36

114 6 0
                                    

Umuwi akong mabigat ang pakiramdam. Hindi dahil parang magkakasakit ako kundi dahil sa mga binatong salita sa akin ni Jerome.

Kasalanan ko nga ba ang nangyari sa aming dalawa? Bakit bumalik iyong dating hinuhusgahan niya pagkatao ko? Ang hindi ko lang talaga lubos na matanggap ay ang sabihan niya akong para akong mukhang pera sa paningin niya.

Ng makapasok ako sa kwarto ko ay naalala ko ang cellphone noon na ibinigay niya.

Binuksan ko ang closet ko at hinanap ang kahon ng cellphone.

Nakita ko naman agad ito.

Nakaayos pa rin ito sa kahon kasama ang sim card.

Hindi ko alam, pero namalayan ko nalang ang sarili ko na isinasalpak ang sim card sa cellphone at binuksan ito.

Wala pang ilang minuto ay sunud-sunod na akong nakatanggap ng mga messages.

Nanginginig ako habang pinipindot ang cellphone upang buksan ang mga mensaheng natanggap ko.

1 Jhola, hindi kita makontak. May nangyari ba? Sorry if ngayon lang ako nagparamdam. Nasa gitna kami ng laot walang signal. Please reply upon reading this message.

Unang mensahe palang niya ay napaiyak na ako. Kasalanan ko nga talaga.

2 Please...can't contact your number. What happened? Alam mo namang hindi pa kita pwedeng kumustahin kay Mommy dahil balak kong i-surprise siya kapag sinagot mo na ako.

Napatakip ako sa aking bibig upang huwag kumawala ang hagulgol sa aking bunganga dahil baka marinig ako nila Nanay.

Tinignan ko lahat hanggang sa huling mensahe at medyo nabuhayan ako sa nabasa ko.

3 Hindi ko man alam ang dahilan mo pero iintindihin kita. Matatagalan pa ako sa pag-uwi. Sana pagbalik ko ay wala pang iba. Mahal na mahal kita Jhola. Please wait for me.

Iyan ang pinaka-huling mensahe niya sa akin. Mahal daw niya ako. Pero bakit ganun siya magsalita?

Kung saktan niya ako sa pamamagitan ng salita niya kanina ay parang wala lang ako sakanya.

Nagulantang ako sa katok sa aking pintuan kaya naman agad kong itinago ang cellphone bago binuksan ang kumakatok.

"Ate! Baba ka na raw sabi ni Tatay. Magbihis kana rin dahil may mga bisita sa baba."si Junior na mukhanh excited na excited.

Ako naman kahit wala sanang gana ay wala akong nagawa kaya naman kahit labag sa aking kalooban ay nagbihis at nag-ayos ako sa aking sarili.

Nasa hagdan palang ako ay dinig na dinig ko na ang mga boses na nag-uusap.

Ng saktong makababa ako ay nakita agad ako ni Tatay habang ang kausap naman niya ay nakatalikod sa akin.

"By the way Iho, this is Jhola my daughter. Iha come here and meet Jerome."saad ni Tatay na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Ganito ba talaga dapat kabilis ang mga pangyayari?

"No need Tito. Didn't she told you that we already know each other? In fact, noong hindi niyo pa sila nahahanap ay namasukan siya sa amin bilang taga-laba."kalmado at preskong saad ni Jerome kay Tatay at ako naman ay parang sasabog na dahil sa nahimigan kong pang-iinsulto sa boses niya.

At mas ikina-bigla ko naman ang biglang paglabas ni Nanay sa kusina kasama ang isa pang unexpected na bisita na kung maka-ngiti sa akin ay dinaig pa ang ngiting demonyita.

Siya lang naman si Bibay.

At ano namang ginagawa niya dito sa amin?

"Kumusta na Jhola? Jerome,halika na tinulungan kong naghanda ng meryenda si Tita Nena."saad ni Bibay na ikinakulo ng dugo ko.

Jerome? Hindi na sir?

Ano bang nangyayari?

Sila na ba??

Shit! Naalala ko last time na sinabi sa akin ni Jerome na tama nga ang sinabi ni Bibay sakanya.

So anong ibig sabihin ng to??

Na sinira ako ni Bibay kay Jerome?

Dahil bisita sila at kahit na sobrang sakit na ng kalooban ko ay pinilit ko silang hinarap ngunit walang lumalabas na salita sa akin. Tipid na sagot at ngiti lamang ang binibigay ko sa tuwing kinakausap nila ako.

Panay naman ang siko sa akin ni Junior tuwing naglalambingan si Jerome at Bibay sa harapan namin.

Alam ng Diyos kung paano ko siyang pinapatay sa isipan ko!

Ang kakapal ng mukha ng mga walang hiya dahil dito pa talaga nila pinapakita ang kalandian nila!

At kaya daw pala narito si Jerome ay dahil interesado itong mapa-bilang sa board member ng aming kompanya.

Ngunit wala ang utak ko sa kasalukuyang usapan nila dahil nakatuon lang ang aking mga mata at isipan sakanilang dalawa na para bang wala lang ako sa harapan nila.

Ng mag-excuse si Bibay para mag-CR ay sinamantala ko iyon upang sundan siya para kausapin.


Hinintay ko talaga siyang matapos sa loob ng CR.

"Anong ibig sabihin nito?"diretsahang tanong ko.

"Anong pinagsasabi mo?"mataray na tanong din niya.

"Bakit mo kasama si Jerome? Kayo ba?"

"Hindi pa. At ano naman sayo kung kasama ko siya? Bakit? Selos ka ba? Pasensya na Jhola, nasabi nga pala sa akin ni Jerome na ayaw niya sa mga babaeng mukhang pera na katulad mo."ngisi niya sa akin bago niya ako tinalikuran.

Sa sobrang inis ko ay pumasok ako sa CR at doon ulit umiyak.

Bakit ba nangyayari sa akin ito? At bakit ba siya ganon sa akin? Ano bang ginawa kong masama sakanya at parang sinasadya niya ang lahat!

Dahil sa bigat ng loob ko ay hindi na ako ulit bumalik sa veranda kung saan sila nag-uusap-usap dahil hindi ko na kaya pang tagalan ang panuorin ang taong minahal ko na nakikipag-landian sa iba.

Kasalanan ko lahat ng ito! Kung sana'y hindi ko pinangunahan ang lahat! Kung sana ay hinintay ko nalang noon ang tawag niya! Kung sana'y nagtiwala ako sakanya baka sakaling hindi sana nangyayari ang lahat ng ito ngayon.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon