See you again

189 12 0
                                    


Dana's POV

Napag-usapan na namin ni Rey kahapon bago niya ako ihatid sa bahay ay ihahatid ko siya ngayon sa sakayan nang eroplano.Kaya ito ako ngayon nakatingin sa kisame at nagmumuni-muni.Inaalala ang nangyari kagabi na muntik na namang manggilid ang luha ko.Pero bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko kaya naalerto ako.

"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*

Mabilis na hinahanap ko ang aking cellphone at nang matagpuan ko ay sinagot ko kaagad.

"Hello."

"Oy!Gumising ka na ah? Sabi mo ihahatid mo ako ngayon..." panlolokong sabi ni Rey sa kabilang linya

Nangiti ako.

"Opo.Eto na nga po oh! Gising na ako!" pag-aatungal ko

"Buti naman.Gumayak ka na.Kumain ka nang mabuti ah?" nangiti ako ang sweet talaga nang bestfriend ko

"Opo." pagkatapos non ay pinatay na niya ang tawag at ako naman ay tumingin ulit sa kisame

Maya-maya ay bumangon na ako upang magsimula nang maggayak.Mahirap na baka magkagalit pa kami sa pag-alis niya.Sa pagbangon ko naman kasabay naman non ang pagvibrate nang cellphone ko kaya napatingin naman ako sa cellphone ko.

Nakita ko may nagtext pala sa akin.

1 message received

From: Edward

     Dana, sunduin kita mamaya.Sabay na tayo pumasok ah?

Napangiti naman ako sa text niya kaya agd-agad naman akong nagreply.

To:Edward

      Uhm.. May ihahatid kasi ako ngayon ih hindi ko alam kung maaabutan mo pa ako dito sa bahay mamaya baka kasi dumiretso na ako sa school.

Pumunta na ako sa harap nang salamin.Kinuha ko ang suklay at nagsuklay.Nagtungo na rin ako sa aking cabinet para pumili nang aking isusuot sa araw na ito.Dumiretso na ako nang cr at maghahanda na para sa pagligo.

Mga ilang sandali...

Lumabas na ako sa c.r at tinignan ang cellphone ko at nakita ko nga may nagtext na naman kaya napangiti na naman ako.Kaso nong pagbukas ko nadissapoint ako.

From: Kelvin

      Dana, hintayin kita sa tapat nang gate nang school ah? Ingat ka! 😘😉

Ano ba yan? Kala ko naman si Edward yung nagtext.Sa pagkainis ko hindi ako nagreply.Tinapon ko nalang yung cellphone ko sa kama at bumaba na para sa pagkain.

"Good Morning Lo!" bati ko kay lolo na ikinagulat naman niya at kiniss ko siya sa pisngi

"Dana? Anong kalokohan ito?" si lolo na hindi makapaniwala? Eh bakit naman hindi? Eh lagi ko namang ginagawa yun ah?

Hindi ko nalang pinansin si lolo at inaya ko nalang siyang kumain.

"Aalis na si Gelo ngayon?" si lolo na seryosong nakatingin sa akin

"U-uh opo."

"Bakit parang ang bilis naman niya? Kapupunta niya palang diba?"

Lo, sensya ka na wala ka kasing alam sa nangyari sa amin nong gabing nagkita kami.At tsaka para sa kanya rin yung pinapagawa ko sa kanya.

"A-ah, may trabaho pa kasi siya doon at hinahanap na daw siya..." naramdaman ko na nakatingin sa akin si lolo ngayon kaya napatingin din ako sa kanya

"Bakit Lo?" tanong ko eh pano ba naman kasi yung mga tingin niya parang hindi siya desidido na ganun nga ang rason

Hindi sumagot si lolo kundi ay bumalik na siya sa pagkain.

Nong matapos na akong kumain ay kinuha ko na ang aking mga dadalhin at nagpaalam na nga kay lolo.

"Lo! Alis na po ako! Baka po magalit si Rey ih!"

"Sige ingat ka apo at pakisabi sa kanya wag na wag niyang kakalimutan ang chocolate ko ah?" hah? Andali nga anong sabi ni lolo?

"Lo! May sinasabi ka ba?!" papunta na ako sa gate nang biglang magsalita ulit si lolo

"Ang sabi ko sabihin mo sa kanya ingat siya at wag niyang kalimutan yung chocolate at tsaa ko.." chocolate? Talaga tong si lolo oh? Dati tsaa lang ngayon may chocolate pa?! Napatikim lang ni Rey ih nagustuhan naman

"Ah sige po! Makakarating lo!" tumakbo na ako palabas at isinara na ang gate nang biglang magulat ako kasi nakita ko si Edward na nasa labas at nandun sa gilid na nakatingin ngayon sa akin

Nagulat ako kaya hindi agad ako nakapagreact pero napukaw yung atensyon ko dun sa itsura niya? Galit ba siya? Bakit ganyan itsura niya?

"San ka pupunta?" lumapit siya sa akin yung sobrang lapit talaga yung halos yung katawan namin at mukha muntik nang maglapit nang sobra

Yung tipong mahahalikan na niya ako.Kaya ito naman si ako layo nang layo sa mukha niya at medyo nanlalaki pa at naduduling ako sa pag-iwas.

"A-ah eh.. Sa airport..." tumuturo ako na akala mo ih dyan lang ang airport

"Sino ang ihahatid mo?" lalo pa siyang lumapit yung talagang sobrang lapit na yung mukha kulang nalang ata mahalikan na ako neto

"A-ah eh si Rey..." umiiwas ako nang tingin kasi sa totoo lang lumalakas ang kabog nang puso ko at pinagpapawisan ako

Pano ba naman kasi! Para akong nasa korte neto sa tanong niya!

Humiwalay siya at nagtungo nang bike niya at umalis.

Anyare dun?

Hindi ko nalang pinansin ang inasal ni Edward at dumiretso na ako papuntang airport at baka mapagalitan na talaga ako non.

"Best!" tuwang-tuwang yumakap sa akin si Rey na ikinagulat ko

"W-wahh! Ano ka ba? Pinagtitinginan nila tayo oh!" keysa bumitaw ih lalo pang hinigpitan ang yakap niya

"Dana, mamimiss kita best" bulong niya sa akin na ikinangiti ko naman kaya inihiwalay ko siya sa akin

Grabe! Naiiyak na ako!

"Ano ka ba? Magkikita pa tayo..." nginitian ko siya

Umupo na kami doon sa may hintayan para hintayin yung flight niya sa Paris.

Mga ilang sandali...

Tinawag na din ang mga taong sasakay sa eroplanong papuntang Paris.Kaya eto ako ngayon nakasunod na kay Rey na papunta na nga dun sa eroplano.Pero syempre kahit ba alam kong hanggang dun lang ako sa guard kasi may bantay tumuloy pa rin ako.

Kasi matagal ko na rin itong di makikita si Rey.

Patuloy pa rin akong nakasunod kay Rey nang biglang may humawak sa kamay ko na ikinagulat ko kaya napatingin ako.

"S-sino b-ba?" pagtingin ko nakita ko si Edward na ang itsura ay naku! Galit na naman ba siya? Bakit ba kasi lagi nalang ang sungit nang itsura niya? Kanina ih parang kakainin na ako ngayon ih pahawak-hawak pa nang kamay ko?

Ano ba Edward? Lalo akong naiinlove sa ginagawa mo ih.

"Halika na.." malamig at seryoso niyang sabi sa akin na nakatingin diretso sa mga mata ko

Samantalang ako napatingin lang ako sa mukha niya at sa nakahawak niyang kamay sa akin.At maya-maya ay hinatak na ako papaalis doon sa airport.

Hindi na ako nakapagsalita at nadala nalang niya ako.

AN:
    Readers ko hanggang dito muna po ang update ah? Matutulog po kasi ako nang maaga ngayon sana po maintindihan ninyo nagkukulang na po ako sa tulog. Hahaha! Lels!

#49 na po siya sa Adventure! Salamat po sa walang sawang pagsuporta! Lalo na sa mga silent readers!

Don't forget to hit the vote button and comment na rin po!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon