50

108 4 0
                                    

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako.

Nagising ako dahil sa pangangalabit sa akin ni Nanay.

"Anak,nasa baba na ang mga bisita mo. Sumunod ka na doon pagkatapos mong mag-ayos sa sarili mo. Bilisan mo dahil maya't-maya ay nandito na rin sila Jerome at ng Tatay mo."paalam niya sa akin.

Ako naman ay agad na ding kumilos.

Mga bisita?

Akala ko ba ay si Jerome lang ang makakasalo namin sa tanghalian?

Napapailing nalang ako habang nag-iisip.

Saktong tapos na akong magbihis ng pumasok naman si Junior.

Naka-porma din siya. Hindi maikakailang bakla siya sa suot niya. Haha!

"Oh ano na naman?"kunwari'y naiinis ako dahil pa rin sa gnwa niya kaninang umaga.

"Hay nako ate. Dika na talaga nasanay sakin. Halika at aayusin kita saglit."yaya niya sa akin sa tapat ng tokador.

"Eh bakit mo naman ako aayusan e kakain lang naman tayo."pambabalewala ko upuang hinanda niya habang nagsusuklay ako ng buhok ko na nakaupo dito sa gilid ng kama.

"Kaya nga. Kakain tayo ng tanghalian na may mga kasamang bisita kaya dapat ay presentable ka at ka-aya-aya ka dapat sa mga mata nila."pang-ookray na naman niya sakin. "Lalo na't mukhang mamamanhikan na yata sila. Yiiie! Ikaw na talaga ate! Talaga namang nakaka-inggit yang taglay mong kagandahan! Hayyy! Halika na nga kasi!"dagdag pa niya.

Para matapos na ay pumayag nalang ako at hinayaan ko siyang kalikutin niya ang mukha at buhok ko.

Nakasuot ako ng jumpshort na maong na sleeveless at naglagay ako ng topper na itim.

Konti lang ang ginawa niyang pag-ayos sa buhok ko at light na make-up lang din ang ginawa niya sa mukha ko. Kaya naman litaw pa rin talaga ang kasimplehan ko.

"Tara na ate. Escort mo ako sa pagbaba mo. Kunwari ay lalaki muna ako ng ilang minuto."siya at pagkatapos ay tumawa.

Nawiwirduhan man ako ay sinakyan ko na lamang ang trip niya.

Nang pababa na kami sa hagdan ay parang ayaw ko ng tumuloy sa pagbaba dahil sa mga nakita kong mga bisita. At sakto namang pagpasok nila Tatay at Jerome.

Seryoso? Anong ganap?

"Siiiiiiis! Kaloka! Ang ganda-ganda mo talaga!"sigaw ni Chedler sa sala.

Katabi niya si Tita Unday na kay tamis din ng ngiti sa akin

Sa totoo lang, hindi ko alam ang dapat i-react. OA? Hahaha! Oo, ganun na nga. Kainis!

Pagtingin ko naman kay Jerome ay kinindatan niya ako. Hindi na naman naiwasan ng pisngi ko ang mag-init.

Aba't! Ang loko talaga ng lalaking to!

"Oh! Halina kayo at kumain na muna tayo."saved by Nanay na biglang lumabas galing kusina.

Kinawayan naman ako ni Tita Unday at Chedler na sumunod na. Ganun din ang ginawa ni Tatay at Jerome. Pagtingin ko naman dito sa katabi ko ay parang kinikilig na ewan. Psh!

Sumunod naman kami agad at para talagang ako ang biktima ngayong araw dahil ang bakanteng upuan nalang ay sa tabi ni Jerome na may pilyo na namang ngiti sakanyang labi.

"Go na sis! Madami pa tayong pag-uusapan mamaya."nanggigigil na sabi ni Chedler. Inirapan ko lang naman siya dahil sa hindi niya pagsabi sa akin na nandito na pala siya.

"Kumusta na iha? Dumakaw ka raw dati sa bahay pero nasa Canada ako noon. Kaya naman sumama kami dito ni Chedler upang makumusta ka naman namin ng personal."ngiting saad naman ni Tita Unday.

"Hehe. Ayos lang po yon. At salamat naman po at nakadalaw kayo dito sa amin."magalang na tugon ko.

Habang nagkaka-mustahan ay kumakain kami. Hindi maawat sila Nanay at Tita Unday kaya naman kung minsan ay parang silang dalawa na lamang ang nag-uusap dahil puro sa nakaraan ang kanilang pinag-uusapan na hindi naman namin masabayan.

Kitang-kita ko rin ang saya sa mga ngiti ni Tatay.

Nang malapit ng matapos ang lahat ay biglang tumunog ang doorbell at agan naman iyong pinagbuksan ng katulong.

Agad-agad na nawalan ako ng gana pagka-kita ko sa taong pumasok. Anong ginagawa naman niya ngayon dito? Matagal na panahon din siyang hindi nagparamdam tapos bigla-bigla ay lilitaw siya?

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon