Continuation...
Dahil sa kulang kami sa pahinga ay napagpasyahan muna naming wag munang magpasarap I mean eh gumala kung saan saan.Kasi kailangan namin nang isang mahabang PAHINGA!Oo, pahinga kailangan na kailangan.Kahit ako ih parang kulang pa inaantok na ako ih.Papikit na ang mga mata ko ih.Pero syempre hindi ako dito matutulog.
"Dana!" andali parang pamilyar yung boses ah? Tumingin ako sa likod kasi dun galing yung pagtawag
Tumatakbong lumapit sa akin si Kelvin nang nakangiti kaya ngumiti din sa kanya.Napatingin ako sa bandang kanan at nahawi nang paningin ko si Edward na nakatingin yata sa amin? Ewan ko ba.Hindi ko nalang inalam pa at humarap na ulit ako kay Kelvin.
"Uuwi ka na ba?"
"Oo, uuwi na siya at sabi niya sa akin ihatid ko daw siya pagkatapos nang meeting..." bago pa ako makapagreact ih nahila na ako ni Edward papunta sa hintayan nang taxi sa gilid
Nagpupumiglas ako sa hawak niya inaalis ko.
"A-ano ba?" sa wakas binitawan na rin niya ang kamay ko buti nalang di ko dinala yung gayageum ko kundi naku! Ihahampas ko sa kanya
Tumingin lang siya sa akin at ngumiti.Aba? Nagawa pang ngumiti nang loko sa ginawa sa akin.Kaladkarin at sabihing sinabi ko daw na ihahatid niya ako.Like? Kelan ko sinabi yun?
"Ano bang sinasabi mong nagpapahatid ako sayo? Wala naman akong sinasabi ah? Hindi nga kita nakakausap manlang ih wala tayong contact tapos sasabihin mo? Nagpapahatid ako?! Grabe lang ah?" nagtataray ako? Oo pagkasabi ko niyan napacross arm nalang ako sa galit at tumingin sa kabilang diresyon hindi sa kanya
"Number mo? Para may contact na tayo?" hinihingi niya ang number ko?
"A-ayoko nga! Bakit pa?"
"Para nga may contact tayo..." nakalahad parin ang kamay niya pero ako di ko siya pinapansin kaya gumawa siya nang paraan sinimulan niyang pakielaman ang bag ko na nakasabit sa akin sling bag ih pero syempre bago niya iyon mapakelaman eh nailayo ko na sa kanya
Alam ko balak mo ih.
Kala mo ah?Evil smile! HAHAHA!
"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*Nagmamadali akong hinanap ang cellphone ko sa aking sling bag at tinignan kung sino ang tumatawag.
Calling Grandpa...
Pinindot ko ito para sagutin.
"Hello.."
"Dana! Bakit hindi mo pa pinaplantsa yung damit ko may meeting ako mamaya..."
"Ah..Papalantsahin ko nalang po pag-uwi ko.."
"Eh kailan ka pa uuwi?!" naku po! Galit na siya kasi naman ih pagod ako dahil nga sunod-sunod ang stress
"Pauwi na po ako..."
"Sige mag ingat ka..." pinatay na ni lolo ang tawag tinignan ko ang cellphone ko kung may text pero wala naman nang biglang may kumuha nang cellphone ko at pagtingin ko ay si Edward pala
"A-ah..:" hay wala na akong nagawa
"Oh..."
"Number mo?" inaabot niya ang cellphone niya tinignan ko muna ito bago kinuha iniisip ko pa kasi kung ilalagay ko yung number ko o hindi ih
So? Wala naman akong choice ih kaya kinuha ko na at nilagay na ang number ko...
Sa tagal nang paghihintay ay meron nang taxi na tumapat sa amin.Tinignan ako ni Edward sabay hatak sa akin papasok nang taxi.
"A-ano ba Edward kanina mo pa ako hinihila ah?"
"Sumama ka nalang kasi..."
"Oo nga miss sikat yan at maraming naghahabol diyan kaya wag ka nang pabebe..." si manong driver na nakangiti nang nakakaloko
"Aba! Sikat din ako kuya no? D mo ba alam?"
"Eh pero yang si Edward ba yan? Yan eh kulang nalang malaglag ang mga panty nang babae eh pati kasi anak ko baliw na baliw dyan kaya wag ka nang magpakipot kung ako sayo sinunggaban ko na yan. Hahaha!" totoo naman ih namula ako bigla nong tinignan ko si Edward kinindatan niya kasi ako habang nakalagay ang dalawang kamay sa batok
"Tssk.." inirapat ko siya at tumingin sa salamin
"San nga pala tayo?"
"Ah manong dyan lang po sa 'Northville'.." turo ko sa makalumang design na bahay kasi lolo ko pupuntahan ko ih
"Dito ba?"
"Opo.Dyan lang po sa kasing ganda kong bahay..."
Bubuksan ko na ang pinto nang taxi nang biglang hawakan ni Edward ang kamay ko para pigilan ako.Nagulat ako kaya nagkatitigan pa kaming dalawa sa ginawa niya.Ngumiti siya at mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya...
Nailang ako.
"A-ah bababa na ako..." tinanggal ko na ang kamay ko sa kamay niya at bubuksan na ang pinto nang taxi nang pigilan ulit ako
"Ako na.." ano bang kalokohan
Lumabas siya at papunta na siya ngayon sa pinto na malapit sa akin at pinagbuksan ako...
"Aba? San ka naman natutong gumanyan?" ngumiti ito nang pagkasabi ko niyan
Bweset! Bakit ba kasi gumaganyan siya!
So? Votes and comments please!!!
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AbenteuerHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...