Unexpected Meeting with them again

258 9 0
                                    

Continuation...

"You're the men!" tinuro ni Erick ang salaming nakatapat sa kanya na kung saan nakikita ang buong repleksyon nang katawan niya

Alam mo yung GGSS? Siya yun eh... -_-||

Nag-aapura na ang dalawang banda na gumayak kasi baka malagot na naman sila sa kanilang mga manager.Aba? Mahirap na.

Patakbo nang lumabas si Dana sa kaniyang condo at dumiretso na sa sinabing lugar kung saan magtatagpo tagpo.Ito ay sa malapit na 7/11 doon.

Tinignan muna ni Edward ang itsura sa salamin sa kwarto niya at pagkatapos ay kinuha ang kanyang gitara at sinukbit ito sa kanyang balikat.

Naghintay siya nang taxi upang sakyan papunta sa sinabing lugar na magtatagpo tagpo sila nang banda.

"There so many things I could say.But I'm sure.."
*Edward's Ringtone*

"Idol? Asan ka na?" si Erick sa kabilang linya

"Nandito nag-aantay nang taxi bakit?" napakunot ang noo ni Edward

'Ano kayang meron? Bakit napatawag itong si Erick sa akin?' nasabi nalang ni Edward sa isip niya

"Ah.Idol, nandito na kasi ako sa labas at nasilip ko mula sa bintana na mukhang yung 'Precious Angels' ang makakameeting natin..." napailing si Edward sa sinabi ni Erick

"Pano mo naman nasabi?" si Edward na nakakunot ang noo

'Sila na naman?' nasa isip isip ni Edward

"Eh nandito yung manager nila..."

"Ah sige sige..." ibinababa na ni Edward ang tawag dahil sakto namang may taxi nang tumapat sa kanya

'Asan na ba sila?' kanina pa si Dana sa 7/11 eh mukhang wala atang balak ang grupo niyang pumunta? Eh bakit hanggang ngayon wala pa sila?

'Namumuti na ang mata ko dito ah?' Napakagat nalang si Dana sa kanyang labi at napairap

Sinubukan ni Dana na tawagan ang tatlo.

Calling Michelle...
Calling Mikaela...
Calling Sharlot...
Then Merge...

'Aba? Sagutin nyo kaya?' nakatitig si Dana sa cellphone niya hinihintay niyang sumagot manlang kahit isa

"Dana!" si Michelle na kumakaripas nang takbo pinatay na ni Dana ang tawag at napokus kay Michelle

"Bakit ngayon ka lang?" pagtataray ni Dana

"Eh kasi naman ih nakakatamad kaya..." napanguso si Michelle

"Eh asan na sila?" pagtatanong ni Dana

"Ewan ko?"

"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*

Nang makita ni Dana kung sino ang tumatawag ay napatingin at napatitig pa siya kay Michelle bago ito sagutin.

'Pano na? Si Madaam na ang tumatawag' yan yung nasa isip niya na isinenyas niya kay Michelle bago niya iyon sinagot

"H-hello po" napakagat si Dana sa kanyang kuko

'Ano kaya ang sasabihin ni Madaam?'

"Asan na kayo? Bakit wala pa kayo?"

'Naku! Lagot na!' isip ka nang reason bilis Dana

"Ah..eh Madaam naghihintay nalang po kami ngayon nang taxi wala po kasing masyadong dumadaan ih..." napakagat si Dana sa labi niya

'Naku! Sinungaling ka Dana! Tinuruan ka ba nang lolo mo na magsinungaling?' napapikit nalang si Dana shh...

"Ah sige bilisan ninyo.Nandito na ang ibang miyembro nang bandang mamemeeting ninyo..." yes nakaligtas nasa isip isip ni Dana

"Ah..sige sige po..." napabuntong hininga si Dana sa ginawa niya hindi niya akalain mo yun? Natuto tuloy siyang magsinungaling dahil dun sa dalawang iyon

Napatingin siya sa harapan niya at nakita niyang nandyan na yung dalawa kabababa lang sa kanya kanya nilang taxi.Transparent naman kasi itong 7/11 kaya makikita niya kung sino ang darating.Pagkalapit nong dalawa sa kanila ni Michelle eh sinamaan na niya ang dalawa nang tingin.

"Kung huli si Michelle eh ano pa kayo?" nakasimangot na si Mikaela na parang batang naaagawan nang kendi ang itsura at si Sharlot naman ay nakatulala pa puyat kasi ih

"Pasensya na Dana kasi hindi naman naming expect na mapapatawag tayo ih..."

"Hindi ninyo alam? Eh diba sinabi yun bago tayo makauwi sa kanya kanya nating condo?"

"Oo nga? Haler? Tulog ka pa ata Sharlot" napatingin nalang si Sharlot sa labas hindi ata niya yun narinig ah?

"Sorry na po Idol.." si Mikaela na mukhang iiyak na

Gumaan ang pakiramdam ni Dana nong nakita niya si Mikaela.Baka kasi mapaiyak na naman niya ito ih.

"Oh sya sige sige nagmamadali na tayo..." kanya kanyang kuha nang kanilang gamit at dagli dagling lumabas nang 7/11

Wala pang isang minuto ay nakasakay na sila buti nalang at di sila minalas sa pagsakay ngayon.

Nang makarating sila ay dire-diretso na sila sa pagpasok na di manlang pinapansin ang mga nadaraanan.

Nasa harap na nila ang pintong kakatukin nang bigla kinabahan naman si Dana sa naisip na gagawin.

'Bakit naman kaya?'

AN:
Pasensya na kung konti konti nalang akong mag-update pero mahaba haba naman ngayon ang update ko kaya sana okey na ito.

Mahina na ang update kasi isang chapter nalang isang araw di tulad noon.Minsan dalawa minsan nga tatlo ih.

So? Any reaction. I do appreciate every comment or vote from you my readers! ヾ(¯∇ ̄๑)

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon