag-iinarte na namang pa-kwela niya.
"Oh sige na! Kung anu-ano pang sinasabi mo dyan! Maghain kana don. At titignan ko muna saglit yung ginawa mo sa labas." Sabi ko at diretsong lumabas na ng pintuan para tignan ang ginawa niya.
Hindi talaga maikaka-ilang bakla siya dahil sa sobrang ganda ng pagkakaayos niya sa mga halaman namin. Inayos din niya ang mga orchids at hindi ko alam kung saan siya nanguha ng mga drift woods na pinaglagyan niya ng mga orchids.
Natutuwa talaga ako ng sobra kapag nakikita ko ang mga halaman naming nasa ayos. Nakaka-aya sa mata. Kaya naman nakangiti ako habang papasok sa pintuan.
Makakapasok na nga lang ako sa pintuan ay natapilok pa ako. Hay! Tanga ko talaga!
Pagtingin ko sa paligid ay naginhawaan ako dahil walang katao-tao sa . Phew! Buti nalang at walang nakakita. Dahil kung nagkataon ay sobrang nakakahiya. Sa laki ko ng to ay natatapilok pa ako.
"Bat ang tagal mo ate? Ano? Maganda no? Yung mga kahoy na pinaglagyan ko ng mga orchids ay bigay sa akin ni Kuya Tonyong. Kasama niya si Kuya Jerome kanina, nanguha sila sa may gilid ng ilog. Ginamit nga nila sasakyan ni Kuya Jerome e! Oh diba bongga ate!?" Dire-diretsong kwento niya. At ako??
"Anooooo!?? Sila? Paano? E di ba pumunta na sila sa bahay nila Tonyong kanina?" Sigaw ko sakanya. Dahil...king ina! Naglinis lang ako dito sa loob tapos may ganong senaryo na palang nangyayari sa labas?
"Ow my Gad ate! Ang OA mo naman yata? Syempre binalikan nila kagandagan ko! Haha! Alam mo ate? Feel ko..feel ko lang ha? May gusto yata sa akin si Kuya Jerome! Hahaha!" Anak ng pusa! Sobrang landi ng kapatid ko. Hindi ko kinakaya. May patakip-takip pa siya sa bibig na nalalaman.
"Umayos kana nga! Kain na tayo! Masapak kita dyan e!" Irap ko sabay kuha ng kanin.
"Sus...ikaw naman talaga type niya e." Dinig kong bulong niya na hindi ko maintindihan.
"Ano kamo!?"
"Wala ate! Sabi ko, maganda ako." Siya sabay subo na.
Napapailing nalang ako. Sobra na ang kabaklaan niya. Haha!
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Genel KurguJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...