The Boys

318 19 8
                                    


Continuation...

"Hindi nga ako nga kasi!" naiinis na sabi ni Marvin

"Ako nga kasi brad tanggapin mo na." tinatapik-tapik ni Erick si Marvin sa balikat kaya hinahawi naman ni Marvin ang bawat tapik nito

Nagtatanong ba kung bakit hanggang ngayon ih nagbabangayan parin sila?
Eh sa mga ayaw paawat.

Nasa Lambhorgini ulit sumakay ang lahat yung iba gising, yung iba tulog. Halos lahat ng tulog ih babae siguro. Napagod sa biyahe at sa concert kanina.

"Kuya! Ayaw mo pa ako panaluhin ih alam mo naman." naiinis na sabi ni Marvin nagtatampo ata eh

"Oo, brad alam ko naman yun niloloko lang kita no? Hindi ka naman mabiro" si Erick na inakbayan si Marvin na halos yung nguso ih hindi mawari

"Oo na nga brad. Wag kang mag-alala paggising niya sasabihin ko na ikaw ang idol niya." si Erick na nilalambing na ngayon ang kaibigan kahit ba nakakabading ang word na nilalambing hahaha!

"Sige sige." ngumiti na ulit si Marvin na kanina ih nakasimalmal na parang inagawan ng kendi

"Bati na tayo?" tanong ni Erick. Tumango-tango naman itong si Erick

Nagawi naman ang tingin niya kay Edward na mukhang busy sa pagtanaw kay Dana na pasimple. Nangiti si Erick. Talagang ang kaibigan niyang ito hindi nagpapahalata ng totoong nararamdaman. Kaya iyan tinatago na naman sa kanya na akala naman ni Edward eh hindi niya alam na kanina pa niya ito nahahalata kahit ba nong nagprapraktis palang sila. Nang di na nakatingin si Edward kay Dana at nahagip ni Edward ang tingin ni Erick ay nagpakunwari siyang hindi niya tinignan si Dana. Ngumiti naman ng nakakaloko si Erick sa pagpapanggap na iyon ni Edward.

"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" si Edward na may seryoso kunyareng mukha

"Wala naman." ngumisi si Erick pero sumaglit ang tingin niya kay Dana na mukhang may ibig ngang ipahiwatig kay Edward.

"Edward, tignan mo si Dana oh." ngumunguso siya para maituro si Dana na natutulog ng mahimbing

"Oh ano ngayon?" sagot naman ni Edward

"Isipin mo mukha naman palang anghel yan kaso pag pala nagwala yan iba." may pagkapilyong ngiti si Erick ngayong kinakausap niya si Edward tungkol kay Dana. Ito na nga bang iniisip ni Edward kanina pa eh.

Napatingin naman si Edward kay Dana ulit nong tinuro ito ni Erick. Pero di niya akalain na magkakaroon nang kuryente nong napunta ang tingin niya sa labi ni Dana. Yan kaya ngayon bigla nalang siyang nakaramdam ng curiosity sa dalaga na isinantabi niya kasi ayaw niyang magpahalata na meron nga siyang paghanga sa dalaga. Siguro natagpuan niya yung pagiging malakas neto. Cute at magaling pa sa musika katulad niya at yun talaga rin ang gusto niya katulad niyang mahilig rin sa musika. Sino nga naman kasi di gugustuhin na parehas kayo ng gusto ng taong gugustuhin mo?

Tumingin siya kay Erick na walang emosyon. Pinilit niya na munang isekreto ito sa kaibigan.

"Di ko siya type." ibinaling ni Edward ang tingin niya kay Erick na walang emosyon

"Sabi mo eh." si Erick naman na hindi pa rin naaalis ang ngiting makalokohan

"Oy! Ezy! Aba magsalita ka naman no?" si Erick na tinanggal ang earphone ni Ezy para sabihin yan

"Erick kung wala kang magawa matulog ka nalang kasi alam mo? Ang daldal mo at ang ingay." binalik ni Ezy ang earphone niya ng pagkasabi niya nyan

Napasimalmal si Erick at parang may 'weh' pa sa reaksyon niya sa mukha.

"Eh okey ng magulo atleast d napapanisan ng laway." pamimilosopo naman niya

"Oh? Magtigil tigil ka na wag mo na naman akong idamay sa kalokohan mo." si Marvin na dumidepensa na baka kasi may kalokohan na namang sasabihin itong si Erick na walang magawa kundi mambweset.

"Eh bakit may ginagawa ba ako hah? Ikaw eh masyado ka. Kala mo chicks ka." si Erick na namimilosopo na naman at inaalaska si Marvin

"Daldal neto ni Erick. Bading ka ba?" si Edward na naasar na sa ginagawa ni Erick kanina pa. Eh paanong di maaasar si Edward eh pati siya nadadamay at mabubuking pa siya dahil lang sa daldal ng kanyang kasamahan.

"Ganyan yan kasi walang bar dito na malapit at isa pa wala yung mga chicks niya dito. Kaya yan medyo nababaliw."
Si Ezy na sumabat na rin siguro ih asar na rin pati nga naman kasi siya nadadamay ih nananahimik siyang nakikinig ng tugtog sa ipad niya

"Siguro nga." si Marvin

"Oo nga." si Edward

"Aba? Pinagtutulungan nyo ata ako dito ah?" makahulugang tanong ni Erick ng natatawa nang nakakaloko

"Eh ang daldal mo kasi para kang babae!" sabay-sabay na sabi ng tatlo kaya nagkatinginan silang lahat at bumalik sa kanilang mga ginagawa. Seryoso sila no? Samantalang si Erick ay nanahimik na rin siguro nadaldalan na rin sa sarili.

AN:
Readers? May I ask for votes and comments please? Puro reads ih ... Sana maintindihan ninyo siguro naman yung iba author din dyan paki intindi naman nang feelings ko? ๏︿๏<(-︿-)>

So? Comments and vote please readers?

Next chaptiee? Idk ...

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon