Sebastian's Restaurant
Rey's POV(AGAIN)
Hindi na talaga nagsalita si Dana kahit nong bumaba kami.Grabe! Hindi ako sanay na ganto kami katahimik.I expect more than this pag-uwi ko dito sa pilipinas.
Eh bakit ganto?
Yung pakiramdam na akala ko okey na kami na nakalimutan na niya yung nakaraan.
Yun pala hindi at mas lalo pa atang la-lala.
Pero kahit na iba na talaga ang pakiramdam ko.
Kahit na ba nasasaktan na ako.
Hindi ko nakakalimutan na lagi siyang alalayan sa tuwing kailangan niya nang tulong ko.Kahit na...
"Rey, ano ka ba? Kaya ko na ito..." iniiwas niya ang pag-alalay ko sa kanya pababa nang sasakyan
Nangiti ako nang mapait.
Bakit?
Mali bang magmahal ako?
Hindi ko naman sinasadyan Dana na sayo mahulog.
Na sayo ako magkagusto na mas malala pa doon.
Sabay kaming naglalakad papasok nang restaurant.Ginawa ko parin yung bagay na nakasanayan ko.Ay hindi pala.Ang bagay na hinding-hindi ako magsasawang gawin pag siya ang kasama ko.
Nang makaupo na kami.Nginitian ko siya nang tumingin siya sa akin.Pero bigla ring nawala ang ngiti ko nang hindi manlang niya sinuklian ang mga ngiti ko.
Pati ba naman ngiti mahirap na rin ibigay sa akin?
"Best, anong gusto mo?"
Ngumiti siya kaya nangiti din ako.
Yan ngingiti ka best gumaganda ka kasi lalo.
"Sige.Alam mo na yun kung ano." tumingin ulit siya sa akin
Nagliwanag ang mukha ko nang marinig ko ulit ang mga salitang iyon.Mukhang bumabalik na siya sa dati.Sana wag nang magbago yan hanggang mamaya.
"Sir, ano pong order ninyo?" nginitian ko yung waiter
"Dalawang korean beef at two rice.Yung iba alam mo na siguro no?" tumango-tango yung waiter sa akin
"Nandito pa rin pala yung waiter na yun ano?" napatingin ako kay Dana na nagsalita
"Yes! Alam kong nagtataka ka it's been a years from now..." medyo naiilang kong sabi then I emphasize the years
"Yes.It's been four years..." tumingin siya sa kamay niya pagkasabi niya niyan
Pagkasabi non ni Dana dumating na yung waiter at inihain na nga sa amin ang order namin.Tahimik kaming kumakain nang mapag-isipan ko na mag-open nang topic.Yung topic ba na tungkol sa amin ganun.
Dana's POV
Tahimik kaming kumakain nang biglang nagsalita si Rey.Napatigil ako sa pagnguya at napatingin sa kinakain ko.
"Dana kamusta ka na? Kamusta na ang Precious Angels?" tumingin ako sa kanya at ngumiti
"Okey naman kami.." nagpatuloy na ako sa pagkain pero bigla akong nailang nong habang ngumunguya ako ih kumuha siya nang tissue at pinunasan ang dumi ko sa gilid nang bibig ko kaya umiwas ako nong pagkatapos niya
"May dumi ka sa gilid nang bibig mo ih.Yung sauce nang korean beef." sumulyap ako sa kanya
Hindi ko maiwasan ang maawa sa bestfriend ko.Hindi ko maiwasan na magtaka sa sarili ko? Bakit kaya hindi nalang siya ang magustuhan ko? Bakit iba pa? Sa totoo lang swerte na ako sa kanya.Pero kahit kelan hindi ko magawang suklian yung lihim niyang pagmamahal sa akin.
Ngumiti ako.
"Salamat Rey." tumingin siya sa akin at ngumiti
Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa maisipan namin ang gumala sa park na lagi naming pinagtatambayan na malapit lang sa 'Sebastian's Restaurant'.
Naglalakad kami nang tahimik habang nilalakad ang malaking park na ito.Pinagmamasdan at inaalala ang lahat nang memories namin dito.Kung kasi hindi dahil sa park na ito hindi ko siya makikilala.
Umupo kami sa swing at nagkatinginan pero maya-maya umiwas din kami nang tingin sa isa't-isa.Pinagmasdan ko siya.Nakaside-view siya kung tutuusin gwapo itong bestfriend ko kaso wala talaga ih.
Pasensya na best.
Wala talaga akong maramdaman na mas malalim.
Kung ako pinagmamasdan ko siya.Siya naman ay pinagmamasdan ang mga tao din na naglalakad-lakad sa park.
"Rey..." may pagkailang kong sabi
Nahihiya ako pero kailangan ko itong sabihin.
"Hmm?" ramdam ko ngayon na nakatingin siya kahit ba nakatingin ako sa baba sa mga paa ko
"S-sorry Rey..." nagsisimula na akong maiyak at alam ko na maiiyak din ako mamaya
"Para saan ba Dana?" painosente niyang tanong
Naiyak na ako kaya itinakip ko na ang dalawang kamay ko sa aking mukha.Nagsisimula na rin akong suminghot-singhot.
"Pa-pasensya k-ka na k-kung..." sinimulan niya akong hinila patayo upang mayakap niya ako
Ngayon ay parehas na kaming nakatayo at ako ay patuloy parin sa paghikbi.
"di k-ko ka-kayang suk-suklian ang pag-mamahal m-mo..." nangawa na ako na parang bata.Nakakainis bakit ba ganto ako maiyak parang bata
Sinimulan niya akong icomfort sa pamamagitan nang paghimas niya sa aking ulo at minsan napupunta sa likod.Humihigpit din ito sa tuwing mapapahagulgol ako sa kanya.
"O-okey lang yun Dana..." tumingin ako sa kanya.Tumingala at nakita ko na umiiyak din siya.Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko.
"Pa-pasensya ka na b-best ah? H-hindi ko rin naman si-sinasadya na ma-mahulog sayo..." sa sobrang iyak niya ay humiwalay na siya sa akin.Siguro dahil ayaw niyang ipakita na umiiyak siya at ayaw niyang makita ko siya na ganun siya
"Best.." lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likod
"Maghanap ka nang b-babaeng tutumbasan ang pag-pagmamahal mo..." pinipigil ko na wag maiyak dahil tumahan na ako pero yung mata ko ay maglubay
Humagulgol si Rey na ikinasakit lalo nang puso ko.
Sorry Rey.
Pasensya ka na.
Hindi ako ang para sayo.
Humarap na siya sa akin at yumakap siya nang mahigpit.
"Sorry.But I hardly fell in love with my bestfriend..." bumulong siya sa akin at napapikit nalang ako
I'm so sorry Rey.
Sorry talaga.
AN:
This is for all of my readers! I hope you enjoy this chapter! So heavy drama.
Don't forget to hit the vote button and comments also.
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
MaceraHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...
