Dana's POV"Ah. Hello Madaam Ellen..." umalis ako doon sa tumpok namin at bumulong nang excuse sa kanila
"Dana, mamayang 10 pm may concert daw kayo sa Korea..." a-andali nga? Ano daw?!
"M-Ma'am, ano po ulit?" nauutal kong sabi di ko talaga maisip? Talaga bang tama yung rinig ko?
"Dana, ang sabi ko may concert kayo sa Korea mamayang 10:00 pm..." medyo napataas na boses ni Madaam sa kabilang linya dahil siguro pinaulit ko pa
Eh sa hindi ko talaga na-gets o kaya dahil sa hindi ko ma-digest yung sinasabi niya. Hahaha!
"Pakisabi sa kanila Dana ah? Ikaw ang pinagkakatiwalaan ko. Kaya better tell them. Sige, kayo din..."
"A-ah opo opo sasabihin ko na po sa kanila..." napangiwi ako pagkatapos non at medyo nanggigil. Kasi naman ih may concert pala? Binibigla kami wala manlang pasabi.
Napapikit ako at napakagat sa labi.At inis na bumalik sa kanila.
"Oh babysungit ko. May problema ba? Bakit ganyan itsura mo?" napatingin ako kay Edward na katabi ko lang. Natawa ako bigla nong nakita ko itsura niya.
"Oh bakit? Bakit mo ako pinagtatawanan?" inosenteng tanong ni Edward
"Hahaha! Wala lang!" humawak ako sa tyan ko sumasakit kasi sa kakatawa ko "Hahaha!!" nagpatuloy lang ako sa pagtawa samantalang siya mukhang inosenteng nakatingin sa akin
"Aba! Aba! Pinagtatawanan mo ba ako hah?" tumatawa parin ako na nakahawak sa tyan ko. Nakakatuwa talaga siya lalo na ngayon na naiinis siya sa akin. Aakmang may gagawin siya sa akin kaya ako naman ay nagsimula nang tumakbo
"Hahaha! Habulin mo ako! Bleee!!!" pang-aasar ko sa kanya habang hinahabol niya ako habang tumatakbo naman ako
"Kala mo ah? Pagka ako nakalapit sayo lagot ka sa akin..." hinaharang harang niya ako para hindi na ako makatakas sa kanya
"Andito ako..." tuwang-tuwa pa rin akong inaasar siya para kasi kaming naghaharangang daga dito
"Edward, may ibon sa taas o tataian ka ata oh!" tumuro ako sa taas pero pagtingin ko sa kanya nakatawa lang siya. Napatitig ako sa kanya ang gwapo talaga niya.
"Haya! Huli ka!" niyakap niya ako at binuhat inikot-ikot. Samantalang, ako naman ay kakagising lang sa realidad. Nakalimutan kong inaasar ko nga pala siya. Napatawa nalang ako nang inikot niya akong muli at iniangat pero nakaharap na ako sa kanya.
"Edward! Ang taas na ibaba mo na ako! May sasabihin din ako!" sumunod siya sa sinabi ko ibinababa niya nga ako kaso konti lang itinapat lang niya ako sa mukha niya pero still nakahawak siya sa bewang ko. De bale nagkatitigan kaming dalawa
Hanggang sa mapansin kong papalapit na yung mukha niya sa mukha ko na parang hahalikan na ata niya ako. Kaya bigla naman na akong napaiwas kasi alam ko na susunod na mangyayari ih.
"E-Edward, a-ano ba?" alam kong namumula na ako ngayon dahil sa lakas na rin nang tibok nang puso ko
"Bakit?" nakangisi niyang tanong sa akin at mas lalong nilapit ang mukha sa akin pero hindi ako nakaharap sa kanya talagang nahahawi lang ng paningin ko
"E-eh... Ibaba mo na ako.." nagpupumilit na akong bumaba at di na niya ako napigilan at ibinaba niya na rin ako
Nong nakababa na ako ay mailang-ilang akong tumingin sa kanya saglit at umiwas ulit nang makita kong nakatingin pa rin siya sa akin na ang ibig sabihin ay nakatitig pala siya hanggang ngayon sa akin.
"A-Ah ano kasi..." nauutal kong binasag ang katahimikan
"Ano yun babysungit ko?" bumaba ang tingin niya. Yung bang pinantayan niya ako
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AdventureHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...