Dana's POV
"Lo! Andito na po ako!" pinagbuksan ako ni lolo nang pinto pero tinitigan niya ako nang matagal
"Bakit ngayon ka lang?!" haya? Bakit daw ngayon lang? Ayos lang ba ito si lolo? Sabagay! Ganyan talaga yan bigla bigla nalang nagsesermon minsan sweet minsan makulit at mas kadalasan sabi ko nga may dalaw siya
"E-eh, syempre po sumakay pa po ako nang taxi ih ..." ngumuso ako pero di naman niya nakita kasi papasok na siya sa loob
"Halika! Sabayan mo na ako kumain!" oh tignan mo sweet na ulit siya, daig talaga ako nang lolo ko pagdating sa magulo magulo ang pag iisip pero wag kayong maingay ah? Secret lang yun! Hahaha! ^o^
"Eh! Bakit di pa po kayo kumakain? Bakit hinintay ninyo pa po ako? Diba sabi ko lolo pagka wala pa ako nang lagpas na sa oras kumain na kayo?" nandito ako ngayon sa tapat nang lamesa at nagtatanggal na nang bag at ako naman ang nanenermon ngayon
"Eh bakit ba inuutusan mo ako? Diba mas matanda ako sayo?" si lolo na nagsusungit na namang tumingin sa akin again napanguso ako sa ideyang yun
Nakatapos na kaming kumain kaya. Mamalantsa na ako sa may kwarto ko nalang para diretso na pag-inantok ako.
10 minutes later...
"Hay! Natapos din!" pabagsak akong humiga sa aking kama
Sa pagtingin ko sa kisame nakita ko ang aura nang mukha ni Edward na nakangiti.Kaya nangingiti narin ako nong nagpapacute na ang mga ngiti niya.
"Ughh!! Andali nga! Bakit ko ba siya iniisip?!" nagpapapalag ako sa aking kama naiinis kasi ako bakit ba siya naiisip ko?
"Dana! Naplantsa mo na ba yung damit kong isusuot bukas?!" haya? Narinig kaya yung sigaw ko
"Opo tapos na!" sigaw ko nang bigla itong pumasok parang ang nangyari ih sumigaw pa ako papasok naman pala sa kwarto ko
"Sino may sabi sayong sigawan mo ako?! Dana!" napatayo ako sa aking kama at tumingin kay lolo
"Eh bakit kasi lo hindi ka kumakatok? Kala ko tuloy nandun ka malayo..." yan nagsisimula na naman kami ni lolo
"Pero wala kang karapatang sigawan ako! Wala kang galang!" kinuha niya yung damit niya at tuluyan nang umalis
"Eh baka kasi di mo marinig ih..." papunta na ako nang pinto nang biglang
"Ano?! May sinasabi ka ba Dana?!" hala! Lagot na narinig kaya? Minadali ko na dinahan dahan ang paglalakad ko para kunwari di ko narinig at tsaka sinara na yung pinto at nahiga ulit sa kama
Bakit kaya ginagawa ni Edward yun? Bakit parang nagseselos siya kay Kelvin? Sa tuwing magkakalapit kami ni Kelvin ih bigla siyang sisingit? Possible kayang nagkakagusto na siya sa akin?
Hay!!! Bakit ba kung anu-ano nalang ang naiisip ko?
Pero...
P-pero
Bakit kaya bigla siyang nag iba?
Bakit bigla atang lumalapit siya sa akin?
"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*Nagmamadali kong kinuha sa bag ko ang cellphone kong tumutunog baka kasi marinig pa ni lolo ih mapagalitan pa ako.Sabihin na naman ih gabing gabi na gising pa ako na nakikipag-usap lang sa cellphone.
Sa pagmamadali ay di ko na tinignan kung sino ang tumatawag bigla ko nalang itong sinagot.
"Hello?"
"Bukas! Susunduin kita dyan hintayin mo ako!" biglang namatay na ang tawag pagkasabi non
"A-aba? Sino ba siya? Sa akala niya! Andali sino nga ba yung tumawag?" tinignan ko yung screen kung sino ang tumawag at nakita kong si Edward pala
Pagkakita ko non.Muntik ko pang maibalibag sa kilig? Andali? Bakit parang kinakabahan ata ako?
Ano bang meron at dapat kiligin hah?
Tingg..
1 message received
From: Edward
Goodnight! 😘 See you tomorrow!Nagpagulong gulong ako sa aking kama nang hindi ko maintindihan? Bigla akong nakaramdam nang init dahil siguro sa alam ko na namumula na ako ngayon.
Ano kayang maisuot bukas?
Edward's POV
Kakatapos ko lang kumain nang gabihan nang mahiga ako ngayon sa aking kama at nagmumuni muni.
Nang bigla kong maalala na naman ang mukha niya nong nasa eroplano kami.Pagkatapos kong isipin yun ih napangiti nalang ako.
Kinuha ko ang cellphone ko.Iniisip ko kung tatawagan ko ba siya o hindi.Nilagay ko na nga sa may number niya para kung tatawagan ko ay ready na.Naisip kong wag na kaya? Kaya nilagay ko na sa gilid na kabinet na nandun pero hindi ko alam bigla ko naman itong kinuha at dagli dagling pinindot ang call.
Calling Dana...
Ang tagal bago niya sagutin.Nong sinagot niyang "Hello?" mukhang di pa siya sigurado kung sino ang tumawag.
Nahiya ako bigla nong nasagot na niya kaya nasabi ko nalang ay "Bukas! Susunduin kita.." yang sinabi kong yan hindi ko alam kung bakit ko sinabi pero napangiti ako.Alam kong magtataray na naman yun.Ganun yun pagkapinasusunod mo.Kaya nga pinatay ko na para wala na siyang masabi.Nagtataka siguro kayo kung bakit nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya? Wag kayong mag alala malalaman ninyo rin sa susunod.
Naisipan ko na rin siyang itext nang "Goodnight 😘 See you tomorrow" na hinintay ko ang reply pero hindi siya sumagot.
AN:
Votes and comments please!
Sana magustuhan ninyo ang update ko.Bukas ko na ito i-uupdate dahil sa gabi ko na ito ginawa mga 11:10 pm na at kailangan ko na pong matulog.At tsaka bukas baka po hindi ako makapagdagdag nang update kasi may book keeping kami.Pero pagka kaya. Why not?
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AdventureHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...