Getting Her Attention

196 8 1
                                    

Dana's POV

Kriingg!!!!!!
*Alarm Clock*

"Ahh!!! Ang bilis naman nang oras 6 o'clock a.m na?" tamad na tamad akong kinakapa ang aking alarm clock sa may ibabaw nang kabinet ko at pinatay ito

Ang ingay eh! Ngumuso ako nang biglang may naalala sa pagmumuni muni ko.Nanlaki ang mata ko nang bigla ko siyang maalala.

"Sheet! Susunduin nga pala ako ni Ed-? Andali! Hindi!" ginulo gulo ko yung buhok ko naiinis ako hindi naman siya ih si KELVIN! SI KELVIN ANG SUSUNDO SAYO DANA SI KELVIN NO? HINDI SI EDWARD! OKEY?!

Pinagpilitan ko sa utak ko na hindi si EDWARD ang susundo sa akin kundi si KELVIN GARCIA! OKEY!?

Napanguso ulit ako na natingin sa salamin.Parang nakakalungkot ata yun ah? Na si Kelvin ang susundo sa akin.Andali nga change topic.

Tsskk!!!

Nagpopokerface ako habang lumalakad papunta sa aking kabinet nang damit para mamili nang aking isusuot.

"Eto na nga lang..." hinablot ko yung isang damit na nasa gilid nang aking kabinet wala na akong pake kahit ano pang magiging itsura ko niyan

Dumiretso na ako sa c.r para maligo at nong natapos ako nagluto na ako at kumain na.

Tamad na tamad akong lumabas nang bahay namin.Grabe! Bakit kaya? Binuksan ko na ang gate at lumabas na.Luminga linga sa kanan o kaliwa at yun nakita ko ang sasakyan ni Kelvin na kulay grey at lumabas siya nang makita ko siya.

"Oh? Dana halika na..." tumango ako.Ngumiti at sinundan na siya na papunta na sa kanyang sasakyan pero bago ako makasakay pinagbuksan niya pa ako nang pinto at nong nakasakay na ako syempre umikot siya at sumakay na din

"Kanina ka pa ba naghihintay?" pagtatanong ko sa kanya nong nakasakay na kami

Sumagot siya pero di ko naintindihan kasi napansin ko si Edward na lumalakad papunta sa gawi namin.Pero hindi siya huminto sa pwesto namin.Ni hindi nga siya tumingin ih.

Bakit kaya nandito siya? Susunduin nya ba ako? Hay! Ano bang iniisip ko? Malay mo napadaan lang siya diba?

"Dana may problema ba?" nagising ako sa katotohanan nang muling magsalita si Kelvin kaya napatingin ako sa kanya at alanganing sumagot

"A-ah wala naman..." ngumiti ako at tumingin sa aking mga kamay na nakapatong sa aking mga binti

Bakit ganun? Bakit parang gusto kong sabihin niya sa akin na dahil sa akin kung bakit siya pumunta?

Napahigpit ang hawak ko sa damit ko at malungkot akong tumingin sa bintana nang sasakyang ito.

Edward's POV

Balak ko sanang sunduin si Dana kaya lang maya-maya may natanaw akong sasakyang parating di ko alam kung sino pero nagtago ako para di ako makita.Nagtago na naman ako sa puno.Bakit ba lagi nalang akong nagtatago dito? Tinititigan ko kung sino ang laman nong sasakyang dumating at napansin kong si Kelvin? Si Kelvin ba talaga yung laman nang sasakyan.Susunduin rin kaya niya si Dana? Kaya naghintay ako dito hanggang sa lumabas na nga si Dana.

Napansin kong luminga linga siya sa kaliwa at kanan niya at buti nalang di niya ako nakita.Sa paglinga niya naisip ko na kaagad na may hinihintay nga siya tapos sumakto pang lumabas yung lalaking nakasakay dito sa grey na sasakyan.Tinignan ko kung sino ang loko lokong gustong kunin sa akin si Dana? Andali nga? Bakit kunin agad? Kami ba? At wala akong gusto dun no? Napagtritripan ko lang siya kaya okey lang.

Nong nakasakay na si Dana nagsimula na akong lumakad na dala dala ko itong bike at maya maya lang ay sumakay na ako dito at pinaandar na ito.

Meron ka na palang sasakyan ih.Di mo na pala ako kailangan.

Pero bakit parang naiinis ako? Naiinis ako na sa lahat pa nang sasamahan niya pa ay yung mahanging yun pa ang sinamahan niya?

AN:
   Hmm...
Ano kaya talaga ang totoong nararamdaman ni Edward kay Dana?
Eh si Dana kaya ano rin kaya ang nararamdaman niya kay Edward?
Eh pano naman si Kelvin? Ano naman kaya siya kay Dana?

Abangan...
Next Chaptiee will be...
I don't know what is the title hahaha!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon