Habang nasa opisina ay lutang pa rin ang utak ko dahil sa hang-over ko kagabi.
Hang-over sa alak at sa biglang pagsulpot ni Jerome.
Masama na ang tingin niya sa akin diba? Bakit kung makaasta siya kagabi ay para banh concern siya?
Tsk!
Nakakainis dahil hindi ako makapag-focus sa trabaho.
Kaya naman niyaya kong mag-mall muna ang dalawang bruha.
Sila Jhandy at Gab kanina ang niyayaya ko ngunit may lakad daw sila kaya hindi naman na ako namilit.
"Bongga yang transformation mo bhe ha? Nagiging kikay kana like us."si Sapphire.
Ngumisi lang naman ako habang nagmamaneho.
"Haha! Kaya nga bhe! Ang dating Jhola na seryoso at subsob sa trabaho, may oras na ngayong gumala habang oras ng trabaho!"si Alyana.
"Ewan ko talaga sainyo. Haha! Mga luka-luka." Sabi ko sakanila habang umiiling.
"Pero seryoso bhe? Titigilan mo na si Jerome at ipapaubaya mo nalang siya kay Chararat?"si Alyana.
"Charati nga daw kase."pagtatama ko sa pangalan ng babae ni Jerome.
"Bakit ba? E mas bagay nga sakanya ang Chararat! Ano na? Yung tanong ko ang sagutin mo."komando niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay pero tinaasan lang din niya ako ng kilay.
Psh!
"Oo nga. Ayaw kong maghabol ng dahil lang sa lalaki. Naipaliwanag ko na ang lahat sakanya at tama na yon. Maniwala siya o hindi, labas na ako doon. Kung masaya na siya sa bago niya, e di sila na. Diba? In fact, hindi ko naman siya nobyo at naging nobyo para habulin ko pa siya."masama ang loob kong sagot sakanila.
"Aw. Okay! Mukhang okay nga lang sayo. Haha! O siya, e di ganun kung ganun. Pero bhe, payo lang ha? Wag magsalita ng patapos."tapik sa akin ni Alyana.
Pero nginisihan ko lang ulit sila.
Tumambay lang kami sa starbucks at nagkwento sila ng kung anu-ano lalo na sa parteng lovelife nila na iniinggit ako kuno pero ang totoo ay wala naman akong masyadong naintindihan sa mga kwento nila dahil hanggang ngayon ay lutang pa rin ang utak ko.
Hanggang sa napatingin ako sa pintuan dahil sa mga bagong pasok na hindi ko inaasahan.
Of all places, kailangan talagang dito din sila pupunta sa araw na to?
Grabe! Malas ba ako? O itong dalawang kasama ko.
"Tignan mo nga naman...pinag-uusapan lang natin kanina si Chararat tapos ngayon nakikita na natin siya. Grabe ha?"si Alyana.
Napansin din pala nilang dalawa.
"Huy! Bhe! Akala ba namin ayos lang sayo bakit parang ang sama yata ng timplada ng pagmumukha mo?" Si Sapphire sa tono niyang nang-aasar na naman.
Ibinalik ko nalang ulit sa pintuan ang tingin ko ng halos masamid ako sa iniinom ko dahil papasok din si Chedler.
Dito din siya? Or baka kasama nila siya?
Pero ng makita niya ako ay kinawayan niya ako kaya naman napatingin din sa direksyon namin si Jerome at pati na rin ang kasama niyang si Chararat este Charati.
Palapit na siya sa amin kaya naman kanya-kanya ng pa-cute itong dalawang kasama ko.
"Glad to see you here. How are you?"nakangiting tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...