Who he is?

185 11 0
                                        


Continuation...

"Oh pano ba yan guys? Una na kami ah?" si Michelle na may ngiti sa mga labi magdadate kasi sila ni Erick

"Sige na nga! Mukhang kanina mo pa gustong umalis..." may panlolokong sabi ni Dana

"Yiee! Si Ate Michelle sasagutin na si Kuya Erick..." pang-aasar na sabi ni Mika

"Ikaw Mika ah? Eh kayo nga ni Marvin ih..." natahimik si Mika nang sinabi ni Michelle yan

"Andali? Bakit wala ata si Marvin? Saan nagpunta yun?" si Erick na napansin yun dahil sa nakita niyang malungkot si Mika

Ngumuso si Mikaela.

"Ewan ko ba dun..."

"Sige, babush nalang guys!" humalik sa pisngi si Michelle sa bawat ka-grupo niya

Paalis na si Michelle para sumakay na sa taxi na nasa harap niya nang bigla niyang mapansin na hindi sumusunod si Erick sa kanya kaya napabalik ang tingin niya dito.

"Erick? Ano ba? Wala ka bang balak na umuwi?"

"Kiss muna?" ngumuso pa si Erick para lalong asarin si Michelle

Tumawa ang lahat at yung iba nagcomment pa...

"Hahaha! Michelle kiss pa pa pala..."

"Kaya pala! Hahaha!"

Lumapit si Michelle at tinampal ang bibig ni Erick.

"Aray! Para kiss lang ih..." hinawakan ni Erick yung labi niya kasi malakas ang pagkakatampal ih

"Kiss ka dyan?"

"Eh bakit sila? Daya naman!"

"Asa ka pa! Sumakay ka na nga wag ka nang maraming landi!" tinutulak ni Michelle si Erick para pumasok na ito nang tuluyan

"Sige Ate at Kuya aalis na din ako..." si Mika na palakad na nga palayo na sa kanila

"Oh sya sige sige! Ingat ka bunso ah? Wag kang kani-kanino sasama!"

"Opo! Ate Dana! Salamat po! Kuya Edward, ingatan mo din si Ate Dana ah? Sobrang bait niyan.Lagot ka sa akin pagka-umiyak yan dahil sayo! Sige bye ulit sa inyo!" kumaway na nga si Mika nang nakangiti at umalis na nga

"Eh kayo?" napansin ni Edward na yung dalawa ih tahimik lang na nasa gilid nila

Napatingin naman si Dana sa direksyon kung saan nakatingin si Edward.

"Oo nga? Anong balak ninyo? May date din ba kayo?" ngumisi si Edward sa sinabi ni Dana

"Date? Hindi naman alam ni Ezy yung salitang date na yan ih.Hahaha!" tumawa nang nakakaloko si Edward

"Edward..." tumingin nang masama si Ezy kay Edward

"Oh bakit?" nakangisi pa ring tumingin si Edward kay Ezy

"Yung totoo? Hindi kami makarelate?" si Dana na nagcross-arm nalang at napanguso

"Sige, alis na kami..." si Sharlot na sa wakas nagsalita din

"So? May date nga kayong dalawa?" paninigurado ni Edward sa kanila

"Oo bakit?!" sabay nilang sabi kaya natawa nalang si Edward eh pano ba naman kasi yung mga tingin nila ang sama ih

"Oo na sige na! Baka magliyab na kayo sa galit.Hahaha!" sinamaan nila nang tingin si Edward at sumakay na nga sa taxi na tumapat sa kanila

Pagkatapos kumaway nong dalawa kela Sharlot at Ezy ay pasimple namang nag-hokage move si Edward.Hinawakan ni Edward ang kamay ni Dana na libang na libang sa pagtingin sa papaalis na taxi nong dalawa.

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon