Nice to meet you

426 20 15
                                    


"So, okey na? Magkakakilala na kayo?" sabi ni Madaam Ellen na kanina ay tahimik na nakamasid

"What we are waiting for.? Let's talk why we are here." si Madaam Ellen ulit

"Ganto ang mangyayari sa Fashion Show sa Paris." sinimulan ng manager ng Electrica

"Kailangan magustuhan nila ang pagbleblend ng modern guitar at ang classic sounds ng gayageum. Kung titignan nyo magandang pagsamahin ito at sinasabi ko sa inyo kakaiba ito." sabi ulit nong manager ng Electrica

Dana POV

*tok tok*

Sa kalagitnaan ba naman ng meeting may kakatok? Bastos lang? Tssk!!!

Pinagbuksan sya ng sekretarya ni Madaam Ellen at iniluwa ng pinto ang lalaking...

Andali nga? Siya na naman?!

"Ikaw na naman?!" sabay kaming nagsabi nyan kaya. Nablangko nalang ako ng ekspresyon. -_-#

Anak nang nanay ko oh?!

Sya na naman?

"Andali? Magkakilala kayo? Bakit di nyo sinabi?" si Sir Rex

"Magkakakilala naman pala kayo. Mas mapapadali pala tayo nyan." ngumiti si Madaam Ellen kung alam nya lang

"Akala nyo lang yun Madaam..." si Sharlot

"Panong akala?" si Madaam Ellen

"na akala nyo pong magkakasundo sila..." si Sharlot ulit

Habang itong si yabang ay nag-eexit na palabas netong opisina ni Madaam.

"Ayoko na po palang tumugtog next week." sumesenyas pa siya na aalis na siya. Yung nagbababye na. Andali nga! Eh pano naman ngayon yung plano sa Fashion Show? Nababadtrip na ako nitong si yabang ah?! Sa lahat ba naman kasi ng ka-trabaho ko siya pa talaga natapat no? Tssk!!!

"Pero pumayag na kayo wala na itong atrasan at tsaka nasabi na namin nakaschedule na ito." si Madaam Ellen

Yan na binubuksan na niya ang pinto palabas na sana siya ng bigla ngang magsalita si Madaam at syempre sumagot naman siya.

"Eh di i-reschedule nyo." nagback-out si Mr.Bastos. Iyon lumabas bastos talaga yun

"Hoy!" bago pa man ako nakapagsalita ay naisara na niya ang pinto

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Aba! Namimihasa na siya ah?!

"Ma'am, Sir sundan ko lang po yung si yabang na yun..." tumango nalang sila bilang sagot

Napangisi si Erick at bago pa ako makapaglakad palabas ay nagsalita siya.

"Ingat ka. Nangangain ng babae yun..." tumingin ako sa kanya ng masama at siya naman ay ngumisi lang ulit

Nagmamadali akong lumabas ng opisinang iyon para masundan yung mayabang na yun. Naglakad-lakad ako sa loob ng building hanggang sa makarating ako sa labas. Sa paglabas ko na yun ay biglang napukaw ng atensyon ko kung sino ang pinagkakaguluhan. Aba?! Nanlaki ang mata ko.(⊙.⊙)Nakakagulat lang ah? Si yabang yun ah? Pinagkakagulahan siya? At bakit?

"Hoy yabang!" tumingin siya sa direksyon ko at kinindatan ako. Aba! May gana pang mangindat eh alam naman niyang may kasalanan siya?

"Hoy! Mayabang may kasalanan ka pa..." tumingin ulit siya at nag-pekeng ngiti.

Sa pagtawag ko na yun sa kanya ay bigla ba namang nagsimulang magsipag-chismisan ng mga tao doon. Pati kamo yung nakapaligid sa kanya? Ano bang meron? Pinagchichismisan nila ako?

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon