12

141 9 2
                                    

Navy nga siya. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalangoy habang ako ay nandito lang sa gilid dahil hindi naman ako marunong lumangoy.

At kanina pa niya ako kinukulit na tuturuan daw akong lumangoy. Ano siya! Baleee!? Gusto lang niyang manantsing for sure.

"You know what? Akala ko talaga sobrang tapang ka e. Pero hindi ko alam na madami ka palang kinatatakutan. Like riding on a yatch and now, swimming? Seriously? Saang parte kaba ipinanganak at parang ngayon ka lang nakakita ng dagat at kagubatan?" Natatawang sabi niya habang lumulutang siya sa tubig.

Ang dami niyang alam. Eh sa takot ako e. Tyaka hindi naman talaga ako marunong lumangoy. Malunod pa ako at mamatay. Kawawa naman ang nanay at kapatid ko kapag nagkataong mangyari nga yon.

"Sige lang. Mag-enjoy ka nalang dyan. Kuntento na ako dito sa pam-... ano baaaaaaaaaaa!!!!! Gulp...! Gulp...! Gulp! Whoaaaaaaaaah! Shit ka! Shit!!!!!!" Yakap sabay bugbog ka sa dibdib niya! Shit na malagkit! Basta nalang niya akong hinila!

Sobrang kaba ng dibdib ko! Akala ko ay katapusan ko naaaaaa!

Inilangoy nya ako pa-balik sa pampang at ng marating namin ang pampang ay mabilis akong humiwalay sakanya saka umupo.

Gusto kong umiyak sa takot! Pero hindi ko magawa. Sobra akong nag-alala! Sobrang lalim ng tubig! At sobrang dami ko ding nainom. Masakit sa tenga at ilong!

"I'm sorry." Siya at tiningala ko siya.

"Hindi magandang biro ang ginawa mo! Paano kung natuluyan ako! Ha!? Paano kung nalunod akooo!?" Hysterical na sumbat ko sakanya.

"That will never happen. Dahil hindi kita hahayaang malunod. Sinagip nga kita hindi ba?" Siya at natameme ako. Dahil parang may ibang nilalaman ang mga salita niya.

Huminga ako ng malalim saka tumayo.

"Payag na ako. Turuan mo akong lumangoy." Confident na saad ko at nakita ko naman siyang ngumiti.

Gusto kong harapin lahat ng kinata-takutan ko. Gaya nalang sa pagsakay sa yate. Takot din naman ako nung una pero na-over come ko iyon. Siguro naman ay ganun din sa paglalangoy. Gusto kong matutong lumangoy.

"That's it! Face your fears." Siya at hinawakan niya ang kamay ko habang lumulusong kami sa tubig.

Pumikit ako at pinapakiramdaman ko ang tubig. Ramdam parin ng paa ko ang buhanging may kahalong bato. Hanggang sa papalapit na kami sa gitna at unti-unti na akong lumulubog. Natatakot na naman ako.

"Don't be afraid. I'm still holding your hand. Relax yourself." Siya at pilit ko namang pinapa-kalma ang sarili ko.

Sobrang awkward nung una dahil nahahawakan niya ang katawan ko paminsan-minsan pero pilit ko ding ipinapasok sa isipan ko na walang malisya dahil tinuturuan lang niya akong lumangoy.

Hanggang sa medyo nakakalutang na ako at sobrang tuwa ko dahil mas masarap palang lumangoy kesa tumambay lang sa may pampang.

Ang problema nga lang ay madali akong mapagod na ang sabi naman ni Sir Jerome ay dahil first time ko palang at naninibago lang ako.

May ilang oras din siguro kaming nag-babad sa tubig at nagkwentuhan.

Lalo ko siyang nakikilala. Dumadami ang mga nalalaman ko tungkol sa pagkatao niya.

Hanggang sa napag-desisyonan na naming bumalik na sa bahay dahil medyo dumi-dilim na.

At habang naglalakad kami pa-balik ay panay parin ang palitan namin ng tanong sa isa't-isa.

"Ano nga palang pangalan ng islang ito? Medyo matagal na akong naglalabada sainyo pero never kong narinig na may sariling isla pala kayo." Curious na tanong ko.

"Isla Charlanjia. Pagmamay-ari ko ang islang ito. Ito ang regalo sakin ni Papa noong nakapag-tapos ako ng kolehiyo. At ito din ang huling regalo na naibigay niya sa akin. Because after the month he brought me here was he died because of cardiac arrest. Sa pamilya namin, ako palang at si Papa ang nakakapunta dito." Madamdaming sagot niya. Iba talaga kapag maykaya. Inireregalo lang pala sakanila ang isla.

"At swerte ako kung ganon dahil narating ko na ang islang ito?" Naka-ngiting tanong ko ulit sakanya.

At medyo nahiya ako nung pagtingi ko sakanya ay naka-titig pala siya sa akin.

"Yes of course." Siya at ako naman ay nagbaba ng tingin.

Ng makalabas na kami sa kagubatan ay sinalubong naman kami ng tunog ng mga alon.

Grabe talaga ang Islang ito. Sobrang ganda. Sana, dito nalang ako nakatira. Mabuti dito at wala akong mga kapit-bahay na mga chismosa.

"Ikaw? Balita ko, nakapag-tapos ka daw ng pag-aaral. Bakit napunta ka sa paglalabada," maya't-maya'y tanong niya.

"E, sa wala e. Wala akong kapit sa mga kompanyang pwede ko sanang pasukan. Kaya kesa gumastos pa ako ng malaki para lang makapag-lagay bago makapasok sa trabaho ay mas pinili ko nalang ang sumadla-sideline. Araw-araw namang may kita at ang importante don ay nakaka-bili ako ng pagkain namin araw-araw." Sagot ko naman.

"Hindi ka lang pala matapang sa mga kinatatakutan mo. Kundi matapang ka din sa buhay. Iilan nalang ang mga kagaya mong babae ngayon sa ating henerasyon." Siya nakatawa. At natawa din ako.

"Wow ha! Haha! Salamat naman sa papuri mo buy!" Medyo maangas na sabi ko.

"Oo nga pala buy! Haha. " siya.

Ng makarating kami sa bahay ay nadatnan na namin ang dalawang matanda na naghahanda na para sa hapunan.

Luko-loko din talaga tong si Sir Jerome. Napaniwala akong hindi muna babalik sila manong Berting.

Hay! Masaya din pala siyang kasama. Lalo na kapag nasa mood siya at hindi niya ako trip. Mabait siya at matyaga siyang magturo.

Ipinilig ko ang aking ulo. Mukhang huma-hanga na ako sakanya. Tss!😒

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon