Accident

1.5K 51 37
                                    


Nakita ni Dana na nagkakagulo sa bandang audition part dun sa MOA. Nahiwagaan siya kaya inalam niya kung bakit nga ang daming tao dun.

Pumunta siya doon at naki-chismis na kung ano nga ang meron. Paglapit niya doon ay bigla siyang napatakip sa tenga dahil sa mga naririnig.

"Wahhhh!! Erick! I love you na talaga!!!".

"I love you too babe ko!" Kumindat yung lalaki na Erick nga daw

"Wahhh! Best! Narinig mo ba yun?! Sabi niya I love you tooo!"

Tssk.. Sino ba itong mga lalaki na pinagkakaguluhan? Para namang di ko sila kilala.

Napanguso nalang si Dana. Hindi niya kasi talaga mga kilala ang mga ito. Kaya umalis nalang siya doon.

Pero ilang saglit. May bumangga sa kanya mula sa likod. Pero bago siya mag-react may narinig na siyang isang reklamo mula sa babae.

"Aray! Ano ba?!" hinihipo pa ni Dana yung balikat niya na nabunggo kanina ng bigla ngang may nag-aray. Kaya naman hinanap niya kung saan ito nagmula

Luminga-linga siya at nakita niya ang isang babaeng hinahatak nang isang lalaki. At mukhang tama ang hinala niya na siya yung babaeng sumigaw kanina ng 'aray'.

Sumama ang tingin niya doon sa lalaki.

Sino ba tong lalaking to?

Ang kapal lang ng mukhang hilahin yung babae palabas at may rahas pa.

Key kapal lang?

Hahatakin ulit nong lalaki yung babae hanggang siguro sa makalabas na sila doon sa mall. Pero bago magawa iyon ng lalaki ay agad-agad namang tumakbo si Dana para hatakin ang kamay ng babae. Kaya napahinto yung lalaki sa paghatak at tinignan kung sino ang pumipigil sa hatak niya.

"A-Andali lang!" humarang si Dana dun sa harap ng babae dahil nagbabalak na naman itong hatakin ng lalaki

Oo lalaki iyon at kung iisipin mo ay walang galang nitong kinakaladkad ang babae na hindi niya malaman kung ano ang rason nito.

"T*ngna! Anong ginagawa mo? Bakit ba nangangaelam ka? Sino ka ba?!"nanlilisik na ang mga mata ng lalaki

"Nililigtas ko lang siya sayo! At isa pa tinatanong mo kung sino ako. Ako lang naman si Dana Dela Cruz na isang babae din kaya wag kang magtataka kung bakit nandito ako." lakas loob na sabi ni Dana kay Edward

"Tssk!" yan nalang ang nasabi ng lalaki kay Dana

Umalis na ang lalaki na hindi manlang nagpapaalam.

Abay! Bastos din pala siya. Lahat ata ng kasamaan ng ugali dala nitong lalaking to.

"Bastos! Hindi ka ba tinuturuan ng magulang mo?!"sinigawan ni Dana ang lalaking patuloy pa rin sa pag-alis kahit na hindi pa sila tapos mag-usap ni Dana

Napahinto ang lalaki.
Nakapamulsa ang mga kamay nito.
Tumingin ito nang masama at ngumiti nang nakakaloko.

"Wag mong idamay ang magulang ko dito kung ayaw mong mapasama."si Edward na ganun pa rin ang ekspresyon nang mukha

Nagsidatingan ang mga kaibigan ni Dana na sila Mikaela,Michelle at Sharlot.

Nagulat ang mga kaibigan ni Dana na
tila naguguluhan din sila dahil ang kaibigan nila ay nagpaalam lang na magrerestroom na ngayon ay nagkaroon na ng bagong kaibigan.

Katulad nang.

Sa restroom galing tapos nakapulot na ng kaibigan? Ayos lang ah? Uso na palang makipagkaibigan sa restroom lang nagkatagpo.Yung totoo pwede naman sa school or sa church mas maganda sanang pakinggan pero sa restroom? Haybus!
-sa isip nang mga kaibigan ni Dana

"New friend?"si Michelle na naka-cross-arm

"No."si Dana na hanggang ngayon ay badtrip dahil sa lalaki kanina

"Explain it."si Sharlot na nagtataka

Lahat ng atensyon ngayon ay na kay Dana na.

Mga poker face kaya natawa nalang si Dana sa isip niya.

"Niligtas ko lang naman siya doon sa mayabang na lalaking iyon!"turo niya dun sa lalaking may mga kasama naring barkada at halatang pinag-uusapan din sila

Napatingin ng masama ang lalaki nong nahalata niyang siya rin pala ang pinag-uusapan nang mga babae.

Pero sino naman daw ang may pake?
Wala naman siyang pake.Yung habulin ng babae ng ilang buwan yun ang sadyang nakakairita para sa kanya.

Ngayon?

Ang panghuhusga sa kanya ay wala pa sa kanya dahil mas malala pa dun ang naranasan niya dahil sa babae.

That's why he hate girls.

They are annoying.

AN:

Ito pong chapter na ito ay idededicate ko sa isa kong reader na nagpasalamat pa sa story ko kahit na ba dapat ako ang nagpasalamat hahaha! manang_birtud Salamat sayo! Salamat sa suporta! Sana hanggang dulo suportahan mo ako hahaha!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon