Who's that girl?

222 8 0
                                    

AN:
  Yung story pong ito eh nong pagkababa nila sa eroplano.Yung kalalapag lang nila nang pilipinas.Kung naaalala ninyo yung may babaeng tumawag kay Edward. Remember? Naalala nyo na ba? Okey kung hindi balik tanaw kayo dun sa 'Manila,Philippines' na chapter at malalaman ninyo yun.

So? Enjoy this chapter.
Babush!

Edward's POV

"Honey ko! Buti nakauwi ka na..." napatingin ako sa babaeng nagsalita niyan kung hindi ninyo man itatanong kilala ko siya at kilalang kilala ko din ang boses na yan

"Edward, anong masasabi mo sa Paris? Wala ka bang ikwekwento kung ano ang nangyari sa inyo dun? Maganda ba ang naging resulta sa pagtugtog ninyo sa Paris?" ngumiti ako nang pilit at tumingin sa reporter na nagtatanong tungkol sa pagpunta namin sa Paris

"Ano ba kayo? Wag ninyong i-stress itong si Edward..." kumapit si Natalie sa aking braso.Andito na naman siya tssk!!! Ano na naman kaya ang balak neto? Ni hindi ko namalayan na nakakapit na pala siya sa akin.."Alam ninyo naman diba na kagagaling niya lang sa biyahe? Pwedeng sa susunod ninyo nalang siya tanungin?" hinihila na ako ni Natalie para makaligtas na ako sa intriga.May naitutulong naman pala itong si Natalie kahit na lagi nalang ako netong iniinis hindi ko nga alam kung bakit naging ex-girlfriend ko ito eh

Sadyang hindi ko lang alam na may itinatago pala ito.Sa mukhang maganda meron palang nakatagong pangit na itsura at aura.

"Edward dahil kararating mo lang gala naman tayo? Please?" pagmamakaawa sa akin ni Natalie na kulang nalang idikit na ang mukha niya sa mukha ko

"Talia iba ka talaga! Gumaganda ka lalo ah?!" si Erick na may paghanga sa mukha.Eto talagang lalaking ito bolero at babaero sige kung gusto mo sayong-sayo na siya pinamimigay ko na di ko na kailangan ito sa totoo lang pasalamat siya mabait ako ngayon

Tsskk! Tskk! Tssk!

"Ikaw talaga Erick! Buti ka pa nakikita mo yung di nakikita sa akin ni Edward.." tumingin siya sa akin saglit yung parang sumulyap lang sa akin."At tsaka oo nga pala! Hanggang ngayon ba naman bolero ka parin? Hindi ka pa ba nakakahanap nang 'forever' mo?" si Natalie ulit na tawa nang tawa sa galak at still nakahawak parin sa braso ko para talaga itong linta

"Halika! Punta tayo nang 'Greenwich' kain tayo dun! Treat ko promise!" yun na nga pumayag ang lahat pwera sa akin kaya wala naman akong magawa kundi ang sumunod

Hay! Nagtitimpi nalang ako.At talagang mapupuno na ang pasensya ko.

Kumakain kami nang tahimik nang biglang tinawag ako ni Natalie at aakmang susubuan ako.

"Edward! Ah!" ngumanganga siya pero di ko pinansin

"Oy, Edward naman ih ipahihiya mo ba ako? Maraming nakatingin oh?" tumingin siya sa paligid kaya ako naman tumingin din ako at nakita ko ngang nakatingin sila sa amin kaya no choice tinanggap ko nalang yung isusubo niya sa akin

"Yown! Kaya love na love kita honey ko ih.." kinuha niya ulit yung braso ko para yakapin iyon pero ako? No reaction -_-#

Gusto ninyo bang malaman kung sino talaga si Natalie Sanchez sa buhay ko? Tulad nang nalaman ninyo kanina siya ang aking Ex oo siya nga at bakit kami nagbreak? Dahil sa sarili niyang kagustuhan.Minahal ko siya pero hindi sapat yun para magtagal kami.Inuna niya ang pagmomodelo kesa sa akin.Iniwan niya ako dito sa pilipinas para makipagsapalaran sa ibang bansa.Pumayag naman ako sa plano niyang yun.Sa totoo nga suportang suporta ako sa kanya eh.Kaso nong inalok ko siya nang LDR.Ayaw niya kaya dun na nagsimulang mawalan ako nang gana sa kanya.Alam ko hindi ako sikat non kaya mas madali para sa kanya ang lumaya at hiwalayan ako.Siguro isa nga yun sa dahilan kung bakit niya ako iniwan.Yun ay dahil hindi ako sikat at mas lalong walang nakakakilala sa akin na ako yung 'boyfriend' niya eka nga.

Lahat yun tiniis ko para magtagal kami pero wala.Sinayang niya ako.Sinayang niya yung kami.Naging makasarili siya at iyon ang tumatatak sa akin.Isa siyang makasentrong tao na puro sarili ang prioridad.Kaya simula non kinamuhi ko na siya.Ayaw ko na siyang makikita miski kahit tungkol sa kanya ayokong maririnig.Oo bitter nga ako pero wala eh.Minahal ko siya at sinayang niya ako.

Siguro tama na ang katangahan ko sa kanya?

"Want you back.."
*Natalie's Ringtone*

"Andali lang boys ah? Sasagutin ko lang ito..." tumayo siya at pumunta sa labas netong greenwich

"Ed-edward mukhang ghusto ka ta..laga niyang b-bumalik no?" si Marvin na punong puno ang bibig

"Eh ang tanong kung gusto pa siya ni Edward eh may Dana na yan..." si Erick na  busy naman kakatext

"Eh isang malaking tanong gusto pa ba ni Edward bumalik yung..." si Ezy na hindi na natuloy ang sasabihin dahil biglang dumating si Natalie

"Ahmm..Boys una na ako ah? May modelling pa kasi akong dapat puntahan..." lalakad na siya paalis nang bigla atang may naalala

"Edward alis na ako ah?" bago siya lumakad palayo ay hinalikan niya ako sa pisngi pero ako wala nang maramdaman
wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya

Nong natapos kami umuwi narin kami at nagpahinga.

Hay! Salamat pinatawag siya.Hindi na ako nahirapan pa na sabihing tigilan na niya ako.

AN:
  Hello! Mga readers ko musta na ba story ko? Still enjoying or not?

Votes and comments please!!! (╯3╰)

Kamsahamnida ╮(╯▽╰)╭

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon