A/n: This chapter is dedicated to the Mother of my boyfriend! Hi Tita Dittas!☺ Today is your birthday so, through this last chapter of my story, I wanna greet you a happy happy birthday Tita!☺ thank you so much for all your kindness and specially those advises you gave me! May you have more blessings and more birthdays to come in your life!☺☺ hope to see you soon po and hope to get to know you more Tita!☺ Godbless po always and again, happy birthday!☺ love you po Tita!♡
Para sa akin, bilang manunulat ay kay hirap wakasan ang isang storya. Dahil lagi kong iniisip, "paano ko bang wawakasan to nang makuntento at mapasaya ko ang mga mambabasa ko?". Ilang ulit na tanong ko yan sa sarili ko pero at the end, wala po akong naisasagot. Hehe!
Heto na nga na naman at wawakasan ko na naman itong story kong to. Habang isinusulat itong message ko para sainyo ay hindi pa buo anh desisyon sa utak ko kung bibigyan ko kayo ng happy ending or vice versa. Hehe! Sana kahit na anong ending ang mailagay ko ay ma-appreciate niyo pa rin at matuwa pa rin kayo. ☺
Thank you so much for all your votes and comments for this story! Godbless you all wattpaders!☺Love,
C h a r c a l 👅
__________________________
Habang tumatagal ang ganitong sitwasyon namin ni Jerome ay lalo niyang napapatunayan na kaya nga niya talagang maghintay ng matagal.Minsan nga, sabi na ng iba ay parang kami na dahil nangyayari na sa amin ang karaniwang nangyayari sa mga mag-nobyo at mag-nobyo. Iyong mga away, tampuhan, selosan at kung anu-ano pa. Lalo na't may pagka-pilyo din si Jerome na lagi akong ninanakawan ng halil at syempre walang araw siyang hindi nagpapadala ng kung anu-anong regalo sa aking opisina na dahilan ng madalas akong tuksuhin nila Sapphire.
Nalaman din pala namin ang tungkol kay Lola dahil ipinag-tapat sa amin ni Tito Jeson ang tungkol sa kalagayan niya.
Na-diagnose daw na may alzeimer's disease siya. At sa aming lahat ay ako ang madalas niyang maalala. Kung kaya't kapag may oras ako ay ako ang madalas din na nag-aalaga sakanya.
"Want to have some tea before going home?"untag sa akin ni Jerome dahil pauwi na kami. Sinundo niya ako kanina sa opisina.
"Ikaw? Sabagay medyo malamig na ang panahon. I-text mo kaya si Chedler. Sabihin mong i-meet tayo sa favorite tea-house natin."sagot ko naman sakanya at siya naman ay napasimangot kaya tinaasan ko siya ng isang kilay dahil diko na naman gets ang ganong reaksyon niya.
"Gusto kitang masolo tapos magtatawag kapa ng iba. Tsk!"para siyang bata na nagmamaktol. Kaya naman sobrang gusto ko na namang kurutin ang pisngi niya dahil sa sobrang ka-cutan niya. Haha!
"Loko! Tinotopak kana naman no? Sige na nga. Tara na."kunwaring irap ko naman sakanya at pinaandar naman na niya ang sasakyan paalis sa parking lot.
Pagka-dating sa tea-house ay agad siyang umorder ng para sa aming dalawa.
Agad naman nila iyong nai-serve kaya habang umiinom ay nagku-kwento na naman siya ng kung anu-anong naaalala niya.
Ako naman ay pinag-sasawa ko ang mata ko sa pagtitig sa mukha niya habang sayang-saya siya sa pagku-kwento.
"Ms.Perpekta, baka naman matunaw na ako niyan sa paraan ng pagtitig mo sa akin. Masyado na ba akong gwapo sa paningin mo? Kailangan ko na bang magpa-pangit ng kaunti? Hehe!"pagyayabang niya at nag-pogi sign pa siya sabay kindat ng isang mata niya na dahilan ng pag-init ng dalawang pisngi ko.
Pero dahil normal nalang para samin ang ganitong asaran ay tumawa nalang ako sa inaksyon niya. "Haha! Yabang mo!"irap ko.
"Kumusta na pala iyong pinapagawa mong apartment? Kailan mo ba yon balak paupahan?"pag-iiba ko sa usapan dahil baka kung saan na naman mapunta ang kapilyuhan niya.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...