Are you jealous? (2/2)

209 12 0
                                        


Edward's POV

Sh*t! Andito na naman siya? Ano na naman bang ginagawa niya dito?!

Nong makita na ni Dana kung sino yung tumawag ay tumingin na siya sa akin.Sinamaan ako nang tingin na parang nainis pa ata kaya walang sabi-sabi ay kinuha niya ang bag niya mula sa likod ko.Wala naman na akong nagawa kahit nakabackpack sa akin yun.Basta pinabayaan ko nalang siyang kunin yun.

"Dana..." pinigilan ko siya hangga't makakaya ko tumingin ako sa kanya na talagang may pagsusumamo.Tumingin siya pero yung tingin niya na 'hindi ko na kailangan nang paliwanag mo' at sunod na nangyari ay namalayan ko nalang na nakalayo na siya

"Honey, who is she? Di ka manlang nagpasabi na magkakaroon ka pala nang proxy girlfriend..." kumapit siya sa akin sa mga braso ko na ikinainis ko pang lalo

"Ano na naman ba kasing ginagawa mo dito Natalie? Ilang beses ko bang sasabihin sayong tapos na tayo?"

Hindi siya umimik kaya pinabayaan ko nalang siyang kumapit sa kaliwa kong braso kasi alam ko namang di aalis yan kahit ilang beses ko pang ipilit na alisin niya yung kamay niya sa akin.

"Edward! Mukhang may bago ka na agad ah? Hindi na ba si Dana?" napatingin ako sa lalaking nagsalita at nakita kong si Kelvin pala ang nagsalita

Ito palang gunggong na ito ang nagsalita.Akala mo lang yun! Dana parin ako.Loyal kaya ako.At di mo siya maaagaw kahit anong gawin mo!

Hindi ko nalang pinansin ang pambibirong iyon ni Kelvin pero syempre di ko talaga maiwasang mainis kasi yung iba gustong-gusto na nandito yang Natalie na yan.

"Wow naman! Si Natalie Sanchez to ah?"

"Oo nga ang ganda talaga niya.."

Lumalapit lahat nang lalaki sa pwesto namin.Nandito pa rin kasi kami sa pinto.

"Ay? Thank you! Kilala ninyo pala talaga ako..."

"Ganda mo pala talaga no? Pwedeng pa-picture?"

"Sure.." tapos nong magpipicture na ih bumitaw na ako at umalis na dun kahit ba gusto niya pa akong isama sa picturan na yun

"Ako din Natalie papicture..."

Andali parang pamilyar ang boses?

Tumingin ako kung sino yun at nakita ko si Erick?! Aba? Maloko nga.Bumalik ako kung nasan sila Natalie at Erick kanina.

"Brad, baka gusto mong isumbong kita kay Michelle?" nakangisi kong binulong sa kanya

"Ay! Natalie wag na pala baka may magalit..." tumingin sa akin si Natalie nang may kunot sa noo pero di ko nalang pinansin yun

Eh sa ayoko siyang kausapin ih.

Nasa classroom kami.Walang propesor ngayon.Ewan ko ba.Kung san nagpunta yun? Pero pabor naman na sa akin yun.Eh kung nandito yun kanina pa ako napagalitan kasi late na ako.Hinatid ko pa kasi si Dana.

My soon to be girlfriend.

Nangiti ako sa ideyang yan.Pero maya-maya biglang nawala kasi lumapit sa akin si Kelvin as in sa harap ko pa.Nakatingin kasi ako sa left side kasi nasa right side yung makulit na babaeng iyon na walang ginawa kundi kalabitin ako at mag-iinarte.

Ngumiti siya nang nakakaloko.
Yung ngiting may binabalak.

"Brad, balita ko nililigawan mo si Dana ko?" andali? Dana niya? Kapal naman niya

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon