Dalawang araw na kami dito sa isla at dalawang araw pa para matapos na ang seminar at sinabi ni Tito Jeson na after ng dalawang araw na iyon ay may isang araw pa kami para sulitin talaga ang pag-stay namin dito sa isla.
Dalawang araw na rin na hindi man lang tumatawag o ano si Jerome at hindi ko maiwasan ang wag mag-alala at mag-isip ng kung anu-ano.
Kagabi ay hindi ko napigilan ang labis na pangungulila ko sakanya kaya napaiyak na lamang ako.
Ano na bang nangyari sakanya? Bakit ang sabi niya ay tatawag siya at kaya niya ako binigyan ng cellphone ay upang makapag-communicate kami kahit na nasa malayo siya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sakanya.
"Beh, baka naman busy lang yon. Wag mo nang masyadong isipin."si Sapphire.
Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng tanghalian.
"Yeah, Saph was right. Wag mong praningin ang sarili mo dahil ikaw lang din ang nahihirapan."sang-ayon naman ni Alyana.
Nginitian ko nalang silang dalawa bilang pagtugon sa mga comfort nila sa akin.
"Excuse lang mga beh. Cr na muna ako." Saad ko sakanila.
Matapos kong umihi ay sinulyapan ko muna ang aking sarili sa salamin.
"You know what, maybe he'll gonna propose to you pagbalik niya. God Jastine! Napaka-swerte mo." Dinig kong sabi ng isang babae sa tabi ko na kasalukuyan silang nagre-retouch ng kasama niya.
Siguro ay mga bakasyunita sila dito dahil hindi familiar sa akin ang mga mukha nila.
"Haha! Maybe! Alam mo namang mahal pa rin talaga ako ni Jerome." Malandi namang sagot ng tinawag na Jastine kanina ng kasama niya.
Hindi ko alam pero parang binundol ang puso ko sa narinig kong pangalan kahit na hindi pa naman ako sigurado kung ang tinutukoy nilang Jerome ay si Jerome na kakilala ko.
Hindi ako nakapag-pigil kaya kinapalan ko ang aking mukha at nagtanong sakanila.
"Ah-ah...Miss, si Jerome Bretes ba ang tinutukoy niyo?"nanginginig na tanong ko.
At tinaasan naman ako ng kilay ng tinawag na Jastine kanina.
"Yes. And why do you know him? Related ka ba sakanya?"mataray naman na tanong niya.
At gusto kong mawala nalang sana bigla dahil sa sagot niya.
"Ah-ah...eh ka-kakilala ko lang siya. Si-sige mauna na ako sainyo."ako at nagmamadali ng lumayo sa dalawa.
Hindi ako bumalik sa seminar kundi pumunta ako sa kwarto namin upang magkulong at ilabas lahat ng hinanakit dito sa puso ko.
Kaya pala...kaya pala hindi pa siya tumatawag.
Pero bakit niya ako niloko? Akala ko ba ay totoong tao siya? Akala ko ba ay hindi siya tulad ng ibang mayaman na kakilala ko? Bakit niya ako pinaglaruan at pinaasa?
"Oh, I see. And about what I told you kanina. Hindi naman kita liligawan. Gusto lang kitang makilala. Dahil gusto ko lang malaman kung bakit ka nagustuhan ni Mommy."
Biglang bumalik ulit ang mga alaala namin noon sa isla at iyan ang natandaan kong sinabi niya at ang mga iba pa.
Bakit ang sakit?
Ganon ba talaga dapat?
Ang mga kagaya kong mahihirap ay sinasamantala lamang ng mga taong mayayaman na tulad niya?
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...