Planning for a Concert

240 7 1
                                    

Continuation...

"Dana may problema ba?" si Michelle na hinawakan si Dana sa kamay nong tumingin ito sa kanila

Ngumiti si Dana.

"Ah,wala naman..." kinakabahang kumatok si Dana sa pintong nasa harapan niya

Bumukas ito at bumulaga sa kanya ang banda nang 'Electrica'? Napakunot ang noo niyang tumingin sa mga manager nilang nakatingin sa kanila at syempre sa Electrica na nakatingin din sa kanila.Pero ang nakakapagtaka hindi sila nagtaka kung bakit kami?

Umupo kami sa gilid kung saan walang nakaupo.

"Hello, Dana.." isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya napatingin ako kung sino?

"Kelvin?" nagulat ako kasi nakita ko siya dito? Anong ginagawa niya dito? Tumango naman siya nong sinabi ko yung pangalan niya

"Oo, ako nga ito.Musta nga pala?" si Kelvin na nakangiti sa akin ngayon

"Okey lang naman ako..." nakangiti kong saad

"Ehem..." si Edward na nasa likuran lang pala namin de bale natabi ako kay Kelvin nang di ko namamalayan eh sa nasakto ih

Tumingin ako nang masama kay Edward na nagreact sa likod problema neto?

"Makinig ka sa sinasabi nang manager natin para hindi ka tanong nang tanong sa akin pagkatapos..." seryoso niyang sabi at biglang binalik ang atensyon sa pakikinig

Antagal ko bago nagreact.Ngayon ko lang naisip yung sinabi niya.

'Ano daw? Tanong nang tanong sa kanya? Close ba kami?' mapapagalit ata ako ni Edward neto ah?

"May problema ba Dana?" si Kelvin na hinawakan ang braso ko na tinignan ko naman

"A-ah..Wala naman.." unti unti kong kinuha yung kamay ko mula sa kamay niya aba! Aba! Aba! Baka pagkamalan nilang kami no? Mahirap na

NBSB pa naman ako!

"Yung mukha mo kasi kulang nalang sumabog ka dyan..." may narinig ako konting tawa sa likod kaya napatingin ako bweset! Si Edward pala! Namumuro na sa akin yan ah! Malapit nang magbingo! Uno(isa) nalang bingong bingo na akong dagukan siya

Hindi ko na siya pinansin pa at nakinig na sa sinasabi nang aming manager na kanina pa salita nang salita pero di nila pinapakelaman kung nakikinig ba ako? O hindi?

"Napagplanuhan naming gumawa ulit nang concert sa dalawang bandang inaalagaan namin kasi talagang pumatok sila sa social media pagkatapos nang performance nila sa Paris..." andali nga hindi ba ako nabibingi PAGSASAMAHIN ULIT KAMI NANG ELECTRICA?

ANAK KA NGA NAMAN NANG NANAY MO OH?! Nanlaki ang mata ko dun ah?

"A-ah! ANO ULIT?! PAKIULIT?!" ako na gulat na gulat na sumigaw napatingin silang lahat sa akin kaya nahiya naman ako grabe? Ano ba kasing ginagawa mo Dana? Kahihiyan ba?

"Di mo ba narinig? O di ka nakinig?" aba? May sumabat na naman po sa likod? Eh bakit ba sa kontrabida itong nilalang na ito?

"Narinig ko no!" pagtataray ko sa kanya

"Oo, Dana tama lang ang narinig mo magkakaroon ulit kayo nang concert nang Electrica and it will be more fun because tataas lalo ang standards ninyong Precious Angels at syempre pati ratings nyo sa larangan nang musika..." yan yan naman lagi ang mahalaga ang standards at ratings namin napatango tango nalang ako wala akong magawa ih

"So? Bakit ninyo naman nasabing papatok kami pagkanagsama ulit ang banda namin?"

"Dahil kung hindi pa kayo nag-checheck nang inyong accounts makikita ninyo na nagtrending ang performance ninyo sa social media at talagang nagustuhan nila ang blend nang inyong tugtog..." ah so? Ganun lang yun?

Nagsimulang ipakita ni Madaam Ellen sa projector niya ang facebook page namin pati mga twitter, instagram yung mga nasa trending lists nong mga yun at pati na sa youtube kami nga ang trending.

Grabe pala no?o(〃^▽^〃)o

Nahalata ko rin na maraming nagshashare at nakatag pa talaga sa page namin minsan.Tapos maya maya naitapat yung pagkascroll ni Madaam dun sa interview namin sa paglabas sa studio.Kaya iyon nakita ko ang ex bestfriend ko kaya naman siniko ako ni Michelle na katabi ko.

"Ano ba Michelle? Wag ka ah.." inis na sabi ko na nakasara ang bibig habang sinasabi ih baka makita kaming nag uusap ih

"Eh bakit? Diba ex bestfriend mo yun?"

"Eh sa wala na akong paki.." nakasara parin hanggang ngayon yung mga bibig namin habang nagsasalita

Natatawa na nga ako sa ginagawa naming dalawang kalokohan ih mga pasimpling moves ba? Hokage ih? Hahaha! ≧∇≦

"Wag na kayong bumulong dyan at tatawa tawa pa kayo..." si Madaam Ellen na may seryosong ekspresyon sa mukha

"He..he..he..Madaam sen-sensya na po si M-michelle po kasi ih..." kinukurot ko si Michelle para umuoo pero aba?

"Ano ba Dana wag ka ngang mangurot?" walanghiya ang gaga! Hindi nakisama?

"Hahahaha!!!!" nagtawanan ang lahat andali anong nakakatawa?

"Ano bang nakakatawa?" pagtataka kong tanong tumingin ako kay Kelvin

"Kanina pa kasi namin kayo pinapanuod ang cute ninyong tignan HAHAHA!!!!" si Kelvin na over na kung makatawa

Bweset! Natapos na ang meeting dun sa tawanan version nila...

"Grabe pala no? Gumawa nang eksena yung Precious Angels..." isang babae mula sa grupong ano bang grupo yan?

Sinamaan ko nang tingin yung babaeng yun lagot ka sa akin kala mo...

HAHAHAHA!!!!!!

AN:
  Di na ako dadaldal votes and comments please!!!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon