Secret Dating

276 11 3
                                    


"Ahhh!!! Di pwedeng hindi bumalik sa akin si Edward!" inis na inis na inihampas ni Natalie ang tissue sa lababo habang nakatingin sa lamesa. Napayuko siya

"H-hindi. Hindi pwe-pwede.." pagkasabi niya nyan ay naiyak siya

"Si Dana, isa lang siyang normal na tao at makalumang babae. H-hindi pwedeng sa kanya siya mapunta huhuhuhu!" patuloy pa rin si Natalie sa pag-iyak. Hindi din siya nag-aalangan na may makakarinig sa kanya dahil wala naman nasa restroom sa oras na yun

Umangat ang tingin niya mula sa salamin. Nagkalat na rin ang make-up niya sa mukha dahil kaiiyak kitang-kita na yung itim na likido sa kanyang pisngi dahil nga sa eyeliner na nilagay niya sa mata. May naalala siya na pwedeng maging iisang pag-asa niya.

Flashback

(AN: Ahmm.. Eto pong dating na ito sa Shakouza's Restaurant ay nong nakita ni Natalie si Edward at Dana na naglalakad sa hallway. Yung inaya siya ni Kelvin na lumabas. Still remember? Kung hindi balik sa 'What the fuck! Be your SLAVE?!')

Shakouza's Restaurant
The Secret Dating Agreement

Busy na kumakain ang dalawa ng magtama ang kanilang mata. Nagkangitian na tila may ibig sabihin sa isa't-isa.

"Balita ba Natalie? Nakukuha mo na ba pabalik si Edward?" sumubo muna si Natalie ng kanyang pagkain bago siya muling ngumiti kay Kelvin

"Ano bang klaseng tanong yan Kelvin?" matawa-tawa niyang sabi sa binata

"Eh bakit di ka ata makasagot? Hahaha!" makahulugang tawa naman ni Kelvin

"Ano ka ba? Duh! Babalik din sa akin yun si Edward. Papayag ba ako na dun lang sa cheap na katulad na yun mapupunta ang aking boylet? No way!" sumama ang tingin ni Kelvin kay Natalie ng sinabihan niya ng cheap si Dana

"Anong cheap ka dyan? Wag mong sinasabihan ng cheap si Dana no?" si Kelvin na naging seryoso ang mukha

"Eto naman hahaha! Joke lang! Sabi nga nga ba eh. Pagtatanggol mo yung makalumang babaeng yun. Hahaha! Whatever! Hindi ako papayag na yung pinapangarap ko eh mapupunta sa iba no? Nagpakahirap din ako para maabot ko ang isang sikat na model..." nagpatuloy pa ulit ito sa pagsandok sa susunod na kakainin

"Eh oo nga pala? Anong balak mo?"

Tumaas ang kilay ni Natalie.

"Balak ko? O natin?" nakangising sabi ni Natalie kay Kelvin

"Natin? Paano naman ako nasama sa plano mo lang?" nagtatakang tanong ni Kelvin

"Ano ka dyan?! Di ako makakaporma kay Edward kung laging nandyan yang cheap mong future mo kamo!" si Natalie na may pagtataray pa sa boses at umirap

"Isa pang ulit. Hindi na talaga kita tutulungan dyan sa balak mo!" pagtataray na loko ni Kelvin kay Natalie

"Hmmpp! Makapagsabi to! Ikaw din naman mawawalan hindi lang ako no?" tumingin si Natalie ng seryoso kay Kelvin at tinaasan ito ng kilay

"Oo na! Sige na! Suko na talaga ako sa isang Natalie Sanchez na katulad mo. Pasalamat ka may pinagsamahan tayo.."

"At pasalamat ka din kasi kilala mo si Natalie Sanchez.."

"Hahahaha!!!"

"Hahahaha!"

Natawa nalang sila sa alitan nila. Alitan bata pa kasi.

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon