Bestfriend, I'll be there

228 7 0
                                    

8:00 P.M

Rey's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto at walang magawa.Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa cabinet na maliit sa right side ko kung saan nakalagay din ang lamp shade ko.Naisip ko bigla ang bestfriend ko.

Tawagan ko kaya siya?

Kamusta na kaya siya?

Namimiss niya rin kaya ako katulad nang pagkamiss ko sa kanya?

Napailing nalang ako sa ideyang iyon.

Bakit naman niya ako mamimimiss diba? ANO BA AKO SA KANYA?
Aray naman!

Isa lang akong bestfriend.
Oo, isa lang naman akong bestfriend na minsan na niyang nabalewala simula nong nalaman na niya ang aking nararamdaman para sa kanya.

#Hugot1000

Andali! Hindi iyan ang dapat pag-uusapan no?

Past is past nga diba?
At dahil past na yun iba na dapat.

Kinuha ko ang aming litrato sa gilid kung saan nakalagay nga ang aking lampshade at cellphone.Napaisip ako.

Kung kaya tinanggap niya yung pagmamahal ko.Magtatagal kaya kami nang ganun katagal tulad nang tagal nang aming pagkakaibigan non?

Tinignan ko ang litrato na nasa kamay ko.Pinagmasdan ko ito at muli may naalala na naman ako.

--------> Flashback →_→

Masayang-masaya kaming naglilibot sa mall.Tumitingin-tingin kasi kami nang pwede niyang isuot sa darating na interview nila sa isang tv show.

"Oy! Halika dito! Mukhang maganda yung mga damit dito oh!" si Dana na nakaturo sa mga damit na nakasabit doon sa isang shelves sa loob nang

"Hay naku! Dana ang tagal-tagal na nating namimili hanggang ngayon ba naman wala ka pa rin bang napipili?" ako na nagrereklamo na hinihingal na ako dito sa babaeng ito eh

"Eh!! Sige na kasi! Sandali lang naman na tayo at tsaka uuwi na tayo? Pleassee!" pagpipilit at pagmamakaawa niya sa akin.Eh ano pa bang ginawa ko? Pumayag pa rin ako kasi talagang kahit naman anong hilingin niya ibibigay ko kahit na buhay ko pa

Eto na nga nandito na kami sa loob.Alam ninyo bang lahat nalang nang makita niya nong araw na iyon eh gusto niya lahat? Kaya napatingin siya sa akin nang nakanguso...

Ow! How cute Dana? Wag kang gumanyan lalo akong maiinlove ih.

"Gelo..." tumingin siya sa akin nang may malungkot na mukha at ang labi na kulang nalang sumayad sa lupa sa simalmal

"Ano?" painosente kong tanong habang tinitignan ang damit na kanina pa niya tinitignan na pakiramdam ko eh gustong-gusto niya kaso kulang ang dala niyang pera kaya naghahanap siya nang iba

"Ehh...Wala akong mapili!" pagmamaktol niya sa akin

"Eh di eto nalang.." hinihila ko siya pero hindi siya umaalis sa pwesto niya pero nakahawak parin siya sa kamay ko

"Halika na! Eto na nga oh.." iniangat ko ang damit na kinuha ko at ipinakita sa kanya

"Ehh!! Kasi naman..Wag na yan.." hinihila niya ako kaya natawa naman ako sa ginagawa niya.Akala niya kasi di ko alam ang nais niyang iparating na ayaw niya lang sabihin dahil nahihiya siya sa sasabihin ko?

"Ako nang bahala! Halika na!" hinila ko siya hanggang sa makarating kami sa counter at binayaran na ito

"Oh!" inabot ko sa kanya yung damit at napatingin siya sa akin

"P-pano mong..." bago niya matuloy ang sasabihin niya ay naputol ko na

"Ikaw talaga.." ginulo ko ang buhok niya

"Ano ba?" pinalo niya ang kamay ko dahil sa ginawa ko sa kanyang paggulo sa buhok niya

"Kunwari ka pa kasi.Eh halatang-halata namang gusto mo yan..." nakangiti kong saad sa kanya at napatingin ako sa mukha niya

Kung kaya sasabihin ko sa kanya lalayo ba siya sa akin?

*End of flashback*

Hindi ko makakalimutan yan.Dahil diyan ko napatunayan na totoo talaga itong nararamdaman ko.Sa mga tingin niya na hindi ko mapigilang mapangiti at sa ugali niyang mamahalin ko nang patuloy...

AN:
   Votes/comments please! 😃

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon