Continuation...Time check: 6:00 P.M
Pagkasabing-pagkasabi ni Marvin na pumunta na doon sa lugar kung nasaan sila Marvin ay dumiretso naman agad si Dana at hindi nalang pinansin ang ka-abnormalan daw ng kanyang puso. Si Edward naman ay nagligpit lang saglit at sumunod na rin.
Nauuna man si Dana sa paglalakad pero nakasunod naman na din si Edward kasi dun din naman ang tungo nilang dalawa at syempre no choice kasi iisa lang naman ang daan papunta sa harap.
Malayo palang ay tanaw na ni Dana ang panunukso nila Michelle na may kasama pang pagkagulat sa mukha.
Naku! Kung alam lang ni Michelle inis na inis ako dito! Tssk! - Dana
Mga loko ito pasalamat sila kayang-kaya kong magtago ng emosyon kundi nakasapak na ako ngayon - Edward
Parehas seryoso ang aura ng dalawa na papalapit na ngayon sa kanilang mga kasamahan. Yung itsura nila ay parang yung couple na may LQ. Mga ganun ba.
Nong nakaupo na silang dalawa kanya- kanya naman ng chismis ang mga kaibigan nila sa kanila.
"Dana? Kelan pa? Bakit naman friend di ka nagsasabi?" si Michelle na nagsisimula ng mangharot at ngumingiti-ngiti ng nakakaloko
"Para kayong couple na nag away. May LQ ba kayo?" si Sharlot na tumingin kay Dana ng makahulugan at ng nakikita niyang naaasar na si Dana ay bumalik na ang tingin niya sa kinakain. Ngumiti at nagsimula ng kumain ng barbeque
"Oo nga Ate Idol! Anong meron?" si Mikaela na tuwang-tuwa at excited na excited na tinatanong si Dana tungkol nga sa kanila ni Edward
Nang gumanyan si Mikaela. Nakaramdam naman si Dana na pinagtitinginan ata sila ng mga lalaki kaya sumenyas si Dana ng tahimik sa pamamagitan ng paglalagay ng daliri sa labi.
"Ah s-sorry Ate.." si Mikaela na biglang nahiya sa ginawa niya
"Bakit naman kasi ang lakas ng boses mo?" si Michelle na kumakain narin nang barbeque
"B-bakit?" si Mikaela na mukhang naramdaman na nakatingin sa kanya si Marvin kaya si Marvin naman ay umiwas at tumingin ulit sa kanya upang ngumiti. Samantalang, nakita naman ni Mikaela ang pamumula ng pisngi ni Marvin dahil sa puti neto
"S-sino yung Idol mo ulit?" nahihiyang tanong ni Marvin kay Mikaela ng pagkatapos niyang ngumiti sa dalaga
"Si Ate Dana! Bakit may problema?" si Mikaela na todo ngiti. Nilalabanan ang kilig na nararamdaman
"Ay sayang Mikaela! Kala kasi netong kaibigan ko siya. Pasensya ka na ah..." si Erick na kinindatan si Mikaela at umakbay kay Marvin
Nahihiyang tumingin si Marvin kay Mikaela at ganun din si Mikaela kay Marvin kaso kay Mikaela may kasamang kilig.
"Wag mong sabihin Mika ah?" si Michelle na nakita ang tinatagong pamumula ni Mika
"Ehh..." namula pa ito lalo ng nakita siya ni Michelle kaya lalo rin itong nagtatago sa likod ni Michelle
Nagpatuloy na sila sa pagkain ng maisipan na maglaro ng 'Spin the bottle'.
Ang nakaisip? Walang iba kundi si Erick.
"Walang kj ah? Enjoyment lang! Sinusulit ko lang itong regalong resort ng ating mga manager aba? Minsan lang ito..." nagsimula na nga si Erick na tumayo sa pwesto niya at pumunta sa kusina upang maghanap ng bote na pwedeng gamitin.
Sharlot POV
Nong umalis si Erick ay sumunod ako. Nagtaka nga sila kaya tinanong nila ako eh. Pero ang sabi ko sa kanila ay mag-ccr lang ako. Kaya ito na nga papunta na ako sa restroom nang biglang may humawak sa braso ko. Nagulat ako kahit ba hindi ito malakas. Sa totoo nga mahinahon ito eh. Hindi ba yung katulad nong ginawa ni Edward kay Dana.
"S-si.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko si Ezy na nasa harap ko. Problema neto?
Ngumiti siya. Pero yung ngiti niya mukhang pilit at ilang pa. Siguro dahil na rin sa hindi siya sanay. Sobra kasi niyang tahimik. Pansin ko rin kasi yun simula pa nong nagkasama-sama kami.
"Anong ginagawa mo dito? At bakit mo ako sinundan?" nagtataka kong tanong sa kanya
"Hindi kita sinusundan. Asshumera ka." pagkasabi niya nyan pumamulsa siya na ikinapagtaka ko pa. Eh ano ngayon tong pagsunod niya at paghawak pa sa braso ko? Papansin lang ganun?
"Eh wala pala. Sige una na ako." aalis na sana ako kasi nga naiihi na ako eh at wala na akong oras makipagtalo sa lalaking to. Pero bago pa ako makakilos papunta sa restroom ay muling higit niya sa kamay ko
"A-ano ba--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita
"Ikaw ba yung babaeng napirmahan ko sa notebook na Adventure Time?" napaisip ako. Andali?
"A-ah.. Ako? Hindi ako yun!" bumitaw na ako at umalis na doon. Puputok na pantog ko sa lalaking to.
"Hay!" natapos na akong umihi. Lumabas na ako dun at pumunta na ulit doon. Habang papunta ako doon. Nagawi ang tingin ko sa kanya na nakatingin din sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
"Ikaw ba yung babaeng napirmahan ko sa notebook na Adventure Time?"
Andali. Wag niya lang sabihin na siya yung pumirma sa notebook ko na yun?
Siya talaga yun?
Votes and comments please?
Next chaptiee will be 'Spin the bottle' but it is just continuation of barbeque picnic..
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
PrzygodoweHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...