Healthy Heart Hospital

244 12 0
                                    

Kriingg!!!
School Bell

Nagsilabasan na ang lahat.Kami nalang sigurong apat ang natitira.

"Dana pupunta ka ba kay Mrs.Dela Vega ngayon?" si Michelle ako naman ay tumango tango naman

"Kayo diba kayo pupunta?" ako

"Yun nga iniisip namin ih..." si Michelle na kunyare nag iisip

"Ano ka?! Pinag-iisipan mo pa!" si Sharlot na namimilosopo ata hahaha!

"Ang tanong kung meron nga ih. Hahaha!!!" si Michelle na biglang natawa pagkatapos ni Sharlot manloko

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa.
Puro talaga kalokohan alam netong dalawa.

"Ikaw ba Mik-mik? Hindi ka ba sasama sa akin o pag-iisipan mo rin?" sabi ko kay Mik mik na busing-busy sa kakatext na may ngiti ngiti pang nalalaman

"Hoy! Kinakausap ka ni Dana!" si Michelle na bigla nalang ginulat si Mikmik na mukhang natauhan naman nong ginulat

"Oy! Michelle grabe ka naman kay Mik mik." si Sharlot na concern kay Mik mik

"A-ano ulit yun Ate Dana? Sensya ka na ah.." tumingin siya sa akin tinitigan ko ang mukha niya

"Ikaw mik mik ah? Yung mukha mo pulang pula na parang kamatis na.Sino ba yang katext mo?" ako na tinitigan si Mikaela napansin ko lang naman yung mukha niya.Si Michelle naman alerto biglang tingin ba naman sa katext ni Mik mik

Hindi pa nakuntento at kinuha pa talaga yung cellphone.

"Ate! Michelle akin na yan!" inaabot ni Mik mik yung cellphone niyang nasa kamay ngayon ni Michelle at itinataas iyon para mabasa niya

"Eh Ate wag mo na kasing basahin!" inaabot parin ni Mik mik yung cellphone niya habang si Michelle naman patuloy sa pagtaas at pagbasa ng messages

"Ano ka ba mik mik wag kang mag alala tayo tayo lang naman no?" si Michelle

"A-andali nga! From: Marvin Baby, baby ingat kayo dyan ah mamaya nalang ulit 😘.."

"Ehhh!!! Si Ate naman ih!!" natatawa nalang ako nong nagmamaktol na si Mik mik dahil sa binasa ni Michelle yung isang message ni Marvin sa kanya

"Oy! Mikaela grabe ka! Namumula ka talaga oh!" si Sharlot na wala na namang magawa at pinagpipisil ang pisngi ni Mikaela

Andali? Nagtataka ba kayo kay Sharlot kung bakit iba ata siya ngayon? Iyon ay dahil may samud siya.At yung part niyang yan? Sa amin lang niya pinapakita.Nangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila.

"Baby pala ah?" hanggang sa makalabas kami niloloko parin nila si Mikaela pero binigay na ni Michelle yung cellphone kaya si Mikaela naman di na sila pinapansin at nagtetext nalang

Healthy Heart Hospital

12:00 P.M

Nandito na ako ngayon sa Hospital kung saan nandun si Madaam Dela Vega.Tinulak ko yung pinto at napansin ko ang paligid nito.Infairness, ang ganda nang hospital na ito at ang linis mukhang safe naman siguro si Madaam dito.Hindi na ako masyadong tumanaw kasi nagugutom narin ako ih.At tsaka lalamig din itong dala ko kaya dali dali ay pumunta na ako dun sa nurse na nandito sa bungad pagpasok ko.Yung tanungan kung saang room ganun? Hindi ko kasi alam kung ano tawag ih.Pasensya na.

"Ahm..Ano pong room si Mrs Dela Vega?" tanong ko dun sa nurse na nandun sa front desk

"Andali lang po Ma'am.." may kinuha siyang record at may hinahanap

Siguro hinahanap niya kung saang room si Madaam Dela Vega.

"Ma'am room 114 po siya..Dyan lang po..." itinuro niya yung daan at tinungo ko naman iyon sabi ko sa inyo ih hinahanap niya kung saan yung room

Masaya kong tinutungo ang kwarto ni Madaam.Andali ka lang diyan Madaam padating na ako.

"Room 112..." yan isang kwarto nalang

"Room 113..." yan na malapit na next room na

"Room 114..." yes! Eto na ako Madaam binuksan ko na ang pinto at nakita ko nga si Madaam na natutulog kaya nagdahan dahan akong pumasok para di niya marinig ang aking pagpasok

Umupo na ako sa tabi niya at tinatanggal ko na ang aking bag.Inihahanda ko narin ang aking baon para pag nagising siya kakain na kami.

2 minutes later...

Naramdaman ko na parang gumalaw si Madaam kaya tinignan ko ito.

"M-madaam? Gising na po kayo?" nangiti ako kaya sa tuwa ko nayakap ko siya pero syempre hindi mahigpit kasi alam ko namang baka di siya makahinga

"Napadalaw ka Dana?" nangiti siya at di niya maitago na tuwang tuwa siya dahil nandito ako

"Ako pa Madaam? Matitiis po kayo? Hindi po kayo..." humiwalay na ako nang yakap pero still ngumiti ulit ako sa kanya natutuwa akong natutuwa siyang nandito ako

"Kain po tayo? Kumain na po ba kayo nang tanghalian?"

"Nag-abala ka pa.." lumapit ako kay Madaam at ngumiti

"Madaam alam nyo naman pong mahal na mahal ka namin nang seksyong seasoned kaya pano ka namin makakalimutan?" idinikot ko ang pisngi ko sa kanya yung parang nilalambing *sana magets nyo*

"Ikaw talaga Dana ang bait bait mo sana matagpuan mo na yung magmamahal sayo sigurado ako ang swerte non.Napasweet mong bata at maalagain..." nangiti ulit ako kay Madaam

"Madaam alam nyo naman pong wala pa po sa isip ko yung mga ganyang bagay.Mas priority ko po ang pangarap ko na makatugtog lang nang gayageum buhay ko po kasi iyon..."

"Ikaw talagang bata ka? Hindi ka ba nagsasawa mag-isa? Wag mo akong gayahin tignan mo ibang tao pa ang nag-aalaga sa akin."

"Alam nyo po Madaan kumain na po tayo pinagluto ko po kayo nang tanghalian.Sasabayan nyo po ako.."

Yun nga at kumain na kami ni Madaam.Sinusubuan ko siya para di na siya mahirapang kumain.Nagdala rin ako nang sabaw para di mahirapang lumunok.Kasi alam ko pag matanda na nahihirapan na silang lumunok.

Sana gumaling ka na Madaam.
Miss na kita at mamimiss talaga kita.

"Pagaling ka Madaam..." natutulog na siya nong sinabi ko yan at umalis na ako

AN:
Readers? Why so quiet? May problema po ba sa story ko? Hindi ko po kasi maintindihan ih? Comment naman po kayo if may problema about sa story? Meron po ba kayong di maintindihan or what.

Sana po maintindihan ninyo yung gusto kong mangyari.Gusto ko lang naman po kasi talagang malaman.

Don't forget to vote/comment! Pliittthhhh!!!!!!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon