Continuation...
Time Check: 8:00 P.MSeryoso nga si Erick sa sinabi niyang maglalaro sila ng 'Spin the bottle' kaya papunta na siya ngayon sa kusina. Nang nasa kusina na siya nagsimula na siyang maghanap ng boteng pwedeng gamitin. Pero sa kasamaang palad wala siyang makitang gamit na bote na pwedeng gamitin sa 'Spin the bottle'. Kaya naisipan nalang niyang buksan ang ref. Kasi baka nga naman meron doong bote na kahit may laman eh pwede na. Iinumin nalang yung laman para magamit para sa laro.
Pagkabukas niya ng ref. Nakita niya na ang tanging bote lang dun ay bote ng wine. Maraming wine kaya wala siyang choice at yun nga ang kinuha niya. Lalakad na sana siya pabalik doon ng maalala niyang walang baso kaya dagli-dagli ay kumuha siya ng plastik at pinaglalagay dun ang baso.
Pabalik na siya doon sa pwesto nila. Sa di kalayuan ay napapansin na niyang iba ang tingin ng mga kasama niya at mukhang alam na niya yung mga reaksyon na iyon.
"Ano yan?" si Michelle na nagtataka
"Wine..." sarkastikong ngumiti si Erick kay Michelle
"Baliw! Eh? Wag mong sabihing iinom tayo niyan? Ang usapan lang ih spin the bottle lang..." si Michelle na parang iba na ang iniisip
"Alam mo di mawawala ang konting alcohol sa spin the bottle.." may nakakalokong ngiti si Erick na mukhang may ibig iparating
"Oy? Erick magtigil-tigil ka dyan sa binabalak mo" si Ezy na kabisado ang kaibigan. Kasi si Erick daw yung taong pag-gusto-gusto talaga at ipipilit talaga niya
"Oh? Buhay ka pa pala? Akala ko eh napanisan ka na ng laway dyan.." si Erick na tumatawa ng nakakaloko kay Ezy
"Tsssk! Konek sige!" si Ezy
"Oh? Game na kailangan na nating inumin itong nakuha ko sa ref. Kasi di tayo makakapaglaro pag walang bote. Kaya naisipan ko nalang na mag-inuman muna tayo bago magsimula." nagsasalin na si Erick sa lahat ng baso
"Cheers?" si Erick na itinaas ang baso niya senyales na gusto niyang mag-cheers silang lahat
"Cheers!!!" sigaw ng lahat at itinunggo nila ang baso nila sa isa't-isa. Tsaka uminom ng sabay-sabay. Tuwang-tuwa ang bawat isa
Maya-maya ay nagsimula na nga ang laro. Nagkakatuksuan na nga sa laro.
Sa hindi inaasahan ay tumapat kay Dana ang bote na walang ginawa kundi tumawa pagka-natatapat kung kanino ang bote. Kaya ngayon sa kanya natapat lalo lang siyang natawa. At ang tawa pa niya ay tawang alanganin.
"H-ha-ha! Haha! S-sa akin tumapat yung bote?" tinuturo niya pa ang sarili niya ng ilang beses yung parang di makapaniwala
"Oo! H-hahaha! Sayo nga!" Turo naman ni Marvin na tumatawa. Niloloko si Dana
"Ako nga! A-ano ba gagawin?" lalambot- lambot na si Dana sa hilo. At napapapikit na rin dahil sa antok.
"Dahil kayo nalang ang natitira ni Edward ang maggigitara. At ikaw Dana kakanta ka naman!" si Erick na gising na gising pa. Di ata tumatalab sa kanya ang wine kahit hilo hindi apektado eh
"A-ah! Yun lang ba?" medyo choppy na si Dana pero bumanat pa ng isang inom at tsaka umaktong kakanta na
"Hate that I love you..." sabay kanta ni Dana
"A-andali nga! Ano ba talaga kakantahin..?" si Dana na huminto na sa pagkanta nong kanina dahil nahalata niyang pinagtitinginan siya
"Uhmmm...Without a word yung tagalog. Chorus lang tapos tapos na!" si Mika na gising na gising din kasi hindi naman masyadong nakainom kasi ayaw niya rin
"A-ah sige! Game!" si Dana na ganadong-ganado ng kumanta
"Sa isang iglap pag ibig ay nalaman, sa isang iglap pag ibig ay binigyan.
Hinayaan mo ako na madama ito. Ngunit bigla kang lumayo..." nagkatinginan si Dana at si Edward ng mataposSi Dana na napangiti kay Edward at si Edward ay pasimpleng umiwas ng tingin at ngumiti ng tipid.
Natapos naman ang kanta na walang nang-aasar sa kanilang dalawa kaya nakampante naman sila nong natapos.
Edward POV
"Sa isang iglap pag ibig ay nalaman, sa isang iglap pag ibig ay binigyan.
Hinayaan mo ako na madama ito. Ngunit bigla kang lumayo..." ngumiti si Dana sa akin. Kaya nailang ako at napaiwas ng tingin. Nangiti din ako pero di ko naman malaman kung bakit.Natapos ang kanta na di ko alam kung ano na ang susunod na mangyayari.
"Ah. Alis muna ako. Restroom lang.."
"Ako din. Nagugutom ako kuha lang ulit ako sa ref ng makakain..."
Hanggang sa nakahalata na ako kasi lahat sila nagsi-alis. Anyare ba?
"Edward. Pagkakataon mo na yan.." napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Si Erick pala ang nagsalita. Naging seryoso ang mukha ko ng maalala ko yung sinabi niya.
"G*go! Wala akong balak. Baka ikaw kay Michelle mo."
"Huh! Kunyare ka pa. Sige alis na ulit ako. Goodluck!"
"G*go!" at yun na nga tuluyan na siyang umalis
Loko talaga tong mga to! Plinano ata ang lahat! Tssk!! Dahil sa wala akong masabi o magawa ay tumingin nalang ako kay Dana na hindi ko alam kung ano na nangyayari.
"Ughh! I-ikaw n-naman Mishter Bhastosh! Hahaha! K-kala mo d-di k-kita na-natatanda- Hahaha!" napa-tsskk ako. Yan na nga bang sinasabi ko eh. Ang lakas na nga ng tama niya.
"O-oy--" napatingin ako ng bigla nalang nanghina ang boses niya.
Pagtingin ko pabagsak na siya. Kaya ako naman ay dagli-dagling lumapit at sinalo yung pagbagsak niya.
Napatingin ako sa mukha niya hanggang sa mapunta sa labi niya. Napalunok ako.
"Edward!"
Sh*t!
AN:
Sensya nalate ako nang update! Bawi nalang next time ... May inaasikaso kasi akong project sensya na talaga...So? Votes and comments please!
Kamsa! (*'∇`*)Gwapo nang leader nang CNblue no? Hahaha! Landi
P.S: Yung lyrics po na tagalog nang 'without a word' nasa taas po
Hehehe! Favorite ko po kasi yan kaya yan napili ko ... (╯3╰)
![](https://img.wattpad.com/cover/27015549-288-k345213.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AventuraHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...