School of the Bands

248 8 0
                                    


Yes! True! Tama yung nakikita ninyo 'School Of the Bands' nga ito puro banda ang nag-aaral at puro sikat.Yung iba hindi pero may rules naman dito na bawal ganto,ganyan at ganire.Basta ganun na yun.Hahaha! Mamaya ko nalang siguro sasabihin pag may samud na ako.

Sa ngayon kasi ih lutang ako kababa ko lang sa bike ni Edward at hanggang ngayon hindi ako makaget-over dun sa muntikan na akong mahulog.Mukha tuloy akong tanga non? Buti nalang sinalo niya ako ('∀`)♡ hahaha! Kung hindi naku! Mumultuhin ko siya!

Malayo palang ako natatanaw ko na yung tatlo na paniguradong tingin.Yung tingin na.

Oy? Dana kelan pa?

Ang sweet ninyo ah?

Kayo na ba? Yiee! Congrats!

Ate! Susuportahan kita!

Yung totoo? Alam ko naman na ganyan ang react nila panigurado.

Eto na palapit na kami sa grupo nila.Magkasabay kami ni Edward pero hindi kami nag-iimikan basta magkasama lang kami at magkasabay walang malisya ah? Friends lang talaga siguro? Pero bakit parang ayoko? -_-||

Tumingin ako sa kanila.Nagtataka ako kasi ang tahimik nila.Asan na yung magulong 'Precious Angels'?.

Grabe! First time kong nagkamali nang hinala sa kanila ah? Bakit hindi sila nang-asar ngayon? May problema kaya?
Hindi ko nalang muna pinansin yung tahimik na atmosphere kasi baka alam mo na mahawi sa isip nilang asarin ako? Mahirap na...

Magkakaklase kaming apat pwera lang kay Edward na sa ibang seksyon kasi iba tinutugtog niya.

"Bye. Ingat ka!" *wink* shet! Ang gwapo nya (*'∇`*)

Pumasok na siya sa classroom nila.Kami naman lakad pa nang konti malapit na rin kami sa classroom namin.

1 minute later...

'Seasoned Instrument'

Gulat kayo no? Nandito na kami.Yan yung pangalan nang seksyon namin.Ganda no? Hahaha!

Pagkapasok na pagkapasok ko.Nakatingin silang lahat sa amin at himala? Sobrang tahimik nila? Bakit naman kaya? Anong meron? Nagtataka na ako wah? Kaya nong nakaupo na kami hindi na ako nakapagpigil at tinanong na yung tatlo.Sa tutal naman magkakatabi naman kami ih.

"Ano bang meron? Meron ba kayong di sinasabi sa akin?" nagulat silang tumingin sa akin na parang 'di mo talaga alam na tingin'

"Talagang di mo alam Dana?" si Michelle na talagang nanibago ako sa sobrang tahimik lalo na kanina siya dapat yung kauna-unahang mang-aasar sa akin ih

Umiling ako.Still hindi ko talaga alam.
Ganun ba kahalaga yun kaya ganyan sila? Andali nga nasan na ba yung guro namin? Wala pa? Kaya napatingin ulit ako sa kanila na nagtatanong na itsura.

"May sakit si Mrs.Dela Vega nandun siya ngayon sa 'Healthy Heart Hospital' nagpapagaling..." si Sharlot na seryoso din sabagay! Hindi na kasi ako masyadong magtataka kay Sharlot kung bakit seryoso? Eh lagi niya yang itsura ih

"At binilin niya pa na ikaw muna ang bahala sa lahat.Ikaw muna daw ang maghandle nang 'Tea Party for adults'.." si Mikaela na malungkot din na parang maiiyak na naman nga ih

Tama! Yung narinig ninyong 'Tea Party for adults' talagang meron niyan.Ginaganap kasi diyan yung tutugtog kami para sa matatanda tapos sasabayan namin silang kumain at magtsaa narin.Syempre! Kung gugustuhin lang.Ako naman kasi gusto ko masabayan din sila kaya sumasabay na ako.At alam siguro ni 'Mrs Dela Vega' na malapit ako sa mga matatanda na madalas doon.Kaya siguro ako ang gusto niyang magmanage.

Natulala ako nang malaman ko na ganun pala ang dahilan.Mamaya pupuntahan ko si Madaam para makamusta.

Tumayo ako.

"Dana san ka pupunta?" hinawakan ni Michelle ang kamay ko na napatingin lang ako at nagpatuloy ako sa paglalakad

Pumunta ako sa harap kung saan nakatayo si Mrs Dela Vega tuwing siya ay nagtuturo sa amin.

"Nalaman ko na ang kalagayan ni Madaam.." napatingin silang lahat sa akin as in seryoso na parang sinasabing 'totoo talaga yun? Nakakalungkot naman pano na tayo niyan?' "..pero hindi dapat iyon ang maging dahilan para mawalan tayo nang gana mag-aral at tumayo para sa sarili natin..." nagsimula na akong maiyak sa sinasabi ko pero pinipigilan ko iyon "Alam ninyong hindi niya gugustuhin na makita tayong ganto diba? Kaya gagawin natin ang lahat para matulungan siyang gumaling.Hindi pa siya nawawala kaya wag tayong umiyak at malungkot..." napapunas na ako sa aking pisngi at ngumiti

"Ituloy natin ang 'Whole Heart Tea Party' para kay Mrs Dela Vega.Sana tulungan ninyo ako..." ngumiti ako nang napakalapad at pinunasan ang aking pisngi

Lahat naman sila ay sumang-ayon sa akin na kanina rin ay mga nag iiyakan.

"Yes! Mabuhay si Dana!"

"Ituloy na natin ito!"

Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan.

AN:
Readers! Sorry kung heavy drama ang update ko ngayon.Kasi naman ih si Mrs Dela Vega nasa Hospital.

Ano kaya ang sakit niya?

Next update will be? 'How strong she is?'

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon