''Chaze...dahan-dahan lang naman. Ang bilis mo maglakad e. Naka-heels ako remember?"kapit ko ng mahigpit sa braso niya dahil kulang nalang ay kaladkarin niya ako.
"Haha! Sorry..I'm just excited to see my batchmates."tawa niya at agad naman niya akong inalalayan na parang ngayon lang niya napagtanto na kasama niya ako.
Iba din talaga tong lalaking to! Ang bilis niya makalimot.
Dumating kami ng gabi dito kahapon at dumiretso muna kami sa kanya-kanya naming bahay tapos kaninang umaga ay pumunta siya sa bahay at doon ko na rin siya personal na ipinakilala sa pamilya ko. At hindi naman siya nabigo dahil inasikaso naman siya ng maayos. Lalo na kay Junior na namana na yata ang kalandian ni Chedler dahil sobrang landi na nito.
Sa isang five star hotel ang dinner at nandito nga kami ngayon at bukas daw ay plano din ng batch niyang mag-beach kaya no choice kundi sumama din ako sakanya sa beach bukas.
Pagkapasok namin ay sobrang dami ng tao. Sabi kasi ni Chaze ay 53 ang sure na dadalo ngayong gabi at wala pa doon ang kani-kanilang mga kasama so hindi na ako nagulat ng makita kong sobrang dami ng tao dito sa loob.
"Chaaaaaaaze! Oh my God! You turned into a hunk man! And who is she???"salubong sa amin ng isang babae na may sobrang pulang labi.
"Haha! Hello Dara! By the way, this is Jhola, my girlfriend."pakilala niya sa akin sabay akbay. Bumeso naman sa akin si Dara at ganun din ako sakanya.
Madami pang lumapit at inulan kami ng tanong kung kelan ang balak naming pagpapa-kasal na tanging tawa lang ang nai-sagot naming dalawa ni Chaze dahil kung alam lang nila na hindi kami talaga totoong committed sa isa't-isa.
Maya't-maya pa ay nagsimula na ang kaunting program nila at tahimik lang naman akong nakaupo habang nakikinig at nanunuod habang si Chaze ay abala sa pakikipag-kumustahan sa mga ka-batch niya.
Kanina ko pa igina-gala ang paningin ko at kahit isa ay walang familiar sa akin.
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa panunuod sa kung anong palabas nila at the same time, nakikinig sa usapan nila Chaze.
"Wala pa si Clinton ah! Sabi sakin non kagabi ay hahabol daw siya dahil may business meeting pa sila nong kaibigan niya."sabi ng isa na naipakilala na ni Chaze kanina lahat sa akin pero sadyang hindi ko ugali ang mag-memorize ng mga pangalan.
"Ow! Kita mo nga naman si Clinton na absentee dati ano? Haha!"si Dara.
"Hey! There he is..and Oh My! Ang gwapo ng kaibigan niya huh!?"si Chelly na katabi ang asawa. Kaya natawa naman ako ng pasimple siyang kurutin ng asawa niya dahil sa reaction niya ng makita ang kaibigan ni Clinton na tinugukoy nila.
Hindi naman ako nag-abalang lumingon. Dahil sa totoo lang ay kanina pa talaga ako nabo-bored.
Nasabi din sa akin kanina ni Chaze, na kung pansin ko daw ay sobrang lalapit nila sa isa't-isa dahil silang lima noon sa section nila ay sila-sila ang mga magkakasama. At iyong Clinton na nga lang ang hinihintay nila.
"Pare! Long time no see! Kumusta ang business world?"dinig kong tanong ni Joss na asawa ni Chelly. Ako naman ay nakaupo lang at nanunuod sa kumakanta.
"Haha! Fine pare. By the way, this is my friend Jerome Bretes at siya yong sinasabi ko kanina na ka-meet ko. Wala naman na siyang pupuntahan so I invited him."pagka-rinig ko ay para akong naparalisa.
Jerome Bretes? Sh*t! Nagkakamali na naman ba ako?
Dahan-dahan akong lumingon at napalunok ako ng wala sa oras.
Napansin naman ni Chaze ang reaction ko kaya agad niya akong inakbayan.
"Nice to meet you pare."pakikipag-kamay ni Chaze kay Jerome habang naka-akbay sa akin. "And this is my girlfriend Jhola."pagpapakilala niya sa akin at doon ko lang natitigan ang mukha niya at gulat na gulat siya sa narinig niya.
Kinamayan ako ni Clinton at si Jerome naman ay hindi inabot ang kamay ko kaya dahan-dahan ko na lamang iyong binawi.
Para akong kakapusin ng hininga dahil sa tensyon na nadarama ko right now.
"Please guys excuse me. Sa powder room lang ako."sabi ko at agad silang iniwan.
Nagmadali akong pumunta ng powder room.
At pagkapasok na pagkapasok ko ay agad kong tinawagan si Chedler.
"You told me na pupunta siya dyan tapos bakit siya nandito!??"nangga-galaiting bungad ko sakanya.
"Sorry dear! But...it's already time to face him and makapag-usap na kayo para sa closure niyo. Alam kong iyon na ang kailangan niyong dalawa para pareho na kayong matahimik. Sorry...I lied."iyon lang at pinatayan na niya ako.
Napa-wow naman ako. As in wow!? Anong karapatan niyang pangunahan ako? Ni hindi man lang ba niya naisip na hindi pa ako handang harapin at kausapin ang kapatid niya!? Fudge!
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng powder room.
Pagkalabas ko ay mas hindi ko inaasahan ang taong naghihintay sa paglabas ko.
Gusto ko siyang takbuhan..talikuran at ignorahin na lamang ngunit para na akong naipako sa kinatatayuan ko.
Hindi pa rin siya nagbabago.
Siya pa rin ang Jerome na gwapo at simpatiko kung tumingin. Medyo nangitim ngunit bumagay lang naman ito sakanya. Ang mga mala-tsinito niyang mga mata. Ang masusungit na kilay niya. Ang makipot na labi niya. Walang nagbago.
"How are you?"iyan ang unang salita na lumabas sa bibig niya.
Ang simpleng tanong ngunit para sa akin ay parang ang hirap bigyan ng sagot.
"Can we talk?"saad ulit niya at lalo lang akong nataranta.
"It's been months since you left and I just want to talk to you right now."muling saad niya.
"My...boyfriend is already waiting for me. Please excuse me."sa wakas ay nasabi ko at tatalikuran ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
"Please Jhola...pagbigyan mo ako. Pagkatapos ng pag-uusap natin ay hindi na kita guguluhin."pakiusap niya. "Naipalam na kita sa NOBYO mo at pumayag siya."dagdag ulit niya. Ipinagka-diinan niya talaga ang salitang nobyo at hindi ko alam pero ang sakit marinig lalo na't nanggaling iyon sakanya. Hindi ko din alam kung bakit ba ako nasasaktan.
Kahit na wala ako sa sarili ko ay hindi ko namalayan na sumama ako sakanya. Dumaan kami sa likod kaya hindi ko na nakita si Chaze at hindi na ako nakapag-paalam sakanya.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako. At the same time ay na-miss ko pala siya ng sobra.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Fiksi UmumJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...