Can I?

217 8 0
                                        


YES! Ako na naman!
-Michelle capslock daw para intense

Michelle's POV

Tapos na ang aking pinapanuod na 'korean movie'.Grabe! Ang ganda nga niya ih.Kilig to the bones! Hahaha! ('∀`)♡

Kakausapin ko sana si Dana na mukhang di pa rin ata gising at di pa rin ata nakakamove on sa ginawa ni Edward kanina nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Without you I feel like a half of a whole..."
*Michelle's ringtone*

Tinignan ko kung sino iyon at nakita kong si Erick pala ang tumatawag kaya napangiti ako.Siya lang pala.

Pero andali? Diba galit sa akin ito? Napangiti ako kinikilig ako.Sabi ko na nga ba eh.Hindi ako matitiis neto.

Nakangiti ko itong sinagot pero syempre hindi ko pahahalata na nakangiti talaga ako ngayon.Syempre medyo pabebe effect naman ako no? Lalo na sa 'chickboy' na ito.

Naku! Mahirap na kayang-kaya akong palitan neto.Napahinto ako sa sinabi ko?

Andali!? Meron bang kayo hah?!
Oo nga no?
Michelle naman!

Oo nga! Walang kami eh bakit parang nagseselos siya kanina?

"Hello." kinakabahan akong sinagot ang tawag niya

Lumabas na rin ako para walang makarinig sa akin sa loob.Mahirap na baka asarin nila ako.

"Michelle, pumunta ka dito sa storage room." pagkatapos niyang sabihin yan ay pinatay na niya ang tawag.Samantalang, ako naman ay naiinis na ibinaba ang cellphone ko eh pano ba naman ikaw kaya ang pagbabaan nang walang paalam? Hindi ka mainis?

Inis na inis akong tinutungo ang storage room.As in talaga kung nakikita ninyo ako para nang uusok yung ilong ko dito.
At syempre nagmamadali ako kasi gusto ko na siyang upakan.

Sa inis! Oo sa inis! Wag niyang sabihing ano! Ano ko siya! Hahaha! Ano nga ba?

Eto na nandito na ako! Humanda ka Erick! Binuksan ko yung pinto at pinutakan siya.

"Hoy! Ikaw Erick hindi kumot..." bago pa ako makapagsalita ay bumukas ang ilaw na kanina ay patay at biglang bumulaga sa akin.Ang mga lalaking nakatalikod? Hindi ako sure ih pero parang puro lalaki?

"Asan si Erick?! Ilabas ninyo.." walang nagsalita pero may nag-iistrum na nang gitara

Maya-maya ay lumabas na si Erick sa gilid nang nakangiti at nagsimulang kumanta.

Para sa'yo
By: Parokya Ni Edgar

Lumayo ka na sa akin
Wag mo kong kausapin

"Oy! Erick ah?! Wag mo akong niloloko ah?! Tigilan mo ito!" gumaganyan ako pero ang totoo niyan kilig na kilig ako.Syempre paepek ko lang yan para hindi halatang kilig na kilig na ako sa loob. Hahaha! ♡(∩o∩)♡

Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sa akin

Hindi nga niya ako sinagot bagkus ay kinindatan niya ako at nagpatuloy sa pagkanta.

Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo

Pero para sa'yo
Ako'y magbabago

Naging seryoso ang mukha niya at unti-unti siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"Erick." umiiyak na ako sa tuwa ano bang meron? Kinikilig ako.Wala akong masabi kaya napayakap nalang ako sa kanya nang umiiyak.

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon