Dana's POV"Ano ba kasi Dana naisipan mo?" si Michelle na tinatarayan na naman ako
"Ako? Diba nga di ko tinanggap?" inis kong sabi
"Ay? Oo nga pala..." napasimalmal din siya
"Eh pano nga kaya?" si Mika na mukhang nag-aalala
"Yun talagang manliligaw mo no?" si Sharlot na tumatawa ng palihim
Kung alam lang neto ni Sharlot. Napanguso ako sa inis
"Ayzzz! Kainis talaga! Hanggang dito alam niyang nandito ako..." pagmamaktol ko naman
"Eh pano ngayon yan? Anong balak mo ngayon?" si Michelle na nakatingin lang sa akin
Abay! Ewan ko din Michelle. Napasimalmal ako.
"Hello girls! Mukhang may seryoso kayong usapan ah?" si Erick na umupo sa gilid ko. Gusto atang makisali sa usapan namin
"Oo talaga! Alam mo kasi si Dana yung bestfriend niya dati inalok siya na tumugtog daw tayo eh ayaw siyang patanggihin kaya kahit ayaw ni Dana wala siyang magagawa naconfirm na daw sa manager eh..." pagpapaliwanag ni Michelle. Eto talaga no? Every detail counts. Natawa nalang tuloy ako eh pano yung pagkwento rin niya ih over sa eksplanasyon
"Ah yun lang ba? Walang problema sa akin pero sa kanila. Lalo na dun kay Edward ewan ko lang." seryosong sabi niya pero may problema pa rin kasi ako ih.
Pano kaya kung bumalik yung si Rey Angelo sa buhay ko?
Bumabalik na naman siya. Siya kasi yung bestfriend ko na nagkagusto sa akin at syempre dahil ang natural ay nilayuan ko siya kasi ayaw kong masaktan siya. Baka kasi mag-expect siya diba? Pero friends pa rin kami pero di na ganun ka close.
So? Yun nga ang story namin. Sad no? Hahaha! Pero natawa ako.
Pero yung ngayon? Mas mahirap hindi ko ito pwedeng takasan. Ito yung problema ko ngayon kaya eto muna wag muna siya.
"Oh? Yan pala sila! Oy? San kayo pupunta?" si Erick na punong-puno pa ang bibig eh nagsasalita na. Eh pano ba naman kasi nagnanakaw ng pagkain kala nya di ko halata ah? Hahaha!
"Dyan lang papahangin..." sigaw ni Edward
"A-h! A-andali lang! May s-sasa.." pinipigilan ko si Erick sabihin pero pinigilan ako ni Michelle "...bihin daw sila.." lumapit doon si Erick para siguro ayain ang mga ito
Mga ilang segundo...
Nandito na sila sa harap namin at di ko alam kung anong gagawin ko. Yung mukha kasi nong leader eh mukhang kakain na ng buhay. Napakagat nalang ako sa labi ko.
"Ano yun?" si Edward na kulang nalang lamunin na ako ng lupa dahil sa presensya niya
Tinunggo ako ni Michelle para pagsalitaan ako.
Huminga ako ng malalim para masabi ko kung ano ba talaga ang hihilingin namin sa kanya.
"A-ah. Kasi ano. Mayron kasing.." mautal-utal kong sabi. Hindi ko alam ih kinakabahan ako kay Edward. Pinagpapawisan na nga ata ako dito ng malamig ih basta kasi nakakatakot kasi siya
"Sa kanya mo sabihin siya ang leader.." tinuro niya si Ezy at umalis na kaya napayuko naman ako at napakagat ng labi
Kahiya talaga.
"A-ah. Wala sigurong samud wag kang mag-alala ate! Ako nalang kakausap mamaya sa kanya..." pagchicheer up sa akin ni Marvin. Tinignan ko siya at nakita ko naman ang masayang ngiti ni Marvin
"Oy? Pano na yan?" si Mikaela na pinaglalaruan ang buhok niya. Yun kasi ginagawa niya pag nag-aalala
"Okey lang yun bunso. Kung ayaw niya..."
"Hindi Ate! Akong bahala!" napatingin ulit ako sa nagsalita. Si Marvin.
Nagsimula ng umalis si Marvin para nga sundan na nga siguro si Edward na nag- walk-out kanina.
"Andali lang. Wag kayong mag-alala papayag din yun. Sadyang pabebe lang yung lalaking yun.." si Ezy na seryosong tumingin sa amin at sumunod na rin kay Marvin. Kaya ngayon tumingin kami kay Erick.
"Ikaw? Di ka ba susunod sa kanila?" si Michelle na inuunahan na si Erick. Eh kasi naman siya nalang natitira na di pa umaalis. Malay mo nga namang may usapan silang apat. Pag-nag-walk-out yung isa sunod-sunod na rin aalis yung iba.
"Hindi.." ngumiti ng pilyo si Erick kay Michelle na nakatingin ngayon sa kanya. Umirap naman ngayon si Michelle. Natawa nalang ako sa kanila
"Kahit kelan talaga ang sungit..." bulong ni Erick
"Wala kang pake!" si Michelle na sinungitan lang si Erick
AN:
Any reactions? Please comments and vote! Don't forget!
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AventureHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...