That girl

1.2K 47 43
                                        


Pinagtitinginan sila ng apat na babae mula sa di kalayuan na hindi naman nila kilala. Kaya napatanong si Erick kung ano ang meron sa mga yun dahil alam niyang meron talaga kasi madalang tumingin ng nanlilisik si Edward kung walang dahilan.

"Tskk.. Ikaw ba naman kasi pigilan, harangan at turuan pa? Sino ba naman kasi siya para utusan at pangaralan ako na parang ang dami niyang alam?" nag-walk-out si Edward na inis na inis. Pero bago siya naglakad tumingin muna siya saglit sa pwesto nong apat na babae na kasama na ngayon ng babaeng kinaiinisan niya

Sinundan naman siya ng tatlo ng mag-drama na walk-out siya.

"Oh pare! Bakit ba nabadtrip ka na naman? Dahil ba nasapawan ka? Hahaha!" nakangising umakbay si Ezy kay Edward

"Oo nga pare key daming chicks na nakatingin sayo oh..."turo pa ni Erick sa mga babaeng kumakaway sa kanila at nagpapapansin

"Tssskk.." irap ni Edward kay Erick

Hindi na kasi maiaalis yun dahil na nga sikat sila. Kaya iyon si Erick sinasamantala yun pero si Edward naman naiinis. Ayaw niyang pinagkakaguluhan. Gusto niya lang yung simple at isa pa ayaw niya sa babae. Si Ezy naman? Hay naku! Sabi nga ni Erick nasa loob ang kulo. Nananarili yan at palihim na gumagawa ng milagro.

"Iniisip mo na naman ba yung kung paano ka niya binangga?"pang-aasar ulit ni Ezy na may kasama pang ngisi

Apat din silang magkakabarkada kasama si Edward. Kung di ninyo man itatanong sasabihin ko parin na si Edward lang naman ang lalaki kanina na nakaalitan ni Dana. Pero bago ang lahat magpapakilala muna sila.

Ang bass guitarist ay si Erick na isa sa chickboy/babaero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang bass guitarist ay si Erick na isa sa chickboy/babaero. Sinasamantala niya ang pagiging sikat nila. Siya din ang pangalawang leader na pinagkakatiwalaan sa grupo.  Mahilig din siya sa Adidas na mga gamit. At ang pinakasikreto niya bilang isang chickboy ay hindi siya mahilig sa babaeng fling o kaya mga babaeng over kung mag-make-up. Pero kung iisipin ninyo pag-siya ay nakasama mo hindi mo ito mahahalata kasi halos lahat ng babaeng kasama niya ay ganun. Kabaligtaran sa gusto niya. Ang gusto lang naman kasi niya ay yung babaeng simple. Yung bang kahit plain white at jeans lang ang suot ay ang ganda ng tignan.

 Yung bang kahit plain white at jeans lang ang suot ay ang ganda ng tignan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon