Continuation..."Okey it's over! Tama na yung sisihan. Okey? Dana at Edward? Okey na." tumango-tango naman sila Dana at Edward sa sinabi ni Madaam Ellen
"Basta gagawa kami ng paraan para maayos yung problema na yun.." si Sir Rex
Nagmamadali silang umalis dun sa Studio para makalipat na ng kanilang binayarang Apartment Resort. Dahil sigurado sila na dudumugin sila mamaya doon. Papalabas na sila malapit na sila sa pinto. Nang biglang maalala ni Dana ang lahat.
Dana POV
Shezz! Eto na nga kami palabas na nagmamadali na kami kasi baka abutan kami dito ng mga reporters sa labas. Pero habang sa pagmamadaling iyon ay bigla nalang akong may naalala.
"Arghh!" napahinto ako at napasabunot sa buhok ko sabay gulo
Hayzz!
"Oh? Anong problema Dana?" si Madaam na nakatingin sa akin ng naguguluhan
"Ay! Oo nga pala Madaam nandyan na nga pala sila..." napanguso kaming apat
Pipihitin na ni Edward ang doorknob nang biglang narinig nila ang ingay mula sa labas kaya hindi na niya naituloy.
Nagkatinginan kaming lahat na tila sinasabi nang bawat isa ay 'paano tayo lalabas niyan?' at ang tanging sagot din namin ay 'ewan ko' .
"Ano na gagawin natin niyan?" si Mikaela na nagcrossed arm na ngumuso pa
"Hanggang talaga di sila nakakakuha ng impormasyon hindi sila titigil..." pagtataray na sabi ni Michelle na nagcrossed arm nalang
Ako ay tahimik lang pero naiinis na ako. Nakikisabay pa kasi sa inis ko kay Edward. Napakagat nalang ako sa labi at tumingin sa taas.
Hayzz! Buhay nga naman no? Parang life. Lol!
Sumilip si Marvin sa bintana at nakita niyang kahit ang tagal na nilang nakatambay sa pwesto nila ay d parin ito nagsisialis.Bumalik ang tingin ni Marvin sa mga kasama.
"Posible kayang alam talaga nilang nandito tayo?" si Marvin na seryoso sa kanyang isinasaad
"Eh sino naman ang magsasabi diba?" si Michelle na kumilos ang kamay na napunta sa kanyang baba at nag isip kunwari
"Wag na kayong magtaka kasi sikat kayo kaya kahit wala kayong pinagsasabihan ay malalaman at malalaman nila yan..." si Madam Ellen
"Sabagay! Kelan ba tayo nagkaroon nang privacy?" si Erick na natatawa nalang sa sitwasyon
"Don't forget your fame.Remember you are all famous.." bumagsak ang kani kanilang balikat sa pagkakaalam nang kanilang status not status relationship kundi status in their life they are famous
Ganyan naman talaga pag famous walang privacy lahat nang issue ay malalaman siguro nga kahit nga konting pagkakamali ay huhusgahan ka.Katulad nalang ngayon d naman sinasadya ni Dana na sumang ayon kasi wala naman talaga siyang balak sumang ayon at d naman talaga siya sumang ayon sadyang mapilit lang talaga ang ex bestfriend niya.
"So? Pano na yan? Wala rin naman tayong magagawa dahil lalabas at lalabas din tayo dito..." si Erick na natatawa nalang nang nakakaloko dahil sa nangyayari
Tumango ang lahat at yun na nga nagsimulang buksan ni Erick ang pinto at dinumog na nga sila nang mga photographers,reporters at iba pang chismoso't chismosa sa media...
AN:
Votes and comments please!
Readers what can you say about my story update? Any suggestions and comments plithh!
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AventureHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...