Who she is?
But before you ask me. I will ask to you the same question..
Who he is?
#Realtalk
(AN: Nagtatanong kayo kung ano yang nasa taas? Wala lang yan pakeme lang ni Author yan! Hahaha! 😂😂😂 Iniisip ninyo rin sigurong umulit no? Hindi po siya umulit. Dito na po talaga ito yung isa po iba na yun. Kala ko po kasi ano ih? Yung dun yung who who na yan. Yung pala dito palang. Di ko expect ih diretso sulat na po kasi ako pag nag UD.
So? Sana ma-enjoy ninyo yung chapter na ito. )
Time Check: 4:30 pm
Pagkatapos magpahinga galing sa pagkakakain nagpresinta na sila Dana,Michelle,Sharlot at Mikaela na maligo na. Napag-usapan din na sabay-sabay na din sila para di na sayang pa sa oras. Syempre bago sila pumasok ay nagpaalam muna sila sa mga boys.
"Ligo lang kami ah? Dyan lang kayo!" mataray na sabi ni Michelle
Napangiti si Erick at tumingin sa tatlo. Mga naghihinalang tumingin ang dalawa sa kanya ng ngumingiti siya ng makalokohan at mukhang may balak. Pero bago sila magsalita at magreact ay hinintay muna nilang magsara ang pinto ng c.r.
"Oy! Gunggong! May balak ka pa dyan ah?" hinagisan ni Edward si Erick ng throwpillow na yakap yakap lang niya kanina
"Erick ah? Yang mga ngitian mong ganyan. Nakakatakot ka.." si Ezy na napangiti nalang rin at napailing
"Hindi nga? Wala talaga kayong balak?" nakaguhit pa rin ang ngiting makalokohan ni Erick
"Eh! Kuya Erick naman! Mga nananahimik sila dun kaya wag na! Masama yun!" ngumuso si Marvin
"Ikaw talaga! Para kang di lalaki!" ginulo ni Erick ang buhok ni Marvin
"Erick. Wag mo siyang igaya sayo! Kakaibang nilalang ka kasi! Abnormal ka kasi!" seryosong saad naman ni Ezy kay Marvin
"Tsskk! Abnormal ka dyan?"
"Hahaha! Magtigil na nga kayo! Para kayong mga bata!" si Edward na natatawa nalang sa kanilang tatlo
Mga ilang minuto...
"Tapos na kami!" sigaw ng Precious Angels ng matapos sila
"Yun!" tuwang-tuwang sigaw ni Erick at tumakbo papalapit kay Michelle. Niyakap ito at inamoy-amoy.
"Hmm.. Ang bango naman ng babe ko."
"Heh! Tumigil-tigil ka Erick ah!" kumakawala si Michelle sa yakap ni Erick mula sa likod.
"Sungit naman ni babe.."
"Oh! Tama na yan! Maligo na kayo at baka maabutan tayo dito nila Madaam na hindi nakabihis.." si Dana na nakacross arm
"Ah sige mauna ka na Edward maligo.."
"Hindi ikaw muna brad! Maya nalang ako.." hindi pa rin naaalis ang pagkakaupo nong iba sa sofa.
"Andali nga! May balak ba kayong tumugtog o wala? Eh bakit hanggang ngayon para lang tayong nasa parke sa kakatambay ninyo eh. Walang gustong maligo!"
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AventuraHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...
