Unang araw ngayon ng trabaho ko kaya naman alas sais palang ng umaga ay nagbi-byahe na ako papuntang opisina. Nag-commute na lamang ako dahil ayaw ko namang magpahatid kay Jerome. Masyado ko na kasi siyang naaabala.
Itong suot ko ay pinamili ni Madam Unday na hindi ko na naman natanggihan.
Palda na hindi gaanong maiksi sa akin na kulay itim at longsleeve na creamwhite na V-neck naman ang aking pantaas. At suot ko ngayon ang close shoe ko na may katamtamang taas na sapatos ko pa noong nag-aaral pa ako ng kolehiyo.
Ng makarating ako sa opisina ay pasado alas syete na kaya maaga pa at akala ko ay ako na ang pinaka-maaga ngunit nakita ko na sa table niya si Sapphire na naka-ngiti sa akin.
"Hi! Goodmorning! Jhola Perpekta, right? I'm Sapphire but you can call me Saphy for short." Masiglang bungad niya sa akin.
"Hello. Goodmorning din. Maaga ka din palang pumapasok? Akala ko ay ako palang ang tao dito." Medyo nahihiya pang saad ko sakanya.
"Hay nako! Naka-ugalian ko ng pumasok ng maaga. Hindi kasi ako masyadong nakakatagal sa amin dahil nakakasulasok! Halika at ipapaliwanag ko muna sayo ang mga gagawin mo habang wala pa si boss." Yaya niya sa akin paupo sa upuan na nasa harapan ng table niya at umupo naman ako.
Base sa nakikita ko sakanya ay mukhang laking mahirap din siya. Baka kagaya ko lang din siya. Kaya siguro ay medyo palagay na agad ang loob ko sakanya.
Madami siyang hinabilin sa akin. Mga ayaw at ugali ni Tito Jeson. Kung ano ang dapat gawin kapag mainit ang ulo nito at kung anu-ano pa.
Nawili ako sa pakikinig sakanya dahil may pagkama-daldal siya.
"Iyon lang naman ang dapat mong tandaan lagi. Mabait naman kasi si boss. Pero syempre ay tao lang din siya kaya minsan ay tinotopak. Maiba tayo Jhola, yung kasama mo kahapon na gwapo, syota mo ba yon?." May pang-aasar sa tono niya kaya naman kusang namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya
"Naku hindi ah! Magkaibigan lang kami non at Mommy niya ang tumulong sa akin upang makapasok dito." Paliwanag ko naman sakanya.
Mukhang aasarin pa sana niya ako ng may biglang dumating na isa pang babae. At mukhang nakasimangot ito. Dahil pagtingin niya sa amin ay agad itong nag-iwas ng tingin. Kaya naman napatingin ako kay Sapphire na pagtatanong sa aking mga mata.
"Yan si Alyana Therese Albana. Ang totoo niyan ay bago palang din siya dito. Kaka-hire lang sakanya last month. Pero wala pang gaanong kumakausap sakanya dahil napaka-tahimik niya. Subsob lang palagi sa trabaho." Bulong sa akin ni Sapphire na ewan ko kung bulong pa ba iyon dahil napansin kong napatingin sa gawi namin si Alyana.
Dahil dakila akong walang pakialam sa ibang tao ay hindi ko nalang din siya pinansin. Baka mamaya ay isipin pa niyang pinagtsitsismisan namin siya dahil ang totoo naman ay si Sapphire lang ang nagtsitsismis sakanya sa akin. Haha!
Kahit na wala pa si Tito Jeson ay kusa na akong nag-ayos sa oposina niya na sinabi naman ni Sapphire na ayos lang daw. Basta wala lang daw akong itatapon na ano dahil lahat daw ng papel na nasa opisinang yon ay napakahalaga.
"Goodmorning Jhola! You're so early huh!? And wow! Did you all arranged this? Salamat naman at madadatnan ko na ulit itong opisina ko na maayos. Lately ay sobrang gulo talaga dahil sa nasa ibang bansa ang sekretarya ko." Bungad niya sa pintuan at hindi naman na ako nagulat. At sakto namang tapos ko na ang pag aayos sa opisina niya.
"O-opo Sir-Tito." Nahihiyang tugon ko.
"Good! Dapat sanayin mo ang pagtawag sa akin ng ganyan. By the way, kindly ask my schedule for today kay Alyana." Sabi sakin.
At wala naman akong nagawa kundi sundin ang utos niya.
Malayo pa lang ako sa kanya ay kita ko ang gaya ng sinabi ni Sapphire na subsob lang siya sa trabaho.
"Hi! I'm Jhola, pinapatanong ni Tito Jeson kung ano ang mga schedule niya ngayong araw." Nahihiyang agaw ko sa atensyon niya.
At ng mag-angat siya ng kanyang ulo mula sa kanyang ginagawa ay tipid na ngiti lang ang binigay niya sa akin. Lalo tuloy akong nahihiya sakanya.
Walang salita niyang ibinigay sa akin ang black notebook na sa pagkakaalam ko ay doon nakasulat ang mga schedule ni Tito Jeson.
Hindi nalang din ako umimik at kinuha ko nalang iyon pagkatapos ay umalis na sa harapan niya.
Pagkabigay ko naman kay Tito Jeson ay agad niya iting tinignan. Ngunit napatigil siya sa ikatlong page ng notebook at saka tumingin sa akin.
"Mr.Pare called me kanina and he told me na ililipat ang oras ng meeting namin. Kaya itong schedule ko dito sa dadaluhang kasal ay conflict na. So, Jhola can you make a foavor for me? Ikaw nalang ang dumalo at isama mo na si Alyana at Sapphire para ibigay ang regalo ko. I have aj important meeting with Mr.Pare that couldn't be cancelled. So please?" Pakiusap niya sa akin. At syempre ayaw ko namang tumanggi kaya pumayag na lamang ako.
Una kong kinausap si Sapphire at ng nasabi ko sakanyang pati si Alyana ay isasama namin ay lalo pa siyang na-excite. Ngunit papayag naman kaya si Alyana?
There is something about her. Sobra kasi ang pagka-aloof at pagiging tahimik niya. Yun bang tipong nakakahiya siyang iapproach?
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Genel KurguJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...