"Cous!? Nakikinig ka ba? What's happening to you? Parang lately, ang lalim ng iniisip mo."kalabit sa akin ni Gabriela kaya naman napatigil kami sa paglalakad.
Nandito kasi kami sa mall dahil PINILIT niya akong samahan ko raw siya para din daw makapag-pahinga din ako sa trabaho.
At sobrang tuwa ng dalawang bruha dahil nahila ako ni Gab kanina.
"Wala. Ano na kasi yung sinasabi mo?"
"Wala daw e hindi mo nga narinig. I said, gusto kong pumasyal sainyo mamayang gabi. Gusto kong mag-overnight. Tinawagan ko na rin Nanay mo sa bahay niyo kanina and guess what!? Ipagluluto niya ako ng kare-kare!" Siya na tuwang-tuwa at nahawa naman ako sa kasiyahan niya.
Dikit kasi sila ni Nanay kaya siya ganyan.
"And sasama daw si kuya Jhandy sa akin, so? We'll gonna shot! Shot! Shot!" Siya na kumekembot-kembot pa. At ako naman ay parang biglang nahiya dahil pinag-titinginan kami ng ibang tao.
Kaya naman hinila ko siya papasok sa isang jewelry shop para lang makaiwas sa mga taong tumitingin sa amin.
"Aw! So mahilig ka pala sa jewelries? Ako din bibili ako ng hikaw. Dyan ka muna ha? At doon naman ako." Sabi niya at iniwan nga ako.
So wala nga akong nagawa kundi tumingin-tingin nalang din at naagaw ng atensyon ko ang white gold na necklace na may pendant na anchor.
Bigla ko siyang naalala.
At dahil sa sobrang na-attract ako, pinalabas ko iyon sa saleslady.
Sinuri ko itong mabuti at hindi ko maiwasang wag mapangiti sa hindi malaman na dahilan.
"Miss, magkano to?" nakangiting tanong ko.
"Ah yan ba? Mahal yan, tumingin ka nalang ng iba." masungit na saad niya iki-nainsulto ng pagkatao ko. Anong akala niya? Wala akong pera?
Pinasadahan ko ang sarili ko sa salamin at doon ko napagtantong para palang mutyatya ang dala ko dahil nga wala akong hilig pumorma at minsanan lang akong humarap sa salamin dahil sa sobrang busy ko sa kompanya.
"What did I just heard!?? Sinupladahan ka ba ng mukhang palakang to??" interrupt ni Gabriela na halata sa mukha niya ang pagkainis.
"Hayaan mo na.Miss, bibilhin ko to." sabi ko sabay abot sakanya iyong necklace na pinalabas ko sakanya.
At pagtingin ko sa saleslady ay pulang-pula na ang mukha nito dahil sa pagsusungit sakanya ni Gab.
"NO! Cannot be! Hindi ako makakapayag na iniinsulto ka nitong gagang to! She can even pay your life! You know that!? HUH!? And kahit pa nagkataong mahirap siya, still you don't have any right to insult people! Ipokrita !!! Nasaan ang manager nyo! Ipapatanggal kita!"sigaw sabay turo niya sa saleslady at naaawa na talaga ako sakanya kaya naman hinila ko si Gab dahil baka kung ano pang magawa niya sa saleslady na kanina pa hingi ng hingi ng patawad sa akin at kay Gab.
"Tama na yan Gab. Miss, eto na ang aking bayad." abot ko sa pera ko.
"Sorry po ma'am" hinging paumanhin ulit niya sa akin sabay abot sa sukli ko.
kaya naman bago pa ulit may masabi si Gab ay hinila ko na siya palabas ng shop.
"you know what? Wag ka ngang masyadong maging mabait sa lahat ng tao!? Tara na nga at bumili tayo ng mga modern na damit mo. I'm not offending you but, napapag-iwanan kana talaga. It's time to change dahil minsan, sa physical apperance nalang tayo nakakakuha ng respeto." siya naman ngayon ang humila sa aki at nagpahila lang ako.
Siya lang ang pili ng pili ng mga damit. Itinatapat sa akin tapos kapag bagay ko raw ay kinukuha niya. Hindi ko na alam kung ilang pares na ang nabibili niya.
"ako na ang magbabayad tutal naman ay ako ang nagyaya.siya ng magbabayad na sana kami.
"Ano ba? Ako na, may pera ako no."natatawang sabi ko sakanya pero wala yata talaga akong nagagawa sa pagiging mapilit niya dahil siya pa rin ang nagbayad.
Ng matapos kami sa mall ay kumain kami at pagkatapos ay nagdesisyon na kaming umuwi sa bahay pero kailangan muna naming dumaan sa bahay nila dahil kukuha pa siya ng gamit niya at dadaanan pa namin si Jhandy sakanila dahil tinatamad daw siyang mag-drive at makikisabay nalang daw siya kay Gab bukas pauwi.
"Couz, may bibilhin lang ako. Hintayin mo nalang muna ako dito sa sasakyan. Saglit lang ako." paalam sa akin ni Gab at umoo naman ako.
Nandito pa rin kami sa tapat ng restaurant at sa tabi kasi nito ay may isang convenient store.
Habang hinihintay siya ay inabala ko ang sarili ko sa pagtanaw sa kalsada ng may biglang mahagip na pamilyar na tao ang mga mata ko. As in FAMILIAR na FAMILIAR sa akin!
At hindi ako pwedeng magkamali. Kung pwede lang tumakbo palapit sakanya pero huli na dahil nakasakay na ito sa sasakyan niya.
Nandito na pala siya?
kelan pa?
At hindiniya talaga ako hinanap??
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Художественная прозаJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...