Hongkong International Airport

257 14 1
                                    

Welcome to Hongkong International Airport!

Nakababa na nang ligtas ang eroplanong sinasakyan nang Electrica,Precious Angels at nang iba pang bandang kasama nila syempre kasama na dun ang mga manager nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakababa na nang ligtas ang eroplanong sinasakyan nang Electrica,Precious Angels at nang iba pang bandang kasama nila syempre kasama na dun ang mga manager nila.

Kanya kanya nang kuha nang gamit ang bawat isa.Kanina pa sana nakababa si Dana kung d lang ilang beses nang natatama ang gayageum niya sa upuan,tuktok nang eroplano o kaya minsan mas malala ay sa tao kaya wala naman siyang magawa kundi ang magsorry nang magsorry sa kung sino mang tatamaan.

Napatingin si Dana kay Edward na pababa na nang eroplano.Napanguso nalang siya.

'Napakaungentlemen talaga niya' napailing nalang si Dana sa naisip niyang iyon

"Teka? Ano pa bang aasahan ko?" nagpatuloy si Dana sa pagbuhat nang kanyang gayageum habang napansin niyang may naghahantay sa likod niya na lumakad napahinto kasi siya sa pag iisip kanina

"Dana? Kanina ka pa ba dito?" napatingin siya sa lalaking kumausap sa kanya

"U-uh..oo pasensya ka na hah? Gusto mo mauna ka na.." at nagbigay nga si Dana nang daan para makadaan ito

'Eh bakit ba kasi tumanggi pa ako kanina nong sinabi nong tatlong hihintayin na nila ako? Makalabas bago sila lumabas' napabuntong hininga na lamang siya sa naisip na yun

"A-ah Miss..." nagising na sa katotohanan si Dana nang tawagin siya nong lalaki kanina

"U-uh may sinasabi ka ba? Pasensya ka na ah..." napayuko na lang siya at napakagat sa labi

'Kasi naman Dana umayos ka nga!' sabi niya sa sarili '..lutang ka na naman ih'

"Sabi ko Miss may problema ka ba? Kanina ka pa kasi tulala.At sabi ko mauna ka na susunod nalang ako sayo para may kasama ka sa pagbaba..." napatingin siya sa lalaking d niya kakilala

'Totoo ba ito? Ang bait ata nang isang ito?' paslow mo pa siyang tumingin ulit sa harap upang tumuloy sana sa paglalakad nang biglang lumitaw si Edward sa may pinto nang eroplano

Unti-unti itong lumalapit sa kanya kaya nagtataka naman si Dana kung bakit ito nandito.

Nang makalapit ay kinuha ang kanyang gayageum.

"Tara na..." nagulat siya sa ginawa ni Edward pero wala siyang nagawa kundi ang sumunod nalang nang maalala niya ang lalaki sa kanyang likudan kanina na nagmagandang loob kanina para samahan daw siya

Syempre kesa iwan nya ito ay tinanaw naman niya ito sa likudan niya at nakita niyang seryoso ang mukha nito na nakasunod parin pala sa kanila.

"A-ah? Halika!" hindi niya alam kung ano pa ang idudugtong sa sinabi niya kaya lumapit nalang siya dito

"A-ah tungkol sa kanina.."

"Salamat ah!" ngumiti siya nang napakalapad sa lalaki na ikinangiti nito

"Okey lang yun.Sa totoo nga humanga ako sayo kasi ang lakas mo pala..." napangiti si Dana sa sinabi nito pero nagtataka parin siya bakit nito sinabi iyon

"Ano nga pala pangalan mo?" pagtatanong ni Dana sa lalaki

"Ah, I'm Kelvin Garcia..." pag-aabot neto nang kamay sa dalaga

Tinanggap ito ni Dana.

"I'm Maria Dana Dela Cruz..." nagshake hands sila

Nakababa na silang dalawa nang masayang nag uusap.At nagpunta na sa waiting area nila para sa susunod na biyahe papuntang pilipinas.

"Ehem..." napatingin si Dana sa nag-ehem at napansin niyang nandito na pala sila sa kung saan nasaan ang mga kasama nila sa nag-ehem? Si Erick lang naman yun

"Ah nandito na pala tayo..." si Dana na nakangiti sa kasama

"Oo nga.Di ko nahalata yun ah.." tumingin si Kelvin kay Edward

Napansin iyon ni Edward dahil nakatingin siya kay Dana.

"Pano usap kayo nang usap nang walang saysay..." si Edward na may seryosong mukha wala na namang emosyon sa mukha niya

Nang marinig iyon ni Kelvin.Napatingin ulit siya kay Edward at ganun din si Edward.

AN:
Naku! I think I smell something fishy kay Kelvin at kay Edward.Grabe! Ano kaya yun?

Votes and comments please!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon