Dinner Date with my Bestfriend

210 10 0
                                    


Dana's POV

"Dana, kung manliligaw ba ako sayo may pag-asa ba ako?"

Sinabi ni Edward yan kanina nong bumababa ako sa bike niya kaya ibig sabihin kanina pa ako hindi mapakali sa kama ko dahil sa sinabi ni Edward.Hindi ako makapaniwala na nagkakagusto sa akin ngayon ang isang leader nang Electrica.

Take note: ELECTRICA

Waahhh! Hindi ko alam ang gagawin ko! Gusto akong ligawan nang lalaking gustong-gusto nang lahat.Iisipin ko ba na swerte ako o ano?!Grabe! Napapalo ako sa unan na nandito sa gilid ko sa kilig.

Isa pa.

"Dana, kung manliligaw ba ako sayo may pag-asa ba ako?"

Ahhh!!! Kainis ka Edward! Mukhang papatayin mo ako sa kilig o sa tuwa na dahilan para hindi ako makahinga.At makatulog mamaya.

Pero maya-maya napaisip ako bigla.

Bakit nga ba ako tuwang-tuwa?
Eh ano naman ngayon kung may gusto siya sa akin at gusto niyang manligaw?
Anong kaso?

Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa tuwing maaalala ko siya.Hindi ko rin maintindihan kung bakit naiinis ako sa kanya at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko!

Masaya ba ako na liligawan niya ako?
O
Masaya ako dahil sa wakas! Maigaganti ko na ang mga babaeng sinaktan niya?

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pag-aayos nang aking mga gamit.

Napatingin ako sa relo na nasa dingding nang aking kwarto.Nakita ko na 6:00 p.m na pala.Malapit na akong sunduin ni Rey.Kaya naghanap na ako nang aking susuotin para mamaya ready na ako at sasakay nalang ako.

"Dana! Nandito na si Rey!" si lolo na sumigaw mula sa baba

"Opo.Pababa na..." sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ngumiti

Paalis na ako sa harap nang salamin nang makarinig ako nang mga hakbang mula sa hagdan.Kaya agad ko namang binuksan ang pinto at bumulaga sa akin si Rey Angelo na nakangiti nang sobrang lapad na halos maningkit na ang mga mata niya sa ngiti niya.Nangiti naman ako sa kanya.Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin sa isa kong kamay at yakapin ako.Naramdaman ko din ang pag-amoy niya sa akin na halos ubusin na ata ang amoy nang aking buhok.

"I miss you bestfriend..." humigpit ang yakap niya na bunga nang halos maipit ang hininga ko dahil sa ginawa niya.Nangiti ako at humiwalay sa kanya

"Rey, it hurts.." naiilang kong sabi

Rey Angelo's POV

Finally, makikita ko ulit siya.Magkikita ulit kami ni Dana.I really really miss that girl.Nangiti ako nang walang pakundangan.Iniisip ko palang ang mga ngiti niya at kung gaano kami ka-sweet noon.Aaminin ko kinikilig ako.

Andali..
Anong sabi ko?
Kung gaano kami ka-sweet noon..
NOON
Yes! It's been a 4 years from now na umamin ako na may gusto ako sa bestfriend ko na dinaan ko sa biro.Pero wala akong nagawa dahil sineryoso niya din at doon nga nagsimula yung panlalamig niya sa akin.
Dahil sa untold feelings ko sa kanya.

Ngayon.Nandito na ako sa harap nang bahay niya.Pinabayaan akong pumanik sa taas.

I can't wait to see her and I can't wait to hug her again.In short, I miss her a lot.

Kung kanina nasa harap ako nang bahay nila lolo.Ngayon nasa harap ko na siya.

My almost dream come true.
To be with her.
Even if, I long for more than a bestfriend.
But I accept that we can't be.
But I will try.
Malay mo diba?

Niyakap ko siya nang napakahigpit.

I miss her scent.
I miss her.
I miss all of those things that are connected to her.

Sa sobrang pagkamiss ko halos maimpit ko na siya sa sobrang higpit na nang yakap ko na alam kong maya-maya ay magrereact na siya.Eto na nararamdaman ko na.Kumakawala siya sa yakap ko kaya pinabayaan ko siya and I smile to her.

"Rey, it hurts.." naiilang niyang sabi

Nalungkot ako.
The way she talk to me.
Iba na.
Ibang-iba na sa dati.

"Let's go.." inaya na niya ako

Nasaktan ako.

Medyo natulala ako dun sa nangyari pero maya-maya naging okey na ako.Natagpuan ko nalang na bumababa na siya sa hagdan kaya kahit parang may papatak na isang luha sa pisngi ko ay pinunasan ko.

I still affected by her presence.
I still love her.

Huminga ako nang malalim at ngumiti.Nagsimula na rin akong bumababa para masundan ko na siya.Pagbaba ko wala na siya kaya tumingin nalang ako kay lolo at nagpaalam.

"Lo, alis na po kami..Ingat po kayo ah?" ngumiti ako kay lolo at tuluyan na nga sanang aalis nang bigla siyang magsalita

"Sige, apo.Ingatan mo si Dana.." ngumiti lolo sa akin si lolo at ngimiti din ako

How I miss this call..
'Apo'

"Lo, hindi ninyo na po kailangan sabihin.Alam ninyo po na iingatan ko siya.." ako na ngumiti kay lolo at bubuksan na ang pintong nasa harap ko

Rey's Car

Still Rey's POV

Nandito na kami ni Dana sa sasakyan ko.Tumingin muna ako sa kanya.Nangiti nang peke at nagsimula nang magdrive paalis sa kanila.Tumingin ulit sa kanya nang nagred-light na ang ibig sabihin ay stop.Nag-iisip ako nang pwedeng i-open na topic para hindi naman ganto katahimik sa kotse.Nang bigla naman siyang nagsalita kasabay nang pag-green light na ibig sabihin ay go.

"Bakit? Bakit ka pa bumalik Rey?" nagkasalubong ang tingin naming dalawa

Bakit? Masama bang bumalik Dana? Miss na miss na kita.

"W-wala.Siguro dahil namiss ko ang bestfriend ko?" tumingin ako sa harap at ngumiti ulit ako nang peke

Pagkasabi ko non hindi na siya nagsalita sa buong magdamag sa loob nang sasakyan.

Siguro nga ganto kasakit ang hindi masuklian ang pagmamahal mo.

AN:
Yes! Sa wakas! Nakapag-update na din.Sana ma-enjoy ninyo itong magbestfriend.

Muli silang nagkita.
Ano kayang posibleng mangyari sa mga susunod pang pagtatagpo?

I recommend please! I need more votes lalo na po comment! Magsilabas na po mga silent readers please! Kahit votes lang paramdam kayo!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon