Time Check: 6:00 P.M
16 hours with stopping points in Hongkong.
Excited na ang Precious Angels na makauwi na sa kani-kanilang bahay maliban pa dun eh miss na nila ang pilipinas.Kaya pati sa pagbaba ay nag aapura na sila.
"Hay! I really miss philippines!" hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Dana habang nakapormang parang lilipad dinama niya ang lakas nang hangin na ngayon ay tinatangay ang kanyang dress at buhok sinandal niya muna ang gayageum sa kanyang mga hita
"Oo nga how we miss PHILIPPINES!" sigaw ni Mikaela na parang bata na namang nagpabiling biling nang kanyang katawan na nasa likod ang dalawang kamay
Si Sharlot ay nangiti lamang sa ideyang nandito na sila sa pilipinas.
"Babe! Wala ba akong goodbye kiss?" si Erick na ngumunguso kay Michelle si Erick kasi ang nagdala halos lahat nang dala ni Michelle sa biyahe.Ang dala lang ata talaga ni Michelle eh yung sling bag na maliit niya at yung sarili niya
"Heh! Magtigil!" nilamukos ni Michelle ang mukha ni Erick tsaka ito mahinang sinampal sa mukha
"Grabe ka talaga sa akin babe! Kelan mo ba ako paiisahin?" dumating si Ezy na narinig ang sinabi ni Erick
"Pare, grabe ka! Kaya wala sayong nagseseryoso eh paisa agad iniisip mo..." tumingin sa gilid si Erick kung nasaan ang hinayupak niyang kabanda
"Aba? Pare, atleast marami nang natikman.Eh ikaw ba?" hindi nakasagot si Ezy dumiretso na lamang ito nang lakad
"Aba? Bastos ka brad ah? Kausap diba?" hindi na nilingon pang muli ni Ezy si Erick kasi sa totoo lang torpe siya eh kaya wala talaga magtyatyaga
Di nagtagal ay sumugod na ang mga reporters sa kanila kaso kamalasan si Edward ang unang nalapitan kasi siya ang mas nauna sa pagbaba kanina sa eroplano.
'Yan na naman sila nauna na nga ako para di na nila ako maabutan.Aba? Naabutan parin ako? Tsskk...' naiinis si Edward kasi naman dapat pahinga na niya ayaw niya nang istorbo tapos andito na naman sila?
'Pano ka nga naman makakapagpahinga pagkaganto? Eh sigurado naman akong puro non-sense lang naman ang itatanong...' yan na naman ang mukha niyang hindi mo maintindihan basta ang laging itsurang pinakikita niya ay galit o kaya inis.Saya? Wala ata sa kalingkingan ni Edward yan ih
Dumilat na si Dana sa kanyang ginawa kanina.Kaso nang pagdilat niya nakita niya si Edward na pinagkakaguluhan sa una kaya tinawanan nalang niya ito.Maya maya ay may lumapit narin sa kanya.
"Ah, Dana anong masasabi mo bilang leader nang Precious Angels na isa sa swerteng nakasama ang Electrica..." itinapat sa kanya ang mic. Hindi niya alam kung papaano siya magrereact wala pa ata siya sa sarili ih
"Ah yun ba? Ayos naman silang kasama." umalis na siya pagkatapos niyang masagot ito pasensya kayo wala talaga akong samud alam nyo yun? Pagod kami kaya tigilan nyo kami kahit na sinusundan pa siya nang mga reporters at tanong parin nang tanong hindi na niya iyon pinansin
"Pasensya na talaga kayo.May hangover pa sila kaya pagod sila ngayon.Wag nyo muna silang tanungin tungkol sa pagpunta sa Paris..." si Madaam na nagpapaliwanag sa kanila eh pano ayaw akong tigilan
"Please! Konting galang lang..." si Sir Rex na pinipigilan naman ang lumalapit sa Electrica
"Honey ko! Buti nakauwi ka na..." nakarinig si Dana nang pagtawag mula sa malayo kaya tinignan niya kung sino at kung kanino.Napansin niyang kay Edward nakatingin
'Sino kaya siya?'
AN:
Who's that girl???
Pasensya na kung minsan nahuhuli update ko o kaya minsan konti nalang ang UD kasi naman ih nag iisip ako nang konting romance dito sa storya para medyo may lovestory at mala-adventure nilang buhay.
So? Votes and comments please!
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AdventureHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...
