Apartment(Stay)

334 14 5
                                    


Apartment
*Paris*
*Stay for a one week vacation*

Napag-usapan nila at ng kanilang manager na dito muna daw sila mag-stay mga one week para masulit narin daw nila ang bakasyon. Iyon ay inaalok lang naman ng mga manager nila kung gusto nila. Pero mukhang payag naman lahat. Sabi din ng manager nila sila na daw bahalang i-cancel lahat ng mga tatawag para ayain silang tumugtog.

Nagising na lahat ng babae ng marinig nila ang malalakas na tawa ng mga lalaki na kanina pa nag-uusap.

"Malapit na tayo sa apartment na binayaran namin para sa inyo." ngumiti si Madaam Ellen

Kanya-kanya naman ng unat ang Precious Angels.

Nagmumuni-muni na si Mikaela ng maisip niya ang tungkol sa apartment.

Sana pagsamahin kami sa iisang kwarto lahat para makatabi ko sya.

Si Dana naman ay natauhan ng maisip ang tungkol sa apartment.

Hay? Kasama namin sila? Ano ba naman yan?! Makikita ko na naman yang bastos na yan kala ko matatahimik na ako wah.

Si Edward naman ay busy sa panunuod ng naggigitara sa cellphone niya na nakaheadset pa mukhang may pinag- aaralan na naman siyang isang masterpiece.

Si Ezy na laging walang pakielam sa kung ano na ba nangyayari sa paligid basta siya tahimik lang wala na namang imik.

Si Erick? Iyon nambobola parin sa cellphone may kausap na babae hanggang ngayon nandito na nga sa Paris para magbakasyon yun parin walang pinagbago. Sabagay mababago mo ba ang nakasanayan? Hindi diba?

Napatingin ang lahat sa bintana ng biglang huminto ang kanilang sinasakyan na lambhorgini sa isang malaking bahay na kitang kita mula sa labas.

Ang malinis na swimming pool.

Ang ihawan na nakaready na para sa kanila.

Ang magandang view mula dito sa pwesto nila.

At ang malaresort na itsura nang mansyon.

As in mukha talagang resort.

May umbrella stand na may upuan na nakapaloob dito.

Nang makita nila ang ganda ng apartment na sinasabi ng kanilang manager ay nag-una-unahan na silang magsialis sa pwesto nila upang salubungin ang ganda nang 'malaresort' na apartment.

No words can explain the beauty of this.

Resort Apartment

"Wow! Para na tayong nasa resort talaga neto..." si Mik mik na hangang-hanga sa paligid bawat titignan niya di maaalis ang tuwa at pananabik sa nasabing apartment

Naglakad-lakad na sila sa loob ng apartment na yun. Nagsimulang ng magsitalon sa swimming pool yung iba. Nagtulakan at nagharutan.

"Ate Dana! Lusong ka din bili!"

"Ahhh!! Ano ba?!" si Michelle na hinihila naman ni Erick sa pool

"A-ayo--"hindi na natuloy ni Michelle ang sasabihin ng bigla siyang hinila ni Erick sa pool kahit ba nakadamit pa ito ng pang-alis

Sumimalmal si Michelle sa ginawa ni Erick inirapan niya ito.

"Hahaha! Ayaw pa kasing lumusong..." aakyat na si Michelle para magpalit na ng bigla na naman siyang hinila ni Erick. Kaya nagtama ang paningin nila at nakahawak ang isang kamay ni Erick sa bewang ni Michelle at yung isa ay sa kamay naman neto.

"Yiieeee!!" pang-aasar nila Mika at Marvin

Bumitaw si Michelle at umiwas ng tingin. Nailang siya pero si Erick ay ngumisi lang. Umirap siya kay Erick bago lumayo muli at umahon na para magpalit.

Badtrip naman na ngumuso si Dana kasi inaasar naman siya ni Edward. Kagagaling niya lang sa loob kasi nga nagpalit siya para makasama din siya sa kasayahan. Nang biglang...

"Magswiswimming ka din?" napatingin si Dana ng masama sa taong nasa gilid niya. Si Edward iyon.

"Oo bakit?" tumawa si Edward

Maghuhubad na siya ng takip ng biglang narinig na naman niya ang pagtawa nito ng malakas. Napatingin ulit siya.

"Problema mo ba?" pagtataray ni Dana dito

"Sa taong may korte lang ang nagsusuot ng ganyan..." sumama pang lalo ang aura ni Dana ng sinabi ni Edward yun. Kaya tuluyan ng tinanggal ni Dana ang tapis at nagsimulang ipukpok ito kay Edward na tuwang-tuwa namang inaasar siya.

"A-a-ray! Ano bang nakakainis dun? Totoo naman diba? Hahaha!" patuloy pa rin si Dana sa paghabol kay Edward para paluin to ng paluin ng kanyang tapis

Naikot na ata nila yung buong pool dahil lang sa paghahabulan nila. Nakahalata na nga yung mga kasama nila eh. Nakatingin lang ang lahat sa kanila. Yung iba nga nangingiti na sa kanila. Wala ng tatakbuhan si Edward. Pupok pa sana ulit ni Dana yung tapis niya ng biglang...

"Ehem..." si Erick

Napatingin naman yung dalawa. Kaya nahinto sila parehas. Yung bang na-istatwa sila. Si Dana na nakahinto na papaluin si Edward at si Edward naman na sasaluhin ang palo ni Dana.

Maya-maya ay nakahalata yung dalawa. Kaya si Dana ay nagwalk-out na kunyare naiinis pero ang totoo nangiti nong nakaalis na siya doon na nakita naman ni Ezy.

Natawa si Ezy sa nakitang pasimpleng ngiti na yun ni Dana. Naisipan niyang tawagin ito bago pa ito makapasok sa loob mismo ng apartment.

"Dana.." tumingin si Dana sa direksyon kung saan niya narinig yung pagtawag sa kanya

AN:

Votes and comments please?

Yung swimming pool katulad nong nasa taas...

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon