Angel's Wake up

476 21 10
                                    


Kriinggg!!!!
*Alarm Clock*
Time Check: 4:00 a.m

"Ahhhh!"si Dana sabay gulo sa buhok at pinatay ang alarm balik sa higaan

"Ano ba naman yan?! Sino ba ang nag-alarm maaga pa!" si Michelle na tinakpan ang tenga nang unan

"Ughh!!! Inaantok pa ako! Kasi naman ih.." si Mikaela na nagpout at umastang parang bata nagmamaktol pinaghahampas yung mga unan sa kama

"Ano ba Mik-mik?! Lalo kang nang-iistorbo ih.." si Michelle na umusod nang konti kasi natamaan sya nang unan na inihampas ni Mik-mik

"Bakit ba kasi kailangan pa tayong kausapin nang manager nang Electrica?" bumalikwas si Sharlot sa kanan na medyo may tinatagong inis sa naalalang dapat gawin ngayon

"Hah?! Oo nga pala no?!"sigaw ni Dana na dagli-dagli ang pagbangon sa higaan. Naalala niya dahil kay Sharlot kung bakit nga pala niya ina-larm yun nga pala dahilan non

"Eh wag na tayong pumunta.."si Michelle na bumabalik ulit sa pagtulog

"Pero di pwe-pwede guys!"latang-lata si Dana na tumayo sa higaan at sinimulan ng kumuha ng kaldero at pinagtatapat sa tenga ng mga kaibigan niya

"Hahaha! Guys! Gising na! Mayron pa tayong dapat gawin.."hinampas ulit ni Dana nang tatlong beses ang kaldero para tuluyan na silang gumising

"Ano ba naman yan?"nakasimalmal na tumayo si Michelle sa higaan na kumakamot pa sa buhok

Walang silang magawa kaya nagsibangon na sila kahit na inaantok pa.

Anong oras na nga naman sila natulog kagabi? Mga 12 a.m na yun at talagang wala silang masyadong tulog kung tutuusin.

Nagsimula na silang maggayak.

Kumain.
Naligo.
Nagbihis.

Kriinggg!!!
*Telephone*

"Sino naman ang tumatawag?" sumimalmal si Dana. Naggagayak kasi siya ng mga gagamitin para mamaya ng bigla ngang may tumawag

Kinuha niya ang telepono para malaman kung sino ang tumatawag.

"H-hello?" mautal-utal siya kasi inipit lang naman niya ang cellphone sa balikat at tenga niya

"Hello.Sino to? Dana? Is that you?" si Manager sa kabilang linya

"Yes Madam why?" pagtatanong ni Dana

"Are you asking why?Dana, what time is it? Kanina pa nandito ang Electrica.Ano bang usapan natin? Diba sharp 6 a.m dapat nandito na kayo?" may halong galit na ang madaam nila kaya nag-aapura na siyang ayusin ang gamit niya

"Ah sige po madam, pasensya na po papunta na po kami..." kinuha na niya ang telepono na nakaipit sa tenga at balikat niya

"Sige, bilisan ninyo! Mahiya kayo sa manager at sa grupong Electrica.." si Madaam na mukhang galit na

Pinatay na ni Dana ang telepono.

"Guys! Bilisan na natin nagagalit na si Madam Ellen.." kinuha na ni Dana ang kanyang gayageum at iba pang natitirang gamit at isinukbit na ang kanyang bag

"Ughh!!!" si Michelle na naaasar na kasi hindi na siya nakapagretouch masyado

Wala na silang pakielam kung magulo ang condo nila. Basta nilock na nila ito at nagsimula ng umalis.

Sumakay na sila nang tricycle at minadali ang driver para bumilis.

Nasa labas na sila nang kompanya ni Ma'am Ellen at nagsimula na silang pumasok. May mga nag-gre-greet pero di naman nila pinagpapansin na. Dahil sa nagmamadali na nga sila. Baka kasi mapagalitan sila. Iba pa naman magalit si Madam Ellen.

Kinakabahan silang lahat nang nasa elevator sila. Hindi sila nagpapansinan kasi nga sa kaba nilang nararamdaman.

Pinagpapawisan na si Dana sa sobrang kaba. Siya kasi leader kaya siya ang lagot dito. Napakagat nalang siya sa labi niya. Iba talaga pakiramdam niya. Kinakabahan siya.

Ano kaya ang gagawin ni Madam Ellen sa amin?

Napahawak nalang siya ng mas mahigpit sa gayageum niya. Dahil sa kaba.

AN:
    Sinusulit ko na ang pag-uupdate kasi sigurado ako magiging busy ako sa susunod na mga araw.Dahil sa project namin at exam.Thug life ih college life -_-#

So? Comments and votes please?

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon