Wake Up Call

291 15 1
                                    


"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*

Natatarantang hinahanap ni Dana ang tumutunog niyang cellphone.Sa sobrang pagmamadaling sagutin ito ay nahulog pa.Kaya hinanap pa niya muli ito sa ilalim nang mga upuan doon.

Patuloy parin niyang hinahanap nang matanaw niya ay agad agad na niya itong inabot na naging sanhi nang pagkauntog niya dahil sa gumagalaw ang eroplano.Kinakalabit siya ni Edward kaya nong pagbango niya mula sa ilalim.

"Ano ba?!" sinungitan na niya agad ito nang nakasimalmal hindi nagsalita si Edward kundi itinuro niya ang flight attendant

"Ma'am pwede pong paki-airplane mode po yung cellphone ninyo para iwas narin po sa hindi inaasahang mangyari..." sabi nang flight attendant napabuntong hininga na lamang siya

"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*

Sa pangalawang pagkakataon ay tumatawag na naman ang kanyang lolo.Kaya napasimalmal siya at dagli dagli itong pinindot ang airplane mode

"Patayin mo yan.." bumulong si Edward sa tenga niya na medyo nakiliti pa nga siya eh "..kung ayaw mong malagot sa may ari netong eroplano na sinasakyan natin.." wala siyang magawa kundi sumunod rules ata talaga yun ih

"Oo tapos na po..." napabuntong hininga nalang siya lagot siya ngayon pagkauwi niya sigurado yun

"Good..." bumalik na ulit sila sa dati yung awkward at walang kibuan

Wala na silang magawa kundi ang kumain,maglibang at matulog sa Eroplano kasi matagal pa ang biyahe meron pang 4 hours ang kailangan nilang lakbayin upang makauwi sa pilipinas.Mamaya lilipat pa sila nang eroplano.

"Be ready after 1 hour we will be in Hongkong International Airport..."

Wala manlang nagreact sa announcement ng tao dito sa eroplano.Ayaw ba nilang lumipat? O may hang over pa? Hahaha! Siguro nga.

*Marvin=Mikaela*

"Sabay tayong kumain at gumala saglit sa hongkong ah?" si Marvin na iniharap ang mukha ni Mikaela na nakatingin sa bintana *pinamulahan naman si Mikaela nang mukha sa sinabi ni Marvin sa kanya* hinawi neto ang nakaharang na buhok sa mukha ni Mika at ngumiti

Si Mika naman ay hinawakan ang kamay niya at ngumiti ibinababa na rin niya iyon at sumandal sa mga balikat ni Marvin.

"Marvin? Ano bang nagustuhan mo sa akin?" paglalambing ni Mikaela kay Marvin

"Ah... Ang cute mo kasi..." tinitignan siya ni Marvin upang makita ang reaksyon niya at nakita niya nga na sumimalmal ito at ang nguso mas mataas pa sa ilong niya

Childish talaga.
Kinurot ni Marvin ang ilong ni Mika.

"Wag ka nang magtampo eto naman sinabihan na nga kita nang cute ayaw mo pa..." si Marvin na nilalambing si Mika na mukhang wala naman atang balak makinig kasi nakatakip sa tenga at umiiling iling

"Eh.. Ayoko na sayo..." kinuha niya ang unan niyang Hello Kitty at itinakip ito sa mukha niya para d na niya marinig at makita si Marvin

Napangiti naman si Marvin sa naging reaksyon ni Mika.Kahit talaga anong gawin niya hindi niya talaga matanggal ang ugali ni Mika na ganto.At wala siyang balak tanggalin iyon kasi napakacute daw ni Mika pagkaginagawa niya yun lagi at sanay na siya.

Tinatanggal niya ang unan na nakaharang sa buong mukha ni Mika pero si Mika ayaw.

"Ayoko di tayo bati..." pagmamaktol ni Mika

"Oy? Kasi naman Mika..." pilit na inaangat ni Marvin ang unan sa mukha ni Mika "...napakacute mo kasi.." sumilip si Mika saglit dahil parang biglang tumahimik si Marvin yun pala nakatitig na sa kanya

"Yiee!!! Yung dalawa may LQ!" sumilip ang dalawang lokaret at loko tinatanong ninyo kung sino? Sila Michelle at Erick lang naman yung dalawang walang ginawa kundi mambweset at manloko

Nagtataka siguro kayo kung bakit ang ingay nila? Private plane naman kasi yung sinakyan nila kaya de bale mga katrabaho lang rin ang nakasakay kaya no worries.Walang intriga walang problema.

"We're about to go down in Hongkong.So, get ready.Reminders,please check all your important things inside this plane.Thank you!"

Naghahanda ang lahat para sa pagbaba nang eroplano ...

AN:
Panget ba story ko readers? Hindi kayo nagcocomment kung ano reaksyon ninyo ih? Bakit speechless ata kayo?

So? May I request to all of my readers please do votes or comments please!

P.S: tingin po kayo sa taas yan po yung itsura nong Hongkong International Airport ... Hihihi! (・'з'・) ganda po ano?

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon