Lumipas ang ilang Linggo na parang wala ako sa sarili ko at hindi iyon nakaligtas sa mga magulang ko kaya naman kinausap nila ako kung ano raw ba ang nangyayari sa akin at kung ano raw ba ang problema ko.
Kung pwede ko lamang sabihin sakanila. Kung may sapat na lakas ng loob lang sana akong magsabi sakanila kaso ay wala.
"Are you sure na papasok kana naman sa trabaho ng ganyan ang sarili mo?"si Tatay na nadatnan kong nagkakape na sa baba.
"Opo dahil kailangan."walang ganang sagot ko.
"I already told you before, if you need a break, you can have it anytime you want Jhola. Don't pressure yourself. Hindi na healthy iyanh ginagawa mo. Pati ang Nanay mo ay sobra ng nag-aalala sayo."sermon sa akin ni Tatay.
Nakabihis na ako at handa ng lumabas ng bahay.
Pagkatapos ng pagdalaw nila Jerome ay lagi ng ganito. Opisina, bahay lang ako. Umiiwas ako sa mga tao dahil ayaw kong magkwento.
"Ano ba kasi talaga ang problema anak?"si Nanay na ipinagtimpla pala ako ng kape kaya naman wala akong nagawa kundi umupo sa harapan nilang dalawa.
"Wala naman po. Ganito naman na ako dati pa diba? Madami lang talaga akong inaasikaso sa opisina."pagdadahilan ko.
"Stop hiding from us, c'mon I know na may problema ka. Sa opisina? Sa mga kaibigan mo? What?"medyo naiinis na ako dahil para na nila akong ginagawang bata.
Hindi nalang ako umimik dahil ayaw kong makipag-diskusyon sakanila.
"Anak, kung mahal mo, ipaglaban mo siya. Gaya ng lagi mong sinasabi noon sa akin, lahat ng bagay ay nadadala sa magandang usapan."biglang saad ni Nanay sabay pisil sa aking kamay.
Nagulat talaga ako sa sinabi niyang iyon. Paano niya nalaman?
Pagtingin ko sakanila ay nagtitinginan sila ni Tatay na tila ba,nag-uusap sila gamit lang ang kanilang mga mata at maya't-maya'y umalis sila at iniwan akong mag-isa dito sa lamesa.
Mababaliw na talaga ako sa kaka-isip.
Kailangan bang ako talaga ang lumaban?
---------------------------------------
Busy na ako sa mga papeles ng biglang pumasok ang dalawa na may dala-dalang papel na ipinapapirma nila.
Pinasadahan ko iyon ng tingin at nalaman kong magli-leave sila. Agad ko naman iyong pinirmahan.
"Hoy bhe! Ganon lang? Pirma agad? Hindi mo man lang binasa?"si Sapphire na nakapa-mewang pa.
"Binasa ko, magli-leave kayo right?"sagot ko naman at saka binaling ulit ang mga mata ko sa mga papeles na hawak ko.
"Seryoso Jhola? Nagkakaganyan ka pa rin hanggang ngayon dahil dun sa lalaking yon at sa mutyatyang mukhang putong kasama niyang dumalaw sa bahay niyo!?"si Alyana.
Nasabi ko na kasi sakanila pati na rin kay Jhandy at Gabriela. Ano namang bago e alam naman na nila lahat ng nangyayari sa akin.
Hindi lang ako umimik.
"You know what bhe, mas maganda siguro kung mag-usap kayo ni Jerome. Kaysa nagkaka-ganyan ka diba?"si Alyana.
"Para saan pa? Kulang nalang ay isumpa niya ako noong huli kaming mag-usap."ako na hindi tumitingin sakanila.
"Pero mahal mo pa rin siya diba kahit na ginanon ka?"si Sapphire kaya naman napabaling ako sakanila.
Wala akong maisagot dahil tama nga naman sila. Ilang taon ba siyang hindi nagparamdam at nagpakita pero siya pa rin lagi ang iniisip ko?
"Naku girl, be practical na ngayon. Wala na ang panahon ni Maria Clara. Kung mahal mo, fight for him, win him back! Tch! Kaloka ha?? Nagpapatalo ka sa mukhang putong babae na yon!? Sapph, pagsabihan mo nga to!"si Alyana na lumabas na ng opisina ko.
"Alam mo bhe, may punto naman si Alyana. Ipaglaban mo kung talagang gusto mo o mahal mo. Pride nga lang naman ang masasagi sayo. Pero kung mas mahalaga ang pride, let go nalang at panuorin mo siyang aswangin ni puto. Haha." tawa niya at inirapan ko naman siya.
Hindi ko alam kung ilang bese akong huminga ng malalim.
" Siguro nga tama kayo. Mas mahalaga siya sa kesa sa pride ko. Ipaglalaban ko siya."buong tapang na saad ko at pumalakpak naman si Sapphire.
"That's our bhe! Go for it bhe! Dito lang kaming susuporta sayo."Si Sapphire at niyakap ako.
napangiti naman ako at napayakap din sakanya. Mabuti nalang talaga at lagi silang nandyan para sa akin.
Back to dati na ang Jhola na palaban at matapang sa lahat ng tao at sa lahat ng bagay!
---------------------------------------------------------------
"What took you so long?" iritang bungad sa akin ni Gab.
"Sobrang traffic eh. Saan ang una nating pupuntahan?" tanong ko habang inaayos ang nagusot na damit ko.
"Uhmn...I think, unahin muna nating ipaayos yang buhok mo. Para kasing hindi man lang nakatikim kahit minsan ng hot oil eh."saad niya at napangiwi naman ako sabay haplos sa buhok kong medyo magaspang nga.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sapphire kanina ay nakapagdesisyon na akong ayusin muna ang sarili ko bago ko isagawa ang panunuyong plano ko para kay Jerome.
Ang bigat ng salitang panunuyo para sa tulad kong babae pero ganun talaga ang gagawin ko. Susuyuin ko siya hanggang sa bumalik ulit ang dating tingin niya sa akin. At papatunayan kong hindi totoo ang mga pinagsusumbong sakanya ni Bibay dahil unang-una sa lahat, kahit na maykaya na kami sa buhay ay pingahihirapan ko parin ang mga perang dumdaan sa kamay ko.
Matagal pala ang magpaayos ng buhok. Habang inaayusan ako ay may mga naglilinis na din sa mga kamay at paa ko. Isinabay na rin ang facial ko.
Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal namin sa parlor na yon. Hindi naman ako nainip dahil nakaidlip ako. -_-
Akala ko ay sapat na ang ginawa nila sa mukha ko pero hindi pa pala dahil dinala ako ni Gabriela sa isang dermatologist at may kung anu na naman silang ginawa ulit sa pagmumukha ko.
Medyo madilim na ng matapos kami sa lahat pati na din ang pagbili ng mga casual attire ko. Nagpahatid lang ako kanina sa driver ni Tatay kaya naman ihahatid ako ni Gab sa bahay.
"You know what, do the best thing you can just to win him back. Gawin mo ang lahat-lahat para wala kang pagsisisihan sa huli dahil ipinaglaban mo siya. Sinusuportahan kita hindi dahil gusto kong magpaka-tanga ka kundi dahil ayaw kong matulad ka sa akin na hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin dahil hinayaan ko lang siyang mawala sa akin at mapunta sa iba ng wala man lang akong nagawa.."bigla-biglang saad niya kaya naman natahimik ako at nakinig lang sakanya. Ngayon lang kasi siya nagsalita ng seryoso about sa lovelife."Huwag mong isipin na babae ka at hindi dapat ikaw ang gumawa ng panunuyo para sakanya. Kundi, isipin mo lang na mahal mo siya at gagawin mo lahat para sakanya. Kung hindi ka niya kayang ipaglaban at ng kung anong meron kayo, ay ikaw na ang gumawa dahil walang masama doon as long as wala pa siyang iba." pagpapatuloy niya.
Itinatak ko lahat ng mga sinabi niya sa utak ko para palagi ko iyong matatandaan.
"Maraming salamat sa lahat Gab!"hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman napayakap ako sakanya.
"Uh-Uh?! Walang matapang na umiiyak! Remember that! " kunwari ay sermon niya sa akin pero gumanti rin siya ng yakap. "Loka! Syempre pinsan kita." hampas niya konti sa likod ko.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Genel KurguJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...