Arguments

271 14 0
                                    


Studio
Time Check: 6:00 A.M

Pinatawag ang lahat ni Edward sa kanyang harapan para sa kanyang sasabihin tungkol sa kahapon. Seryoso ang presensya neto kaya di nila maintindihan kung matutuwa ba sila. Dahil pumayag ito o matatakot kasi pumayag ito at di rin nila alam kung magrereact ba sila sa sasabihin neto para kasing hindi siya tatanggap ng opinyon nila.

"Nabalitaan ko kahapon na gusto ninyong tumugtog sa 'Eiffel Tower' na yan.." seryoso pa din na umikot-ikot sa pwesto niya

"...na sabi sa akin ih napilit lang daw ng isang 'kaibigan'." tumawa siya ng may ibig ipahiwatig. "Kaya matuwa kayo dahil pumayag ako kaso hindi kumot pumayag ako okey na sa akin ang nasabing tugtugan na yun.." nagsusungit na sabi neto napasimalmal naman si Dana

"Eh di wag na nating ituloy ito..." si Dana na bumulong na di niya namalayan na may nakarinig pala sa bulong niya. Siguro sa sobrang tahimik kaya narinig pa nila. Kaya lahat ngayon ng atensyon ay nasa kanya na

"Bakit naman hindi? Diba ikaw ang may gusto neto?" pagtataray ni Edward aba? Lalaki nagtataray.

Etong mayabang na to. Di niya alam kung ano ang sinapit namin bago kami makapunta na studio na to! Hmmp!

Dana POV
Flashback...
Papunta kami ngayon sa studio. Kasi pinapupunta daw ang lahat doon. At kung itatanong ninyo kung sino ang may sabi? Iyon syempre yung mayabang na leader ng Electrica. Napairap ako ng maisip ko ulit yung sinasabing pagpapatawag na yan.

"Oh Dana? Ano bang itsura yan?" si Michelle na nakakunot ang noo ng tinignan ko

"Wala. Naiinis lang ako.." umirap ulit ako at napatingin sa gilid

Nasa gitna kami ng kalsada kung saan. Yung halos ito yung gitna ng bawat pagliko. Kasi pwede kang lumiko sa kanan at kaliwa. Pwede ring diretso. Ganun, yung parang crossway. Andali, ewan. Di ko ma-explain masyado. Basta yun na yun. So, sa pag-irap ko sa kanan ko ay biglang nanlaki nalang ang mata ko ng may nakita akong mga nagsisitakbuhan at mga nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa camera nila.

"Guys.." napatingin ako pabalik sa kanila

"Yes, Dana.." kinakabahan na napatingin din sa akin si Michelle

"Waaahhh!!!" si Mikaela na hindi alam ang gagawin. Medyo nataranta at nagtatatalon.

"Mika, ang oa na..." si Sharlot na sinaway si Mika na tarantang-taranta

"Eh pano kasi.. Mga ate! Anong gagawin natin.." si Mika na kabang-kaba na tumingin sa amin

"Ano pa ba? Simulan na nating tumakbo.." si Sharlot na mukhang hindi naman kinakabahan pero hindi lang siguro halata sa kanya sa sobrang kalmado niya

Kaya iyon. Nagsimula na nga kaming tumakbo hanggang sa makapunta kami sa loob. Hingal na hingal kaming nakapasok dun at naririnig pa namin ang mga sigawan ng mga tao sa labas na gusto lang naman makichismis pero syempre kami hindi na namin pinansin at pumunta na nga doon sa studio number 17. Marami kasing studio dito pag-pumasok ka. Kaya yung sa amin daw ay Studio No.17.

End.

Back to reality..

Tapos ito lang ang aabutin ko? Yung pag-sesermon ng lalaking to! Napairap ako. Bweset!

Third Person POV

Nagulat si Dana hindi niya akalain na may nakarinig pala ng kanyang sinabi kanina. Kaya para makalaban sa sinabi ni Edward ay naisipan parin niyang sumagot.

"Kasi kung wala dito. *kinabog niya ang parteng puso niya* wala rin itong gagawin natin wala ring silbi!" halos mangiyak-ngiyak si Dana dahil hindi naman niya din ito ginusto sa totoo nga siya ang naipit dito eh hindi niya akalain na ganun na lamang ka-desperado yung lalaking yun para sabihin yun sa amo niya. Naiinis siya na tanging pag-iyak nalang ang kaya niyang gawin sa sobrang inis.

"Bakit? Sa tingin mo nandito mo rin yan *itinuro niya ang bandang parteng puso niya* eh hindi mo rin naman ito ginusto diba?" tinaas siya ni Edward ng kilay habang nakatingin dito at nakaturo pa rin sa puso. Ngumiti ng pilyo si Edward at nagpamulsa habang lumalakad-lakad sa harap. Lalong nainis si Dana sa sinabing iyon ni Edward. At syempre sa pag-akto nito na parang talagang yung meeting na ito ay para lang mang-inis.

"Kung una palang ayaw ko na talaga eh di sana mas pinili ko nalang wag umatend sa sinasabi ng kaibigan ko eh. Dahil nga sa mahal ko ang musika at ginagalang ko ang boss niya hindi ako mapipilitan lang tumugtog kundi galing ito sa puso hindi ko matutugtog ito*tinuro niya ang gayageum niya* kung hindi galing dito *itinuro niya ang parteng puso niya* " tumataray na ang itsura ni Dana dahil sa inis niya naiinis lang kasi siya dito

Pumayag payag tapos ayaw naman pala niya tapos sasabihin niya kaya lang daw siya pumayag kasi pinilit siya? Aba? Ang kapal!

Kabadtrip eh?

AN:
Votes and comments please readers!
Umiinit ang nagiging pagitan nong dalawang leader nang banda ah?
Any suggestion readers?
Yun nga palang naka-italic si Dana na nagsabi non...

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon