Final Decision

285 14 0
                                    


Sinusundan ni Marvin si Edward dahil nga sa kaninang usapan. Kailangan niyang kunsintihin ito para kay Dana at kay Mika? Andali bakit nasama si Mika? Si Marvin talaga -_-||. Kung anu-ano kasi ang iniisip ih.

Hindi parin talaga niya tinitigilan si Edward kahit na ba alam niyang ayaw nitong makipag usap. Pero dahil nga nangako din siya kay Dana at sinabi niyang wala lang samud si Edward kanina na kahit ang totoo ay ayaw talaga ni Edward. Ewan nya ba di naman niya masisisi kung bakit ayaw ni Edward sa mga babae. Sila rin naman kasi ang nagpakita kay Edward na dapat silang bastusin.

"Ano ba Marvin?! Di ka pa ba napapagod kakasunod? tssk.." napatingin siya sa likod niya upang tignan si Marvin na mukhang nagulat naman sa ni-react ni Edward sa kanya inis na inis lang talaga si Edward kaya niya nagawa yan

"E-eh kasi naman nangako na ako kay Dana na maaayos din ito ih..." nagpapaawa si Marvin. Nagpopout siya at ikinakaskas ang tiptoe ng sapatos sa sahig. Dito mo talaga makikita ang pagkabata na ugali ni Marvin sa pag- asta ng ganun na mga kagrupo niya lang halos ang nakakakita

"Papayag ka na ba?" bigla na namang naging okey siya kasi alam naman niyang may mabuti talagang kalooban itong si Edward di lang talaga pinapakita

"Diba dapat nga pahinga tayo? Bakit kailangan nilang tumanggap ng wala manlang pasabi?!" hindi maiwasan ni Edward na mainis bakit daw ba kasi ganun ang mga babae?

"E-eh kasi di naman daw niya sinasadya yun ih. Yung bestfriend nya daw kasi dati ano..." si Marvin na nagpapaliwanag

"Ano?" si Edward na nakakunot ang noo. Nabitin ata.

"Bakit parang naging interasado ka ata?"si Ezy na bigla nalang lumitaw sa sulok at lumapit siya sa dalawa

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" inis na tumingin si Edward kay Ezy na sa tingin ni Ezy ay nagpapalusot lang si Edward sa tanong niyang iyan

"Pare, wag nating ibahin ang usapan dito..." tinatapik-tapik ni Ezy ang balikat ni Edward

"Ano Edward? Payag ka na?" si Marvin na pinagmamasdan lang sila kanina pa at nakikiramdam ng tamang chempo

"Oo sige." napailing nalang si Edward. Hindi niya nga alam kung bakit din siya napa-oo eh? Samantalang, si Marvin naman ay tuwang-tuwa na sa sinabi ni Edward kaya.

"Yes! Pumayag na! Sasabihin ko na ito kay Ate Dana!" nagsisigaw na sabi ni Marvin habang paalis dun sa pwesto nila Edward at Ezy

Sa tagal ng nilakad niya ay sa wakas. Nakarating na din siya. Hingal na hingal na huminto si Marvin sa kwarto ni Dana at kumatok.

"Payag na daw si Boss!" nangiti ng malapad si Dana at si Marvin na tuwang- tuwa din dahil kahit kelan hindi siya tinanggihan ni Edward pagdating sa mga gantong problema

Ezy POV

Tinignan kong mabuti si Edward na mukhang malalim ang iniisip. Napangisi ako. Iba na talaga dating ni Dana dito. Ilang araw na rin ito mula nong pumunta kami dito sa resort.

"Brad, mukhang malalim ang iniisip mo ah?" ako na inakbayan si Edward. Napatingin naman sa akin si Edward

"Wala. Wala akong iniisip.." si Edward na umiwas na ng tingin at nagbabalak ng umalis

"Ano ka ba Edward? Manhid ka ba? Kasi ako hindi eh.." ngumisi ako pagkatapos kong sabihin yan. Lumapit pa ng sobrang lapit kay Edward. Tinitignan ko kung meron pa siyang masasabi pagkatapos kong makita yung mga tinatago niyang ngiting palihim.

"Wag ka ngang magpanggap. Wala namang masama Edward kung susubukan mo uling ma-inlove at magmahal diba?" napakunot-noo niya at seryosong tumingin sa akin

"Wag mo na akong intindihin. Ako magdedesisyon kung ano ang gagawin ko sa sarili ko.." tuluyan na siyang umalis sa harap ko at napangiti nalang tuloy ako. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Siya pa rin yung lalaking nasaktan ng sobra sa isang babaeng wala manlang pakiramdam. Kaya iyan naging manhid na rin ng tuluyan si Edward dahil sa kanya.

Napailing nalang ako. At umalis na rin doon. Makalabas muna nga.

AN:
   Sensya napatagal update busy kasi ih at tsaka yung update ko ngayon pakiramdam ko sabaw.Inaantok na kasi ako pero pinilit kong mag update kasi tagal ko na ding d nag update nong mga nakaraan kasi daily kaya para sa akin slow na ang inaabot nang ilang days.

So? Votes and comments please!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon