47

116 3 0
                                    

Akala ko ay ihahatid na niya ako pauwi ngunit nagulat ako ng itigil niya ang sasakyan sa gilid ng daan.

"Tumigil kana sa pag-iyak mo. Akala ko ay ako na ang pinaka-gago dahil sa pananakit ko noon sayo. Pero mas gago pa sa gago ang nobyo mo!"nangigigil na naman na simula niya.

Ako naman ay hindi alam ang sasabihin sakanya. Dahil kung alam lang niya na siya talaga ang dahilan ng pag-iyak ko ngayon.

"You can't go home like that. Stop crying baka isipin pa nilang ako ang nagpa-iyak sa iyo."pakiusap niyang muli. Pero pesteng mga luha to dahil lalo pa silang nag-unahang magsilabasan.

"Stop crying crying or I'll kiss you?"pananakot niya ngunit hindi ngapasindak ang mga luha ko. Para bang hindi ko na sila kayang kontrolin.

..

Nagulat nalang ako ng unti-unti na nga siyang lumalapit sa akin. At ako naman ay hindi na malaman ang gagawin. Iiwas ba ako o hahayaang makahalik siya sa akin.

"You still have chance to move..."warning niya sa akin nang kaunting pulgada nalang ang pagitan namin.

Gusto kong umiwas ngunit parang naipako ang mukha ko na ayaw gumalaw.

Naramdaman ko na lamang ang malambot na labi niya sa may labi ko.

Dahan-dahan niya itong pinagalaw at ako naman ay parang first time ulit mahalikan dahil hindi ko alam kung paano siyang tugunan.

Siya din ang kusang humiwalay at para bang nahihiya siyang tumingin sa akin na hindi mapakali at pulang-pula ang kanyang mukha.


"Halik lang pala makakapag-patigil sa iyo."ngisi niya habang pinapaandar ang makina ng sasakyan at pakiramdam ko naman ay ako ngayon ang may mukhang mapula dahil ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilaang pisngi ko.

"That kiss was still great. And that kiss was a sign for me to court you again."seryosong titig niya sa akin at ako naman ay napalunok."pakiusap, wag mo akong sagutin ng lunok dahil ang dating niyan sa akin ay parang gusto mo ulit na halikan kita."parang nadedesperadong saad niya at sa pangalawang pagkakataon at hindi ko naman sinasadya ay napalunok ulit ako at agaran niyang kinabig ang ulo ko upang mahalikan ulit sa pangalawang pagkakataon!

"Please Jhola, let me court you again."pakiusap niya at napatango agad ako.

Ayaw ko ng mag-inarte na gaya noon. Ayaw ko ng magdalawang-isip dahil ang nangyari sa nakaraan ay nagsilbing aral na sa akin sa mga bagay-bagay. Hindi din naman ako nagmamadali ngunit gusto ko na ding ipakita sakanyang may nararamdaman pa rin ako sakanya sa kabila ng lahat ng nangyari noon.

"Thanks Jhola. Thank you so much for my second chance."natutuwang yakap niya sa akin.

"Walang anuman. Sana lang ay wag nalang ulit mangyari ang nakaraan."tipid na ngiti kong sagot sakanya sabay punas sa mga natitira ko pang mga luha.

Ang bigat ng dibdib na aking dinadala habang pauwi dito sa Pinas ay napalitan ngayon ng kaginhawaan kahit na ang pangit ng nangyari sa amin ni Chaze. But no hurt feelings for me. Dahil pagmamahal bilang kaibigan lamang talaga ang kaya kong ibigay sakanya at masaya ako para sakanya kanina. After so long years, ka-batch din pala niya ang makakatuluyan niya.

At ngayon nga. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para magbigay ulit ng tiwala sa lalaking nanakit sa akin noon. Siguro ay ganon pa rin katibay hanggang ngayon ang pagmamahal ko sakanya dahil handa ulit akong sumubok kahit na walang garantiya na ngayong panglawang pagkakataon ay magiging masaya na kaming dalawa.


Pagkahatid sa akin ni Jerome ay saka ko lang tinignan ang cellphone ko. At hindi nga ako nagkamali sa kutob ko dahil ang daming messages at missed calls na galing kay Chaze.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang incoming call na mula sakanya.

" Jhola...le-let me explain."nag-aalala ang boses niya kaya naman napangiti ako.

"No Chaze, it's okay and I'm so happy for you. Si Dara ba iyong kinukwento mo na naka-relasyon mo way back college na basta lang kayo nawalan ng communication but no break-up and closure?"diretsahang tanong ko.

"Ye-Yes but...what happened awhile ago..I-I did not cheat on you."pagpapaliwanag niya.

"Of course Chaze, you did not cheat dahil hindi pa naman tayo. And again, no hurt feelings and not big deal. I'm okay...I understand, as long as you're happy now."pagpapa-gaan ko sa kalooban niya.

"Thank you Jhola...it just happen. May feelings pa rin pala ako sakanya. By the way, how about you and Jerome? Anong nangyari sa pag-uusap niyo kanina?"comfortable na ulit ang boses niya and lalo lang akong nasiyahan.

Kinuwento ko naman ang totoong nangyari bago namin nakita iyong eksena nila ni Dara kanina hanggang sa nangyari kaninang inihatid niya ako.

"I knew it! He's still  inlove with you. Ang sakit pa rin hanggang ngayon ng suntok niya eh. Haha! Iba kasi talaga ang karisma mo Jhola. But, I am happier than you dahil sa wakas ay hindi ka na malulungkot. Just give it a try again. Who knows? Magiging worth it na this time just like us ni Dara. Bye for now, susunduin ko pa ulit si Dara. Ikaw nalang ang bahalang mag-explain kay Jerome. Bye."siya at hindi na niya ako hinintay pang magsalita dahil pinatay na niya agad ang tawag.

He's still a nice guy for me. Specially his kindness when I was in Canada. Mabait na tao si Chaze at deserve niya talagang maging masaya din sa piling ng iba hindi sa piling ko na magiging option ko lang sana siya.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon