"I know that you heard everything" simula niya at ako naman ay nanatili lamang na nakayuko.
Narito kami sa Caffe na malapit sa dalampasigan.
Wala sa sarili akong sumunod sakanya kanina.
"May alam ba ang Nanay ko sa nangyayari ngayon?" Tanong ko at doon lamang ako nag-angat ng aking ulo upang salubungin ang mga mata niya para malaman ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
"Ye-Yes. Kinausap ko siya noong wala ka ng ilang araw dahil sinabi ni Unday na isinama ka ni Jerome sa isla." Sinsero namang sagot niya at hindi ko naman maiwasang masaktan ulit sa binanggit niyang pangalan.
"May isang katanungan pa ako. May alam ba si Madam Unday dito at planado ba ang pagpunta namin noon sa isla?"
"Actually, wala siyang alam. Nagkataon lang na noong dumalaw ako sa bahay nila ay sakto namang ipinasundo pala ang Nanay at kapatid mo. Kaya noon pa lamang ay kinausap ko na siya at tinanong kita kung binuhay ka ba o ano dahil sa pagkakaalam ko ay iniwan niya ang kapatid ko sa ka-dahilanang gusto kang ipalaglag noon ng Nanay mo. I'm sorry for my words pero totoo lahat itong mga sinasabi ko. And I know, it's not easy to accept this truth now dahil biglaan ang mga pangyayari. But believe me Jhola you're brother's daughter that he's been looking for." Si Tito Jeson sa tono niyang nagpapa-intindi.
Bakit sobrang sakit? Ganon ba talaga ako hindi ka-mahal noon ng Nanay ko para dumating siya sa puntong gusto niya akong ipalaglag noon?
At bakit ganon? Naiba ang kwento? Na sabi niya'y, iniwan ako ng hudas kong Ama kaya dapat lang na huwag na siyang hanapin pa.
At ako? Matagal na raw hinahanap ng Ama ko? Gaano ka-totoo at ilang taon na ako't ngayon lang ako natagpuan sa pamamagitan pa ni Madam Unday?
Wala na yatang katapusan ang kamalasan ko sa buhay.
Diyos ko....bakit mo naman ginawang ganito ka-komplikado ang aking buhay dahil isa lang naman akong ordinaryong tao na naghahangad ng simpleng buhay?
"Uuwi ang kapatid ko sa darating na linggo at gusto ka niyang makita at gusto niyang mapatunayan na anak ka niyang talaga." Sabi ulit ni Tito Jeson.
"Pakisabi na lamang ho, na hindi na niya iyon kailangang gawin dahil wala akong balak na kilalanin siya. Maraming salamat sa mga katotohanang sinabi ninyo sa akin. Nais ko na po sanang mauna at gusto ko ng magpahinga. Salamat." Pagpapaalam ko at saka wala ng salita't lumabas ako sa Caffe na iyon.
Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon.
Bumalik ako sa kwarto namin at namalayan ko nalang ang sarili kong ibinabalik lahat sa dala kong maleta ang mga gamit ko.
Gusto ko ng lumayo sa lugar na ito. Dahil pakiramdam ko'y sobrang sikip ng mundo para sa akin dahil sa mga nalaman ko.
Wala akong malaking pera kaya bahala na kung maglalakad ako pabalik sa amin.
Saktong paglabas ko ng elevator ay saka naman ako naitulak ng nasa likuran ko kaya nabitawan ko ang hawak kong maleta.
Pagtingin ko sakanya ay isang lalaki na naka-taas ang kilay niya sa akin.
Istupido ang kanyang mga tingin.
Ng akma ko ng damputin ang maleta ko ay saka naman niya ako inunahang kunin iyon.
"I'm Jhandy Foronda. And you are?"siya at parang gusto kong matawa dahil napaka-brusko pa rin ng pagmumukha at boses niya tapos ay nakikipagkilala siya?
"Jho-Jhola."tipid na saad ko saka ko inagaw ang maletang hawak niya at iniwan ko siya.
Nasa tapat ako ng hotel at naghihintay ng sasakyan ng maalala ko na wala pala akong sapat na pera at wala akong alam sa lugar na ito.
Paano akong makakauwi nito? Tsk!
Katangahan ko nga naman talaga oh!
Sa sobrang pagkainis ko ay napaupo ako sa malapit na bench sa gilid ng kalsada ng may biglang bumusinang sasakyan sa harapan ko.
Lumabas ito sa sasakyan niya at bahagya akong nagulat dahil siya iyong lalaking nakatulak sa akin kanina.
"Seems like you don't know where to go? Halika, isasabay na kita."naka-ngiti na siya ngayon kaya naman tinaasan ko siya ng isang kilay.
At ano naman sana ang nagtulak sakanya na gusto kong sumabay sakanya?
"Hindi. Wag na. " tanggi ko.
"Don't worry. I'm harmless." Giit niya at napataas ulit ang isang kilay ko. Nababasa niya ba ang nasa isip ko?
Tsss! Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at parang kumbinsido naman akong hindi nga siya walanghiya at pwede na ring samantalahin ang pagkakataon dahil wala talaga akong masasakyan palayo sa lugar na ito.
Sumakay nga ako sa sasakyan niya at pinili kong umupo sa likuran at hindi sa tabi niya. Nakita ko namang napapa-iling siya habang nangingiti marahil siguro sa pagpili ko ng uupuan.
"By the way, Jhola right? Where are you going?" Tanong niya sa akin habang inaandar ang sasakyan.
"Babalik na sana ako sa maynila." Sagot ko naman.
"Oh! Great! E di sumabay ka na pala sa akin dahil pabalik na din akong maynila. Kung gusto mo?"nag-aalangang saad niya.
"Ang tototoo niyan ay gustung-gusto ko dahil kapos na ako sa pera. Maraming salamat Jhandy."nahihiya talagang sagot ko dahil sa pang-i-snob ko sakanya kanina.
Tumango naman siya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Ficción GeneralJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...